Chapter 2

522 17 3
                                    

julie's POV

nahiga ako sa kama habang umiiyak. alam kong oa na ako pero ang sakit kayang makita ang cellphone na pinag hirapan mong madaganan sa harap mo. ano ako manhid para di man lang umiyak? and to think si moe pa ang may kasalanan!

urrrgh! nanggigil ako! ansarap sarap patayin ni moe. makakatikim talaga ang lalakeng yung saken bukas.

"julie? anak?" biglang pumasok si mama sa kwarto ko. "ba't nandito ka na? diba may practice ka pa para sa prod niyo ngayong linggo?"

"ma.." naiiyak kong sabi sa mama ko. 

"umiiyak ka ba?" lumapit siya sa akin at umupo sa paanan ng kama ko. "bakit? anong nangyari? may masakit ba?"

"ma.. sinira ni moe ang cellphone ko. pinag hirapan ko pa naman yun!" bigla nanamang bumuhos ang mga luha ko. attached na ako doon sa phone na yun eh!

"julie naman, cellphone lang yun. tahan na." hinimas himas ni mama ang likod ko. 

"pero ma, pinaghirapan ko yun. sariling kayod at pera ko yun!" kinuha ko yung unan ko at tinabunan ang mukha ko.

"marami pang sweldo ang dadating. you can buy your new phone then." sabi ni mama. "may extrang cellphone ka naman diba? yung free sa myphone? diba?"

napabuntong hininga ako. "opo ma. pero miss na miss ko lang talaga ang BB ko."

"baby!? anong baby!? may boyfriend ka na ba!?" bigla naman niyang piningot ang tenga ko. "sabing wag munang mag boyfriend!" 

"a-aray! ma! anong boyfriend ang sinasabi mo diyan!?" piningot niya lalo ang tenga ko. "ma! bitawan mo ang tenga ko!"

"sabi mo namimiss mo ang baby mo!" 

"ma! hindi baby, BB! as in blackberry!" sigaw ko. grabe, ansakit ng tenga ko!

"a-ay. sabi ko nga." binitawan niya ang tenga ko. "ikaw naman kasi, kung anu-anong terms ang ginagamit mo." 

hinimas ko ang tenga ko. grabe talaga to si mama!

"pero teka nga, ba't naman sinira ni moe ang cellphone mo?"

napabuntong hinga ako at kinuwento sa kanya ang nangyari. mas lalong uminit ang ulo ko habang inaalala ang pangyayari kanina. grabe, di man lang tumigil yung motor para mag sorry!? sigurado naman akong di pa sira yung cellphone ko kung di yun nasagasaan ng motor.

"pakiramdam ko nagselos lang si moe."

"ano?! si moe?! magseselos!?" natawa ako. "no way. tsaka di naman ako type nun no, magka away kaya kami."

ngumiti si mama. "you'll never know."

"ma naman. alam mo ba yung salitang 'magka away'? kami yun eh." nag unat ako. "pagod na ako ma. night." tapos humalik ako sa pisngi niya.

"eh sa tingin mo, ba't niya ginawa yun?" 

nagkibit balikat lang ako. "para inisin ako." 

ngumiti si mama. "hay nako. osige, good night."

moe's POV

"just what the hell were you thinking when you did that?!" mom shouted.

"i don't know." i was scrolling through my phone. sinesermonan nanaman ako ni mama tungkol sa ginawa ko kay julie.

"elmo moses magalona when did you start acting like that!?" sigaw ulit ni mama. i sighed. mom is so melodramatic.

"look mom, i just did it to annoy her okay? i'll just replace the damn phone if you want." tumayo ako. "night." 

umakyat na ako sa kwarto ko. nagkasalubong kami ni max pero wala ako sa mood para kausapin siya. bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"moe. you better control that." sabi ni max.

"control what?" i asked her. i hated this topic. i ain't guilty or anything, i just don't wanna talk about it.

"stop acting like you don't know what i'm talking about. alam mo namang ayaw ni mama si julie para sayo." 

"and so? ano naman ngayon? wala naman akong ginagawa ah."

she sighed. "just.. just stop okay?"

"whatever." 

pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama. i didn't bother to remove my clothes since i'm not really in the mood. tumingin ako sa ceiling, this is gonna be another long night. umiikot nanaman sa isipan ko ang tanong sa akin ni mama. 

"just what the hell were you thinking when you did that?!"

"just what the hell were you thinking when you did that?!"

"just what the hell were you thinking when you did that?!"

napabuntong hininga ako at kinuha ang ipod ko mula sa drawer ko.

"ewan ko nga rin bakit eh." 

at sinarado ko ang mga mata ko at nakinig ng music.

=======================================================================

[a/n: oh ano, tama ba yung sinabi ni max kanina? =))) no pun intended. it's only a fanfic guys, it is only based on real life events but not the real life events itself okay? shit baka ma cyber crime law ako neto hahaha! 5 votes next chapter?] 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loveteam Nga Ba? (JULIELMO) on holdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon