Chapter 1

56 3 0
                                        

Monday na, first day of school at excited na akong makita ang mga kaklase ko! Pumasok ako sa school ng mga 6:40 dahil 7:00 may flag ceremony pa kami. Saktong nasa pinto na ako sa amin room ay agad bumungad ang aking mga kaklase na naglalaro at binati nila ako. Agad kong nakaclose sina Tiyara, Allessia, at Kaylla.

Chikahan lang kami ng chikahan about sa mga ginawa namin noong summer habang nagflaflag ceremony.

Natapos na ang flag ceremony ay bumalik na kami sa aming classroom. Mabait naman ang aming mga guro at meron kaming mga gwapong kaklase. Magkatabi kami ni Tiyara at napahiwalay sa amin sina Allessia at Kaylla.

Tapos na ang aming discussion sa Filipino (last subject) at nagpaalam na ang aming guro sa amin "Maaari na kayong maglinis at umuwi" "Paalam pangkat Opal" ang sabi ni Gng. Mellisa "Paalam Gng. Mellisa" sabi ng aking mga kaklase at lumabas na ang aming guro sa aming room.

Tatayo na dapat ako sa aking kinauupuan nang bigla akong hinigit ni Tiyara. "Hoy Anaa!" ang pasigaw na pagtawag sa akin ni Tiyara. "Alam mo ba ampogi nung nasa unahan ko Cyron daw ang pangalan" sunod pa nya "Nako nako Tiyara ang hilig mo talaga sa mga gwapo tas papaasahin ka lang naman" sabi ko "Aray naman Ana wag ka namang mamersonal tska sikreto lang natin ito ha"sabi naman niya "Oo na oo na tayo'y maglinis na lang para makauwi na tayo" utos ko.

Tiyara's POV
      "Allessia! Kaylla! pumarini nga kayo!" sigaw ni ko "Bakit?" sabay na salita nina Allessia at Kaylla "Alam nyo ba na ang sungit ni Ana ngayon sinabi ko lang naman na..." biglang naputol ang aking pagsasalita ng bigla kong nakita si Cyron. "Shocks ang pogi talaga nya huhu, balang araw magiging akin ka ahihi, sakin ka na lang CyrooOooOon" sabi ko sa isip ko at bilang hinigit ako ni Ana at sabay sabi na "Tara na tara na umuwi na tayo".

Ana's POV
Friday na, gabi na at dumaan ang Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, at Friday (weekdays) ay grabe pa ding makatitig si Tiyara kay Cyron. "Ano bang nakain ni Tiyara at patay na patay siya kay Cyron? Di naman kapogian si Cyron eh" ang sabi ko sa isip ko.

"Weekends na tara na gagala" ang chat naman ni Allessia sa group chat namin "Nako pass muna ako" reply ko "At bakit aber" ang reply naman sa akin ni Kaylla "Gagawin ko pa mga projects at assignments ko" reply ko "Bukas na yan aa may linggo pa naman eh" reply naman sa akin ni Tiyara "Oo nga" sabi nina Allessia at Kaylla "kaya Ana sumama ka na minsan lang to oh" sabi ni Tiyara "Oo na mapilit kayo eh" banggit ko para matigil na ang tatlo.

Pagkasundo nila sa akin ay dumeretso na kami sa bilihan ng milktea sa Tea Spot. Umorder na kami at ang aming inorder ni Allessia ay Large Okinawa, at Large Wintermelon naman kina Tiyara at Kaylla. Pagkaorder na pagkaorder namin ay biglang dumating sina Cyron at tumabi ito kay Tiyara. Kasama ni Cyron ang kanyang mga kaibigan na sina Zymon at Ruzell. Sina Cyron at Zymon lang ang aming kaclose at hindi pa namin masyadong kilala si Ruzell.

Napaka-angas ni Ruzell kumpara kina Cyron at Zymon. Silang tatlo ay mapagbiro at syempre gwapo din sila pero mas gwapo si Ruzell kaso medjo bad boy at masungit lang siya.

Allessia's POV
"HooOoOooY bat ang cute ni zymoOooOn kakainloveeeEeee"sabi ko sa isip ko "Shockssxz ZymooOoon I got you my bebe luvszx...." at bigla naman akong hinampas ni Kaylla. "Ano?!, bakit?!, anong nangyari?!" sabi ko at bigla silang nagtawanan "Tulalang tulala ka jan ano bang iniisip mo ee" sabi ni Ana "Ah wala wala".

Nagbubulungan sila at ako lang ung walang kaalam alam sa pinagbubulungan nila "Bakit? anu yon? ano pinagbubulungan nyo?" sabi ko sa kanila "Ah ano, wala wala".

Kaylla's POV
"Si Allessia tulalang tulala kay Zymon nako hahahah" pabulong kong sinabi sa kanila habang lutang si Allessia. "Nako Allessia, meron ka bang hindi sinasabi sa amin? ee" sabi ko "Ha? anong hindi sinasabi? di kita gets."sabi ni Allessia "Eh paano mo kami magegets eh kanina ka pa jan tulala" sabi ko.

Nagmamadaling umalis sina Cyron, Zymon at Ruzell kaya pagkaalis na pagkaalis nila ay agad kong hinampas si Allessia "Hoy babae!" sabi ko "Aray naman Kaylla!! Bakit mo ako hinampas!" sabi niya "May gusto ka ba don kay Zymon?" tanong ko sabay tawa naman kami nina Tiyara at Ana "Ha?" sabi niya "Hakdog" sabi ni Ana at sabay tawa naman kami ng malakas "Hindi ko gusto yon si Zymon ano ba kayo!" galit na sabi ni Allessia "Galet na galet gusto manaket" sabi ni Ana sabay tawa.

Ana's POV
Inakit ko na sila para umalis kasi ilang oras na din kaming nandon sa Tea Spot tapos kakahiya na din kase ang ingay ingay namin. Kailangan ko ding tapusin ang aking mga assignments at projects na isusubmit ko sa aming guro. "Tara na alis na tayo" sabi ko at umalis na din kami.

"Uuwi na ako mga sis" sabi ko sa kanila habang naglalakad "Ang agap pa Ana" sabi ni Tiyara "Kailangan ko pang gawin mga assignments at projects ko" sabi ko "Ayan na nga po si study first" sabi ni Allessia "O sige na umuwi ka na at di ka naman namin mapipigilan pagdating sa ganyan tutal napagbigyan mo na naman kami ngayon eh" sabi ni Tiyara "Babye ingat" sabi naman ni Kaylla "Sige bye thanks for today" sabi ko at umalis na ako.

Gabi na at hindi ko pa tapos ang mga projects ko kaya napagpasyahan ko na ituloy na lang ito bukas pagkatapos naming sumimba.

Linggo na at kailangan ko nang sumimba para masimulan ko na ang aking nga projects. Kasama ko sa pagsimba sina mama, papa at ang dalawa kong kapatid na lalaki at babae. Nakapasok na kami sa simbahan ngutin nakaramdam ako ng sakit ng tiyan kaya lumabas muna ako saglit sa simbahan para magCR. Pagkalabas ko ay nakita ko sina Cyron at Tiyara, oo magkasama sila and I was shocked kaya pala hindi nangangakit ngayon si Tiyara dahil kasama nya si Cyron *sabay irap naman ako sa kanilang dalawa pero hindi nila kita*.

Malapit na ako sa CR nang bigla kong nabunggo si ........

Maling Pinili KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon