DOTA - Defense of the Attraction - Chapter 13

1.2K 15 4
                                    

" Nobody deserves to be an option."

"Ayoko ng maging option Shanne."

*Time check: 5:00*

 

Sinarado ko na ang tambayan namin.  Nauna nang umalis si Shanne, di na sya sumagot sa mga sinabi ko. Bigla na lang syang umalis nung sinabi ko yun sa kanya. Tinignan ko ang relo ko. 5pm na pala, baka papunta na si Yssa. Maglalaro pa kami. Sa wakas, makikita ko na rin si Yssa. Na-miss ko sya eh, kahit magkasama lang kami kahapon.

" Bigla ka na lang magugulat, In-love ka na sa taong dati-rati kaaway mo pa."

"Tagal naman ni Yssa. Akala ko ba 5:00pm"

Pumunta muna ako ng shop. Check ko lang baka dun sya dumeretso.

"Oy Ced, Nagpunta na ba dito yung chix na kinalaban natin?" tanong ko sa kanya.

"Sino dun pre? Yung pinaiyak mo? Hahahaha"

"Oo."

"Wala eh. Wala akong napansin"

Naniniwala naman akong wala. Kasi kung meron mas mabilis pa sa alas-kwatro yung titig nyan sa babae. Akala mo sasakmalin.

"Ge brad. kapag nakita mo text mo ko ha."

"Sge. Tanong ko na lang din kila Karlo kung may napansin sila."

Nasaan na kaya sya. Ang poga talaga. Bakit kaya ang tagal nya? Baka naman may nangyari kay Yssa. Wag naman sana. Nakakamiss na talaga sya, pero di ba nga. Wala kang magagawa kung mamimiss mo ang isang taong di naman sa'yo. Ang tanging magagawa mo lang ay maghintay, para kang tuta na naghihintay sa amo mo umuwi.

Maglaro kaya muna ako. Tutal wala pa naman si Yssa eh.

"Humbre! pa-rent nga dito pards." paalam ko sa bantay.

"Sge brad. Open mo lang. Ilang oras ka ba?"

"Isa muna pre" sabi ko. Yssa muna pre. Yssang oras lang muna. funyets, miss na miss ko na talaga si Lina Inverse at ang mainit nyang mga tingin, ang kanyang fiery personality.

Downloading 6.75b.

Downloading Mineskeys

Updating Garena

D.o.t.A - Defense of the AttractionWhere stories live. Discover now