Chapter 2

35 2 0
                                    

     Si Ruzell ang nakabunggoan ko, oo si Ruzell, Ruzell Mondragon kaibigan ni Cyron.

Ruzell's POV
    "Pupunta lang ako sa CR intayin nyo ako jan" sabi ko kina Cyron at Tiyara at tumakbo na ako papuntang CR.

    Pagkalabas na pagkalabas ko ay biglang bumungad sa akin si Ana Conception yung kaibigan ni Tiyara at nakabunggoan ko pa siya. "Hala sorry sorry" sabi ni Ana, naisipan kong sungitan si Ana kahit di ko siya kaclose kaya sinabi ko na lang sa kanya ay "Ge" at umalis na din ako.

"Tagal mo namang magCR Ruzell" sabi sa akin ni Cyron at tumawa siya "Ano nakakatawa don?" pagalit kong sabi "Chill lang bro" at hinawakan nya balikat ko. Sinabi ko sa kanila na may nakabanggaan lang akong babae kaya akoy tumagal at tinanong nila kung sino ung babae pero di ko sinabi sa kanila na si Ana yon kaya sinabi ko na lang na hindi ko kilala ung babaeng nakabanggaan ko.

Ana's POV
     Napakasungit talaga nung lalaking yoon kakainis! Kala mo naman close kami, hay nako Ruzell iniistress mo ako!

     At dahil sa inis ko ay bumalik na lang ako sa simbahan at tumabi ako sa babae kong kapatid.

Kakain dapat kaming apat sa Jolibee ngunit hindi ako sumama dahil gagawin ko pa mga projects ko kaya dumeretso na lang ako sa bahay. "Dadalhan na lang kita ng pagkain mamaya paguwi namin" sabi ni mama "Sige po thank you po" sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama at nagpaalam na din ako sa kanila.

Naglalakad na ako pauwi ng bigla kong nakita si Tiyara at nilapitan ko ito sabay sabi na "Asan mga kasama mo?" "Nakita nga pala kita kanina kaya pala hindi ka nangangakit dahil kasama mo si ......" napatigil kong sabi kay Tiyara dahil biglang sumulpot sa harapan ko si Cyron at Ruzell.

Nashock ako ng biglang akbayan ni Cyron si Tiyara. "Oh Ana nanjan ka pala" sabi ni Cyron "A-ah o-oo hehe" sabi ko "P-paalis na din naman ako" sunod ko pa "Hoy Ana see you tomorrow sa school" sabi ni Tiyara "Sige sige see you" sabi ko sabay alis.

Habang naglakad ay iniisip ko kung sila na ba ni Tiyara at Cyron dahil bigla akong nashocked nung nakita ko na inakbayan nito si Tiyara. Iniisip ko din kung bat medjo kinikilig ako na may halong naiinis noong nakita ko si Ruzell.

Bigla naman akong nagulat ng may biglang bumusina, nasa gitna pala ako ng daan. Hindi ko namalayan na nagderederetso na ako ng lakad at lumampas na ako sa aming bahay dahil kung ano-ano na naman iniisip ko, haynako Ana sabay *face palm*

Tiyara's POV
"Cyron tara sisimba?" chat ko kay Cyron "Sige sige isasama ko si Ruzell" "Btw hindi mo ba kasama sina Ana?" reply niya "Ah hindi panigurado uuwi din naman agad yon para gawin mga projects eh" reply ko "Ah sige pupuntahan na lang kita jan sa inyo" reply naman nya "Sige magiingat ka Cyron" reply ko at nag thank you na lang siya sa akin , kinilig ako don kase hoyy first time to tapos ung crush ko pa susundo sakennnnnn mhaygosh!!

Nandito na kami sa labas ng simbahan at hinihintay na lang namin si Ruzell dahil magcCR lang daw siya saglit pero antagal na nya sa banyo parang kinain na siya don eh char lang.

Nakita namin si Ana, lumabas siya sa simbahan at pupunta ata siya sa CR hindi ko alam kung nakita niya kami kaya hindi ko na lang muna pinansin. Dumating na si Ruzell na akala ko kinain na sa banyo.

"Tagal mo namang magCR Ruzell" sabi ni Cyron at tumawa siya "Ano nakakatawa don?" pagalit na sabi ni Ruzell "Chill lang bro" at hinawakan ni Cyron ang balikat ni Ruzell at sinabi ni Ruzell sa amin kung bakit siya tumagal.

Pagkatapos namin sumimba ay pumunta muna kami sa kanto para bumili ng makakain. Nakatayo lang ako sa isang tabi habang ang dalawa ay may pinaguusapan at bigla kong nakita si Ana, kinawayan ko siya at kinawayan niya ako pabalik. Nilapitan ako nito sabay sabi na "Asan mga kasama mo?" "Nakita nga pala kita kanina kaya pala hindi ka nangangakit dahil kasama mo si ......" napatigil iyang sabi at biglang sumulpot sina Cyron at Ruzell.

Nashock ata si Ana ng bigla akong akbayan ni Cyron "Oh Ana nanjan ka pala" sabi ni Cyron "A-ah o-oo hehe" sabi ni Ana "P-paalis na din naman ako" sunod pa niya "Hoy Ana see you tomorrow sa school" sabi ko "Sige sige see you" sabi niya sabay alis.

    Mga bes kinilig ako dun sa part na inakbayan ako ni crushieeeeee. "Bakit kaya nauutal yon si Ana" tanong ko kay Cyron "Ewan ko din, baka naman nashock siya kase inakbayan kita" sabi niya "Baka nga" sabi ko naman.

Cyron's POV
     "Ruzell bat ang tahimik mo pag nakikita mo si Ana? trip mo ba yon ha?" pabulong kong sabi kay Ruzell "Hindi bakit?" sabi niya kaya agad na lang akong naniwala kase baka uminit pa ang ulo nito sa akin.

      "Anong oras na uuwi na ako" sabi ni Tiyara "O sige ihahatid ka na namin" sabi ko naman. Pagkahatid namin kay Tiyara ay umuwi na din kami.

Ana's POV
     Nasa bahay na ako gabi na may pasok pa bukas, nakauwi na din sina mama at nakain ko na din ung pagkaing dala nila at natapos ko na din ang mga projects ko kaya agad akong pumasok sa aking kwarto at humiga sa aking kama dahil pagod na pagod ako sa paggawa ng mga projects. Itinulog ko na lang ang pagod na nararamdaman ko, masyado pang maaga kaya natulog na kaagad ako para matagal at mahimbing tulog ko.

     May napaniginipan ako, meron daw isang lalaki na pagtritripan ako, lolokohin ako, at iiwanan ako sa ere. Hindi ko masyadong nakita ang mukha nung lalaking sasaktan ako at binalewala ko na lang ang panaginip kong ito.

    "Anaaaaa!!! Gising na!!! Tanghali na!!!" bungad ng nanay ko at agad akong bumangon, nagmadali akong maligo at magbihis dahil malalate na ako sa skul at may flag ceremony pa kami. Pagkatapos ko namang kumain ay nagbless ako sa aking nanay dahil papasok na ako sa skul.

     6:59 ay saktong nasa pila na ako at 7:00 saktong nagsimula ang flag ceremony. Pinagleader kami ng aming guro sa unahan para magsilbing gagayahan ng mga estudyante sa pagsasayaw ng aming morning exercise.

    Pagkatapos ng aming flag ceremony ay dumeretso na kami sa aming classroom. English ang aming first subject at meron kami ditong proyekto na kailangan naming isulit ngayon araw. "Please pass your projects" sabi ng aming English teacher. Pinasa ko na ang aking proyekto at si Tiyara naman ay haggard na agad dahil hindi niya mahanap ang kanyang project, mukhang nakalimutan ata niya ito.

    Lumabas saglit ang aming guro, "Hoy Tiyara ano hinahanap mo?" sabi ko at sabay lapit sina Allessia at Kaylla "Ung project ko nakalimutan ko ata sa bahay lagot ako kay Ma'am" sabi naman ni Tiyara "Hindi yan akong bahala" sabi naman ni Allessia.

     Nilapitan ni Allessia ang aming guro at kanya itong pinakiusapan. "Hanggang mamayang hapon lang daw yan Tiyara" sabi ni Allessia "Thank you ng marami ang problema nga lang ay hindi ako makakauwi sa amin dahil umalis sina mama, walang tao sa bahay at mamaya pa sila uuwi" sabi ni Tiyara "Wala tayong magagawa Tiyara kaya gumawa ka na lang ng panibago, tutulungan ka naman namin eh, diba Allessia at Kaylla?" sabi ko "Ah oo tutulungan ka namin" sabi naman nung dalawa "Sige sige salamat talaga sa inyo" sabi naman ni Tiyara.

     Tanghali na at kailangan na namin kumain ng tanghalian. Tinulungan na din naman si Tiyara sa kanyang proyekto kaya agad itong natapos. Wala ang aming mga guro ngayong hapon kaya isinubmit na agad ni Tiyara ang kanyang project. Pagkakain naman namin sa canteen ay bumalik na kami sa classroom. Pagkabalik namin ay may narinig kami nagsisigawan sa baba, sa pinakamalawak na place dito sa aming campus.

Maling Pinili KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon