September 25, 2014 Thursday (Hindi ko malilimutan ang araw na yan)
May practice kami para sa Oral reading sa English. Kagrupo ko si Aya kaya pumunta ako sa kanila para sabay na kami papasok sa school bukod nga kasi sa magkagrupo kami ay malapit pa ang bahay namin sa kanila mga apat na kanto ang layo.
Malabo ang mata ng Lola nyo, naglalakad ako ng may makita akong isang lalaki na medyo matangkad na naka suot ng cap. Akala ko siya na yun. Nagpapasalamat pa nga ako kasi nga malabo mata ko kaya hindi ko siya matititigan sa mata mamaya mapahiya pa ako eh. Tapos... tapos... may nakita akong isang maputing nilalang... joke siya pala yung nakita ko.
Yes si Jeff po ang nakita ko at eto pa po ang malala... Nakatopless swear. Walang abs pero ayos lang basta hindi puro taba at hindi rin puro muscles. Tapos ang malala pa naka eye-to-eye contact ko pa sya. Buti na lang suplado sya at hindi nya ako pinansin. Kung makikita nyo lang ang mukha nya ang cool nya swear.
Binilisan ko ang paglakad at tada. Nakarating na ako sa bahay ng bruha at awa ng Diyos kakaligo pa lang T.T. Nakita ko siya sa bintana nila kakalabas pa lang ng CR. Two hours na po akong late sa practice namin ng dahil sa babaitang ito.
Kumatok ako sa kanila, "Aya nasaan ka?" ayun pinapasok naman ako ng mama nya sa bahay nila. Hinahanap ko po siya. "Andito ako sa kwarto,nagbibihis pa ako wag kang magulo." pangtataboy nya sa akin. "Ano... ano may sa-sabihin ako sayo." utal kong sabi.
. "Na-kita kkko si ano na naka ano." bulong ko sa kanya. Ayoko pong iparinig sa parents nya at sa kuya nya na malandi ako. "ANONG ANO? PURO KA NAMAN ANO EH NAKAKA ANO!" sigaw nya sa akin. Nabibitin kasi siya sa sinabi ko kaya sya sumigaw.
" Si Jeff nakatopless " maiki kong sabi sa kanya. So ayun imbis na ako maglupasay mukhang sya pa yung naglupasay. ps nakatayo po syang naglulupasay. " Your so lucky! Grabe kaw naswerte. Ano tinitigan ka ba? ngumiti ba? may binulong ba o ano? " Pang uusisa nya sa akin. " Grabe syempre para sa kanya wala lang yun." banas kong sagot.
Nakakabanas naman kasi eh. Hindi naman ako ganito dati XD. " Gusto mo tanong ko sa kuya kung kelan borndate nun?" malandi nyang sabi. Napa face palm ako. Ayoko nga! Hindi naman ganern ang gusto ko no!! Magbihis ka na nga! " palusot ko pero actually ayaw ko naman talaga eh. Crush ko lang naman sya nothing more and nothing less.
Kaya po kilala ng kuya ni Aya yung crush ko kasi pomedyo close sila. Wag mag alala safe si jeff kay aya iba crush nyan di nya naman type nagiging crush ko eh XD. Ah vashta.
Chumorva na kami nitong bruha at habang naglalakad ay biglang nagtanong. "Gusto mo kunin ko phone number ni Jeff para sayo?" malanding malandi nyang sabi. Sya ang kinikilig mga tol. "Ayoko nga hindi naman ako katulad mo no!" ayoko talaga silay lang, buhay na ako XD.
Tapos nagtanong ulit habang nasa tricycle "Ano nga kasi tuminggin ba kanina sayo si jeff?Pag niligawan ka ba nya sasagutin mo?" Ayan na naman sya sa mga tanong nyang imposible at ayoko. "Ano ba! No need na nga diba? Silay nga lang busog na ako." At nagulat naman ako sa sunod nyang sinabi. "Gusto mo makilala yung papa nya?Kakilala ko kasi yun at minsan ko na rin syang nakausap." Baliw talaga yun akala ko kung ano.Kinabahan tuloy ako,bigla siyang lumapit sa akin at bumulong:
"Papa ni jeff yung driver nitong tricycle na sinasakyan natin..."
WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?!!!! Σ(O_Oil!)
Bitin effect po muna XD
lovelots ♥
BINABASA MO ANG
Asa ka pa T^T
Teen FictionPag Ibig na kailan man ay Hindi nya masusuklian </3 Diary ko For short :)