Chapter 3

290 20 35
                                    

Hapon na pero tinapay at gatas ang kakainin nya? Seryoso ba sya? Eh halos almusal tong kakainin nya. Napa iling nalang ako at mas nakaramdam ng kaba ng marating ko ang tapat ng kulay puting pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok dito.

"Mam? Nandito napo ang pagkain nyo." Magalang kong sabi.

Pero halos limang minuto na akong naka tayo pero walang nagbubukas ng pintuan. Kumatok ako ulit at mas nilakasan ko na this time. Baka naman nasa cr o tulog pa?

Nag antay ulit ako pero ganon padin. Baka naka idlip ulit ito.. sayang naman ang pagkain na to tsaka anong oras na, di ba sya nagugutom? Tumalikod na ako pero bago ko pa maihakbang ang paa ko, narinig kong bumukas ang kanina ko pa inaantay.

"Who are you?" may halong gulat at kaba ang naramdam ko sa lamig ng boses na nagtanong saakin.

Napa pikit ako tsaka humarap sa taong nasa likod ko. And there, nakita ko ang mukha nya. Ang gandaaa.. Pero mas natulala ako sa mata nya. Nakakatunaw syang tumingin. Nakakalunod. Tipong mawawala ka. Pero habang tumatagal, mas makikita mo ang laman nito. Madilim. Walang buhay. Parang napaka lungkot nito at matamlay. Parang na'hypnotized ako at napalunok ng wala sa oras. Di ako madalas pumuri sa angking ganda ng isang tao, at masasabi kong sya palang ang nakakuha ng atensyon ko.

"I'm asking you. Who. Are. You.?" rinig kong ulit nito. Napa balik ako sa wisyo dahil dito.

"I'm sorry mam. Ako po si Jennie. Pinadala lang po ni Aling Rosy itong pagkain nyo." sinubukan kong wag mautal. Dahil hanggang ngayon nadadala padin ako sa presensya nya.

"I guess ikaw yung bago?" wala pading emosyon nyang tanong kaya napa tango nalang ako. "Paki lagay nalang sa table ko sa loob." muli nyang sabi kaya naman walang alinlangan akong pumasok sa loob. Kapansin pansin ang ayos ng kwarto nito. Napaka linis at lahat ng gamit ay naka lagay sa dapat na lagayan. Pero madilim dahil sa saradong kurtina dahilan para walang sinag ng araw na tumatama sa kwarto. Nilapag ko sa maliit na lamesa ang dala kong pagkain.

"May kailangan pa po ba kayo mam?" tanong ko sakanya na naka tayo padin sa pintuan. Naka tingin lang sya sakin.

"Wala na." cold nyang sagot. Grabe mas malamig pa sa yelo yun ah!

"Okay po. Mauuna napo ako." tumango lamang ito. Naglakad nako palabas hanggang sa madaanan ko sya. Pag labas ko agad kong narinig ang pagsara ng pinto at dun lang ako nakahinga ng maayos. Ewan ko ba kung ano yung naramdaman ko kanina. Sobrang kaba ata yun. Winaksi ko nalang sa isip ko ang nangyari at bumalik sa kusina para sabihin kay manang Rosy na naibigay ko na ang pagkain kay Mam. Nadatnan ko syang may hinahanap sa ref.

"Manang? Naibigay ko na po kay Mam Chaeyoung yung pagkain."

"Naku salamat ija. Osha magpahinga ka muna at maaga pa tayo gigising bukas."

"Ayy sge po salamat po. Ahmm manang? Bakit po ngayon lang po kakain si Mam? Tsaka bakit po yun lang kakainin nya?"

Napa tingin naman sakin si manang Rosy.

"Ganon talaga ang batang yun. Ewan ko ba at mas gustong magmukmok nun sa kwarto nya. Madalang lang kasi lumabas yun. Isa pa, luto lang ng mommy nya ang kinakain nya. Pero dahil busy ang magulang nya, minsan lang din makapag luto si Mam para sakanya."

"Ah ganon po ba. Para pong ang lungkot nya." walang preno kong pagkasabi. Eh yun naman totoo eh. Na-feel ko lang.

"Tignan mo itong batang to kedaming napapansin. Wag kang mag alala, makikilala mo rin yang si Chae. Sa ngayon eh magpahinga kana at maaga pa tayo bukas."

"Ah eh haha osige po manang magpapahinga napo ako. Salamat po." sagot ko kay manang habang napakamot sa sintido ko. Isang matamis na ngiti at tango lamang ang isinagot saakin ni manang.

You save MeWhere stories live. Discover now