Last Chapter - The alternative ending

1.1K 19 0
                                    

" Almost there. Just keep going."

Madaya ang tadhana.

Life is unfair.

Love hurts.

Cheating would always exist.

at aminin nyo man o hindi, nakakainggit yung mga taong may kahawakan ng kamay. Lalo na kung marami sila at nagiisa ka lang, nasa harapan mo pa. Deyum.

at higit sa lahat, nawala yung mga pagkakataon na gusto mong gawin sa isang iglap lang.

Ay! Oo nga pala. Ako nga pala si Cee. Yung nagdodota na support type na hero. Yung nag-gitara para sa mga taong nasaktan. Yung ginawang second option ng mga taong naging malapit saakin. Masakit kaso yun ung katotohanan, kahit na wala na ako sa mundo. Tinanggap ko na hanggang dun na lang ako. Pero okay na rin yun. Salamat sakanila. Kahit papaano may pag-ibig silang nabigay saakin. Nagsisisi lang ako di man lang ako nakapagpaalam sakanila. Di man lang ako makakapagpaalam sa mga taong sumubaybay saakin. Sorry ha. Sila na kasi magtutuloy ng kwento ko, Nawala yung puso ko eh. Nawala yung Heart of Tarassque, tara basahin natin kung ano nangyari saakin habang kumakain ako ng Banana Cake dito sa Heaven.

the PNE inspired novel?! - Heinz brucal

-----------

[[POV ni Yssa]]

Nagulat na ako sa nangyari, Dumilat si Cee. Pero unti unting pumikit si Cee. Tinignan ko yung linya para sa heartbeat niya. Pababa ng pababa.

God wag naman sana.

Umiiyak na si Tita. Napaluhod na sa gilid ng kama ni Cee. Hawak hawak niya yung kamay ni Cee.

Ganito na lang ba magtatapos?

" Cee. Gumising ka diyan. Di pwede yan! Paano na yung mga bonding natin? Gusto ko pa naman kantahan mo ko. Cee, don't go."

Pero habang nagmamakaawa ako lalong bumababa yung heartbeat rate niya.

Ang daya naman Lord. Bakit habang hinihiling ko siyang mapunta saakin lalo niyo siyang kinukuha? Was it for the greater good? Is the life of your child worth it? Kung ano ano nang pumapasok sa isip ko. Kung sino-sino na iniisip ko na pwedeng sisihin, pero saakin pa rin yung tama. Isa pa din ako sa may mga kasalanan. Di lang si Ace or si Shanne. May kasalanan kami lahat kung bakit nagkaganito si Cee.

Naalala ko yung pangako ni Shanne, na kahit anong mangyari good or bad. Itext sa kanya. Tinext ko si Shanne for update para sa kundisyon ni Cee, Sorry Shanne mukhang di mangyayari yung ineexpect mo.

"Cee, Wake up. Bigyan mo naman ako ng chance para sabihin ko yung mga dapat kong sabihin!" pagmamakaawa ko sa natutulog na si Cee.

-------------------

[[POV ni Shanne]]

*bzzzzzzt*

1 message received

Galing kay Yssa. Kinabahan ako sa text message niya. Parang negative vibes.

"Shanne. Bumibitaw na si Cee."

Parang naging balewala yung pag-pray namin ni Yssa.

Parang nalaglag yung puso ko.

Kasabay ng paglaglag ng puso ko ang pagtulo ng luha ko.

Napaiyak ako sa kotse. Drowning my face into the palm of my hands.

" Anak okay ka lang?" Tanong ni Papa.

"Pa, request lang. Pwede bang bilisan nyo yung pagpapatakbo ng kotse? Please?"

Biglang humarurot si Papa papuntang Chinese General, within 15 minutes nakapunta na kami doon. Di ko alam kung ano ginawa ni Papa, kung paano niya nailgan yung mga enforcers. Veteran moves ng mga nagdridrive sa kalsada siguro kaya di ko maiintindihan.

"Nurse, Cee Aivane Rivera? Anong Room?"

"Room 543 po. Sino po sila? Di na po kasi puwede magpaakyat kapag hindi relative eh."

"Nurse, pinsan niya po."

"Full name po?"

"Shanne Sherry ."

"Sige po. Take the elevator."

Pagkapasok namin ng Elevator ni Papa, i pressed 5

Then nagtext ulit si Yssa.

" When one story ends another one begins."

"Yssa! Ano nangyari?" sabi ni Shanne, within 3 minutes nakapasok na sila sa kwarto ni Cee.

"Shanne. Ang daya ni Cee, di kumapit. Ang daya niya talaga." naguumapaw ang luha ni Yssa habang yakap yakap niya ang Mama ni Cee.

Tinignan ni Shanne ang paligid niya. Sinusubukang i-revive ng mga doctor at nurse si Cee.

"Clear!" sabay sinalpak sa katawan ni Cee ang instrumento na nagsesend ng electric waves sa katawan.

"Isa pa! Clear!" umangat ulit ang katawan ni Cee. Pero nang tinignan ni Yssa at Shanne yung apparatus na nagmomonitor sa heartbeat. Ganoon pa din yung lumabas.

FLAT LINE.

Wala na si Cee.

Nawala na yung anak na ka Vibes ng Mama niya.

Nawala na yung tropa sa shop na grabe magsupport.

Nawala na yung tao na nagpapayo kapag kailangan mo siya. Yung 2nd option?

Nawala na yung tao na tutugtugan ka kapag malungkot ka.

Nawala na yung tao na support ni Yssa.

Nawala na si Cee.

--------------------------

Nalaman na lang ito ng mga tao sa computer shop nang nagbalak silang bisitahin si Cee. Nagluksa ang mga kaibigan niya, Ayaw na daw nila mag-DotA. Nawala na yung kaibigan nila na isa sa mga taong masarap kalaro.

Di na din naglaro si Yssa ng DotA.

Tinuloy pa din ni Shanne yung pagbebeatbox niya.

----------------------------

Ako nga pala si Cee.

Di maganda ang kwento ko.

Di maganda ang ending.

Pero nagpapasalamat pa din ako kasi binasa niyo ang parte ng buhay ko.

Sana, if it was decided by fate na may makikita kayong lalaking katulad ko. Wag niyo silang gawing 2nd option. Kaibigan na lang mas okay yun.

Kung nagDoDotA ka naman, Easy ka lang. Wag magpakaadik. May mga tao sa paligid mo na dapat mong mas pagtuunan ng pansin.

Di mo naman alam kung kelan ka kukunin.

Sa mga palaaway diyan. Pwede bang Easy muna? 

Sa mga manloloko. Boys and Girls a like. Da fuck WALA BA KAYONG KUNSENSYA?

Magpapaalam na ako. Siguro hanggang sa muli.

Abangan niyo yung DotA 2. Kaso di na ako bida don. Pero magkatulad kami. Swerte lang siya ng konti.

The End. 

Cee has been pwned by Ace.

Cee died.

Cee has quit the game.

D.o.t.A - Defense of the AttractionWhere stories live. Discover now