Prologue

2 0 0
                                    

Tinanggal niya ang suot niyang maskara at nilagay sa mukha ko, ako na ngayon ang nakasuot sa maskara niya.

Napatitig ako sa mukha niya, para talaga siyang totoong tao. Hindi ko rin maipagkakaila ang taglay niyang kagwapuhan. Hinihiling ko na sana tao ka nalang.

O_O

N-nagulat ako sa ginawa niya.

Pagkasuot kasi niya sakin nung mask ay hinalikan niya ako. Pagkatapos nung halik ay medyo lumayo siya sakin ng nakangiti.

"Sayo na 'yang maskara ko" sabi niya habang nakangiti. Nagsimula na ulit kaming maglakad. Hindi ko maiwasang mag-isip. Parang may hindi magandang mangyayari. Ito na ba yung huli namin pagkikita? Ito na ba yung huli naming pagsasama? Iniisip ko palang sumisikip na agad ang dibdib ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala siya sakin.

Bigla kaming may narinig na nagtatakbuhan.

"Hintayin moko, ate!" Sabi nung batang lalake habang hinahabol ang kanyang kasama.

"Bilisan mo baka hinahanap na tayo nila nanay!" Sagot rin nung batang babae ng biglang matisod ang batang lalake kaya hinawakan ni Kalen ang braso nito upang hindi tuluyang mahulog ang bata. Lumapit naman ako sa bata at kinausap.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa bata.

"Opo! Maraming salamat po! Alis na po kami." Paalam nung bata at tumakbo na ulit ito kasama ang kanyang kapatid.

Nakangiti akong pinagmamasdan ang naghahabulang magkapatid nung may napansin akong limawag sa tabi ko. Paglingon ko....

O_O

"K-Kalen." Mahinang tawag ko kay Kalen. "Totoong tao ang mga bata kanina?!" Gulat na tanong ko.

"M-mayumi" napalingon ako sa kanya at nakita kung gulat rin siya habang nakatingin sa kanyang katawan na mas lumiliwanag. Napatingin ako sa mukha niya at nakita ko siyang lumingon habang nakangiti rin sa'kin

"Mayumi halika, yakapin mo na 'ko" makikita ko yung magkahalong lungkot at saya sa mata ni Kalen kaya diko maiwasang maiyak narin at tumakbo palapit sa kanya at hinagkan siya ng mahigpit na yakap.

Ang sarap pala sa pakiramdam na nahawakan at nayakap ko na rin si Kalen sa tagal na naming magkasama. Ang sakit rin sa dibdib na pagkatapos ng yakap na'to mawawala na siya ng tuluyan sakin.

"Mahal na mahal kita, Mayumi" yan ang huling katagang sinabi ni Kalen sa'kin bago siya naglaho sa mga bisig ko kaya diko namalayan na nakahiga na'ko ngayon. Mas napahagulgul ako sa sinabi ni Kalen. Mahal niya 'ko?

"Mahal na mahal rin kita, Kalen" kahit wala na siya at hindi ako sigurado kung narinig niya ako ay sinabi ko parin ang totoong nararamdaman ko.

That Man is Immortal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon