Chapter 17

3K 86 1
                                    

Ken's Point Of View

Nandito kami ngayon sa HQ dahil nagt-training kami, Ewan ko ba dito kay Louie kung bakit biglang nag-aya ng training.

Napailing iling na lang ako at uminom ng tubig.

"Keith.."

Halos mabuga ko ang tubig ko nang biglang pumasok si Ella sa HQ!

Nanlaki ang mga mata namin at natahimik.

Anong ginagawa ng Ella niyan dito? Hindi niya ba alam na maari siyang mapuruhan sa kakalapit sa asawa ni Kate?

Agad siyang pumulupot kay Keith kaya napangiwi ako. Napailing iling ako at natawa nang makita kong tumayo si Louie at pumunta sa labas.

Alam kong tatawagan niya si Kate dahil may malanding babae ang dumidikit sa asawa niya.

Kumuha muna ako ng popcorn at napatigil nang bigla na lang dumating si Kate kasama si Angeana.

Nagpigil ako ng tawa nang makitang nagulat si Ella sa pagdating nila Kate.

Ang bilis naman dumating ni Kate?

"Oh, bat nandito kayo?!" Tanong sakanila ni Ella.

Kumain ako ng popcorn at umupo sa sofa para panoorin sila.

Mukhang manonood ako ng action ah.

Natawa si Angeana at inirapan si Ella. "Binabantayan ko ang boyfriend ko! Baka ahasin mo eh!"

Hindi naman mapigilang tumawa ni David sa sinabi ni Angeana at yumakap dito.

Respeto sa single aba.

Wala namang may balak na agawin si David sakanya. As if naman may aagaw sakanya kay David eh patay na patay sakanya ang lalaking iyan?

Lintik na buhay, single na lang yata ako forever.

Napatingin si Kate kay Ella. "Eh ikaw, bat nandito kang ahas ka?!"

Hindi ko napigilan tumawa sa sinabi ni Kate! Gago! HAHAHAHAHA!!

Akala ko action lang panonoorin ko! May comedy din pala. I'm a VIP.

Nagtagis ang ngipin ni Ella
"Welcome ako dito at walang sinabi si Keith na bawal ako rito!"

Inirapan na lang siya ni Kate at niyakap si Keith. Napangiwi ako at sinaboy sakanila ang popcorn.

Tinignan nila ako ng masama. Ngumiwi lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Yumakap ulit si Kate sa Asawa niya. "Alam mo Keith, sa sobrang gwapo mo, pati ahas nagkakagusto sayo." Nakangising sabi ni Kate kaya agad na nangunot ang noo ni Ella at tinignan kami ng masama.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa na ng malakas.

Awit, ahas daw?!

"Ahas?" Takang tanong ni Keith kaya napanganga ako, binato ko siya ng unan.

Low gets amp naman Keith. Panira ng moment at telenovela.

"Si Ella." Inis na sabi ni David at tinignan naman siya ng masama ni Ella.

Hindi ko mapigilan tumawa sa sinabi ni David.

Keith's Point Of View

Napailing iling ako at hinampas sa braso si David, tinapon ko rin ang unan kay Ken na patuloy na nanonood saamin.

Pumunta ako ng kusina at kumain rin ng popcorn. Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Ella.

Lintik! Papatayin yata ako nito sa gulat!

Unexpectedly Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon