Special Chappie

150 7 4
                                        

THIRD PERSON'S POV

One day isang araw may baboy ramo na nakulong sa may balo.. Tapos dumating yung prince charming nyang wolf para iligtas sya. THE END..

Joke lang baka mamaya magalit pa sa'kin yung #1 fan ko wahahaha.. Pishyow...

***

@ Choral Reading

Sa di mahagilap na parte ng school may nakatayong babaeng maputi na nagngangalang aya. Nang hindi naman sinasadyang napadaan si Kevin.

At akalain mo nga naman sa mga sandaling iyon nagkatitigan pa sila. Lalo namang kinilig si Aya nung nginitian siya nito ng ubod ng tamis na syang ikinalundag ng puso nyang mamon ay hamon ahh basta yun na yun.

Dahil dakilang mahiyain si Aya ay agad nyang inalis ang tinggin nya mahirap na daw at baka mahuli pa syang kinikilig nakakahiya raw yun.

Sumulyap muli sya sa di malamang kadahilanan at pagkatinggin ng dalaga sa kanyang iniibig ay labis syang nalungkot sapagkat sa iba na nakabaling ang tingin nito.

Ang drama po niya. /bows/

***

@ Mama Mia

Dinalaw sya ng matinding kaba nung mga oras na yun. Para mawala ang kaba nya ay ibinaling nya ang atensyon nya sa ibang lugar.

Nang mahagip ng kanyang mapaglarong mata si Jeff kaya ayun inasar nya si Jessa at pinagtripan para mawala ang kaba nya.

Habang inaasar ang kaibigan ay napatinggin sya sa tabi nya dahil parang may nakatitig sa kanya. Nakita nya si Kai na nakatinggin sa kanya.

Inirapan nya lang ito dahil linggid sa inyong kaalaman ay lagi syang nakatinggin kay Aya.Kahit na nagpapraktis para sa audition dumaan ang kanyang Romeo na si Kevin na sya namang ikinabuhay muli ng kanyang dugo.

Ngunit sa kabilang banda habang sinusundan nya ng tinggin si Kevi ay nakatinggin din si Kai sa kanya. Nakita nyang umiling iling ang binata kaya naman inirapan nya ulit ito.

Marahil ay nababanas na ito sa prisensya ng binata.

***

@ Uwian

Katulad ng nakagawian ay dumaan ang tropa sa room kung saan naroon ang kapatid si Phia at katabi lang yun ng room nila Kevin.

Magkahalong emosyon ang naramnadam ni Aya ng mga oras na yun hindi nya alam kung ngingiti  at kikiligin ba sya kasi nakita nya ulit ito o iiyak at malulungkot dahil sa eksenang nakita nya.

Lihim syang humikbi sa kanyang mga kaibigan at pinilit pang ngumiti upang hindi magalala ang kanyang mga kaibigan.

Ngunit sa loob loob nya ay pinipiraso na ang kanyang puso na para bang wala ng kahit sino ang makaka ayos dito. Umuwi syang sawi suot ang napakalungkot nyang mukha.

Padabog syang naglalakad ngayon at naisipan ang sipain ang bato ng ubod ng lakas para doon ibaling ang lukot at hinagpis na nadarama nya.

Inis na inis sya sa sarili nya kaya naman sa pangalawang pagkakataon na pag sipa nya sa bato ay napalakas talaga ito dahilan para mabasag ang paso. Malaki laki rin kasing bato ang nasipa nya.

Hindi nya ininda ang sakit na nadarama nya sa kanyang paa dulot sa katangahang ginawa nya sa pagsipa sa isang malaking bato.

Hindi na nya mapigilan pa ang kanyang nadarama at unti unti na lang pumatak ang mainit na likido sa kanyang mamulamulang pisnge.

Umiiyak siya patuloy tuloy lang ang pag agos ng kanyang mabibigat na patak ng luha na nangagaling sa mnamumugto nyang mga mata.

Napatigil lang siya sa pag-iyak nang  may naramdaman siyang kakaiba. Para bang may nakatingin sa kanya. May kutob syang si Kai ito.

At hindi nga sya nagkamali lumingon sya para kumpirmahin kung sino nga ito. Si Kai nga iyon sya lang naman ata ang tanging tao na tumititig sa kanya.

Nakatinggin pa rin ito sa kanya kaya naman kumaripas sya ng takbo papunta ng lawa kung saan sa tinggin nya ay walang sinuman ang makakakita sa kanya.

At noong medyo nakasiguro syang na wala siyang ibang kasama ay hindi na nya napigilan ang sarili na ilabas lahat ng sakit at pighating nararamdaman nya.

 Sinispa nya ang damo at nagbunot bunot pa ng ilan sa mga ito nga sa gayon ay mabawasan ang sakit.

Nang medyo mahimasmasan ay napili na lamang nyang maghagis ng bato sa lawa upang may mapaglibanggan sya.

Nagbuntong hininga sya at sabay hinagis ng malakas ang bato papuntang lawa. Nabigla sya dahil sumama pala ang bracelet sa bato nung naihagis nya ito ng malakas.

Marahil dahil sa pagwawalang ginawa nya kanina ay nasira at lumuwag ang lock nito.

Sinubukan nya itong kunin dahil mahalaga ito sa kanya, makukuha na nya sana ito kung hindi lang siya hinila bigla ng isang tao at pinigilan sya sa pagkuha ng kanyang bracelate.

Nagpupumiglas si Aya dahil ngayon ay malayo na sya sa lawa dahil hinila sia ni -- Kai.

Hingal na hingal si Kai at mahahalata mo ang kaba sa kanyang mukha at medyo namumutla rin ito at nanlalamig.

Tumulo nanaman ang luha ni Aya, nagagalit siya kay Kai ianaway nya ito at hinampas hampas ng mahina.

Hinawakan naman ni Kai ang magkabilang braso nya upang tumigil sya sa ginagawa nya.

Sa sobrang inis ni Aya ay sumalakpag sya sa damuhan at ipinagpatuloy ang pag iyak.

Nagulat siya sa di nya inaasahang pagyakap sa kanya ni Kai. Hinigpitan nya pa ang yakap nya dahil nagpupumuglas si Aya.

Hinarap ni Kai ang mukha nya kay Aya at ngayon ay magkatapat na ang kanilang mukha. Pinunasan ni Kai ang luha ni Aya at naakit si Kai na tumitig sa bilugang mga mata ni Aya.

Hindi na nya napigilan pa ma halikan si Aya. Sa kabilang banda naman ay lihim na napangiti si Aya at nagrespond sa sinasabi ng mga labi ni Kai na---

" Mahal kita.. Mahal na mahal.. "

Pagkatapos ng pangyayaring yun ay ngumiti ng pagkalapad lapad ang dalawa sa tabi ng lawa at magkahawak ang kamay na unuwi ng bahay.

*** END NA DAW ***

b0OM pHanhexsz... Huy Aya wag kang magalit sa kain kasi nagdagdag bawas ako sa request mo! Sabihin mo lang kung di ka satisfied di ako nakagawa ng Assignment dahil dito at late nanaman akong matutulog... Edit ko na lang next time pag may typo at kulang pa :*

Special Chappie for one of biggest fan of mine :'>

Go batchoy!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Asa ka pa T^TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon