Chapter 1

28 4 0
                                    

Chapter One

"Yes and he was you" Shocked was written all over my face when I heard her say that.

"So you knew who I was? Bakit mo pa tinanong yung pangalan ko kung kilala mo naman pala ako?" I asked with full of curiosity.

"Nagbabakasakali lang ako na baka may naaalala ka kahit pangalan mo man lang sana." She sighed at what she said.

"Alam mo ang tanga-tanga mo eh. Dito mo pa talaga naisipang magpakamatay sa rooftop ng hospital ko at sana hindi ka na lang na comatose, sana tinuloy mo nalang yung journey mo patungong afterlife. Ang dami mo pa tuloyng na- agrabyado. Sinayang mo pa yung luha ng mga taong nasa paligid mo tsk." Dagdag niya pa.

"What did you say?"

"Bingi ka ba?"

Aba't! Napakapilosopa talaga ang sarap sapakin eh pero huwag nalang baka matuluyan eh 50/50 pa naman ang buhay neto.

"Can you tell me the reason why I committed suicide?"

I wanna know the reason why I wanted to kill myself.

"Aba, ayaw ko nga noh karma mo na yan. Kung hindi ka nalang kasi sana nagpakamatay eh di sana buo pa yang memorya mo. Kita mo 'to nagtangkang magpakamatay 'tas nung nagka-amnesia magtatanong, ang sarap mo ring itapon sa mars eh. Galing mo rin eh." Halatang naiinis niyang sagot.

"Come on, sabihin mo na please." I plead

"Okay, fine."

"Sige, ano ba talagang nangyari bakit nagtangka akong magpakamatay?"

"Kasi bobo ka, tatanga-tanga pagdating sa pag-ibig."

"At least umibig diba?"

"So sinasabi mo na loveless ako? Na hindi ako marunong magmahal? Aba't ayos ka rin eh noh?"

"Bakit nagmahal ka na ba?"

Natahimik siya bigla.

"Sagutin mo nalang nga yung tanong ko." Naiinip kong saad. "Dami-dami mong sinasabi."

"Aling tanong?"

"Yung rason kung bakit ako nagpapakamatay?"

"Nagka girlfriend ka kasi at bilang isang lalaking labis labis kung magmahal binigay mo lahat kaya nung nalaman mong nabuntis yung girlfriend mo at ang masaklap pa ay yung lalaking itinuturing mong best friend kuno ang ama. Gumuho ang mundo mo nun halos di ka na nga lumalabas ng kwarto mo at halos di ka na makakain. Naaalala ko parin ang nakakadiring sinabi mo sakin noon, ang corny kasi gusto ko ngang masuka kaso pinigilan ko lang baka kasi akalain mong wala akong kwentang best friend hahaha."

She laughed but I could tell that she let it out insincerely.

"Ito yung sinabi mo sakin eh, tandang-tanda ko pa "Sha, di ko yata kayang mabuhay ng wala siya. Nasanay kasi akong palaging nandiyan sa tabi niya. Bakit ba kasi ganito? Bakit ba kasi kailangang mangyare to?"

"Diba? Parang temang umiiyak ka pa nga nun eh. Sinayang ko lang yung luha ko kakaiyak sa'yo habang nakaratay ka sa kama, isang pagkakamali yun kung maituturing. Pero alam mo kung ako ang nasa kinalalagyan mo hinding-hindi ko gagawin yung ginawa mo. Kasi kung mabibigyan man ako ng isa pang pagkakataong mabuhay. I would make the most of it. Susulitin ko, hinding-hindi ko hahayaang maging sagabal ang sakit ko sa plano ko sa buhay. Ang swerte nga ng iba diyan eh bihira lang ang mabigyan ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay."

"Hinihiling ko na sana ako rin. Sana pagbigyan ang kahilingan ko kasi sa tanang buhay ko ngayon lang naman ako humiling eh. Sana pagkatapos ng operasyon buhay pa rin ako kasi I wasted my time being angry at the people who hurted me."

"Nag aksaya ako ng oras sa pagmumukmok sa mga bagay na wala namang kahulugan. Kung kailan ko nalaman na maysakit pala ako sa puso dun ko pa natutunang pahalagahan ang buhay kasi kahit anong oras maaari itong nakawin sayo at yun ang nakakatakot. Sobrang nakakatakot na kahit anong oras at kahit saang lugar ay pwedeng bawiin ang buhay mo pero wala eh ganun talaga wala ka nang magagawa."

"Kung hindi man matutupad ang aking hiling maaari bang ipangako mo sa akin na pahahalagahan mo ang buhay mo? Maaari bang tandaan mo ang pangalan ko hanggang sa kahuli-hulihan mong hininga? Maaari bang sa tuwing makakakita ka nang matataas na lugar o kaya matatayog na gusali ay isipin mo ako? Ayaw ko mang mawalan ng pag-asa ngunit alam ko namang mababa ang chance na makaka survive ako, mukhang malabo eh feeling ko nga sa afterlife talaga ako patutungo pagkatapos ng operasyon."

I was just staring at her the whole time. Wala akong masabi.

"Sige, mangangako ako ngunit sa isang kondisyon." Bumaling siya sa akin

"Ano?"

"Lumaban ka."

"Susubukan ko ngunit hindi ko maipapangako na magtatagumpay ako. Si kamatayan kase ang kinakalaban ko eh hindi ko alam kung sapat na ba ang aking lakas ng loob upang hindi ako matalo."

"Alam mo ang tapang mo kasi kahit alam mong medyo malabo. You took the risk, kahit alam mong walang kasiguraduhan sumugal ka pa rin. Wala kang pag-aalinlangan. Di tulad ko problema lang nagpapatibag na agad."

I spoke those words with full of admiration. Sobrang hinahangaan ko ang babaeng ito kase grabe ang tapang niya. Grabe sya magpahalaga.  Somehow, it made me think kung hindi siguro ako nagtangkang magpakamatay hindi sana ako malalagay sa sitwasyon ko ngayon.

"Leevi, piliin mong mabuhay sa kabila ng lahat ng mga masasamang nangyare na pilit nagpapa-alala sa iyo na dapat ka ng sumuko dahil nakakapagod na. Piliin mong magpatuloy dahil balang araw magiging malinaw din sayo kung bakit kailangan mong pagdaanan ang lahat ng iyon. This life is worth living however some just easily gave it up when storm starts to hit its vulnerable spot."

Tila ba sinaksak ang puso ko ng libo-libong palaso sa mga sinabi niya. I realized na sobrang mali ng aking ginawa. I regretted what I did but what she said made me want to value my life.

"Let's go back. It's getting cold in here baka ano pang mangyare sa'yo. You need to rest kase may operation ka pa bukas."

I stood up and offered her my hand  for her to stand up.

As we walk towards the door I asked her something about me.

"Nizsha, what's my complete name? Since I woke up I couldn't remember who I was. Wala rin naman kasing dumalaw sa aking mga kamag-anak ko."

She faced me.

"You're Leevi Jade Sentillas."

ForgottenWhere stories live. Discover now