Hanggang panaginip nalang ba?

188 7 0
                                    

Hating gabi,yan yung oras na napanaginipan kita
Yan yung oras na mahimbing ang pagtulog
dahil nasa panaginip kita
Masarap ang tulog ko kase kayakap kita
Pero sa panaginip lang pala

Ayoko ng gumising,gumising sa katotohanan na may mahal ka ng iba
Sa panaginip na lang ba kita makakasama,
Sa panaginip nalang ba kita mayayakap,
Sa panaginip ko nalang ba mararamdaman ang saya
Ayoko ng gumising,kasi makikita kong masaya ka na sakanya

Minsan nga nangangarap ako na
magugustuhan mo rin ba ko,
mamahalin mo rin ba ko,
Pero hanggang pangarap na lang pala

Masakit mang isipin na hanggang panaginip nalang pala
Na hanggang kaibigan lang ang tingin mo saken
Pero minahal parin kita,kahit
sobrang sakit na.

Hindi ko alam kung ano ang
patutunguhan ng nararamdaman ko
Tiniis ko kahit sobrang sakit
Gusto ko lang naman malaman mo kung gano kita minahal

Parang tagutaguan lang to eh,
Ikaw yung taya at magtatago ako
Magtatago pa nga ba ko?eh nung nasa harapan mo nga ko di mo nako makita pano pa kaya kung magtago ako.

Naglaro na tayo ng habolhabolan
Ako naman ang taya,hahabulin kita habang hinahabol mo sya
Pero bakit ganon nasa likod mo lang ako hindi mo parin ako makita
tapos na ang larong habolhabulan pero bakit ganun bulag ka parin.

Hanggang panaginip na nga lang ba?
o isang laro lang?
Di ko alam kung may chansa pa para makapiling ka
"MAHAL KITA"
Apat na salit pero ang ibig sabihin lang pala,
"MAHAL KITA KASE KAIBIGAN KITA"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

spoken poetry tagalogWhere stories live. Discover now