Chapter 1 - Kalen
Mayumis POV
Nandito ako ngayon sa Coffee Shop malapit sa mall. Naisipan ko kasing mamasyal ngayon at ilibang ang sarili ko dahil Summer ngayon.
Dalawang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon masakit parin ang nangyari. Simula nung nawala siya sa buhay ko naging malungkot na ang Summer ko na dati hindi naman dahil laging siya ang kasama ko noon. Pero ngayon wala na siya. Miss na miss na kita Kalen.
Naluluha nanaman ako nang maalala ko ulit siya. Sabing ililibang ko ang sarili ko pero wala e, naaalala ko parin talaga siya. At hanggang ngayon siya parin ang mahal ko.
Pinunasan ko ang luha ko at dali daling inubos yong inorder ko. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ko sa coffee shop at dumiretso sa kalapit na mall. Wala naman akong balak magshopping or what, basta gusto ko lang ibaling sa iba yong atensyon ko nang makalimutan ko naman kahit minsan lang si Kalen.
Papasok na sana ako sa isang boutique nung may nakabangga saking lalake. What the?!
Im sorry miss nagulat ako nang marinig ko ang boses na yon. Impossible. Pero hindi ako pwedeng magkamali, boses yun ni Kalen! Liningon ko yong lalakeng nakabangga sa'kin ngunit masyado na itong malayo pa para habulin ko.
Hindi parin ako makapaniwala na kaboses niya si Kalen. Pero imposibleng siya yon. Hindi tao si Kalen, at lalong lalo nang wala siya dito. Dahil kitang kita ko kung paano siya naglaho sa mga bisig ko. Nagtataka ba kayo kung sinong Kalen ba ang tinutukoy ko? Siya lang naman yung lalaking matagal ko ng minamahal. Bago ko ikwento ang storya namin ni Kalen, magpapakilala muna ako. Im Mayumi Sanchez, 17 years old. Mag isang anak lang ako nila mommy. Saka niyo nako makikilala, ikukwento ko muna ang samin ni Kalen kung paano kami nagkakilala.
(A/N: Nasa present napo tayo ngayon at lahat ng mga nangyari kay Mayumi at Kalen ay ifaflashback ni Mayumi. Lahat naman iaupdate ko para di kayo malilito)
*Flashback*
7 years ago.
10 years old ako noon nang sabihin nila mommy sakin na sa probinsya nina lolo ako magbabakasyon. Noong una di ako pumayag dahil mawawalay ako sa mga friends ko huhuhu *pout*
Baby are you ready? Tumabi sa'kin si mommy at hinaplos ang buhok ko.
Mommy arent you coming with me? Nakapout ako habang tinatanong si mommy.
Ihahatid ka lang namin ni daddy mo doon baby e sinusuklay na ngayon ni mommy yung buhok ko gamit kamay niya. Eh? Naubusan na ba kami ng suklay? Andami ko kayang suklay dito sa kwarto ko hay si mommy talaga.
Pero mommy, hindi ko na po ba kayo makakasama ni Daddy ngayong bakasyon? Tumayo na rin ako nung hawakan ni mommy ang kamay ko at hinila palabas ng kwarto.
We want you to have bond with your lolo this time baby and besides were going to New York with your Dad to visit our company there. You dont have to worry baby because your lolo is very kind and there are a lot of kids youre gonna play with. Dont be sad okay? Youll be back here before your schooling will start. Pagkababa namin ni mommy sa hagdan ay nakita namin si Daddy na nakaupo sa sala at halatang hinihintay kami.
What took you so long? Baka anong oras na tayo makakarating sa probinsya. Sinundan namin si Daddy palabas ng bahay habang bitbit ang mga gamit ko. Sumakay na kami sa kotse at nagsimula ng magdrive si Daddy.
*****
Pagkarating namin sa harap ng bahay ni lolo ay sinalubong niya kami ng yakap.
BINABASA MO ANG
That Man is Immortal
FantasyAll my friends were taken, and I am being wait, what should I call to my self? A seventh wheel? Yeah, I have 3 friends and all of them are in a relationship. I got jealous, not because I like one of their boyfrends but because I am so alone. But the...