CHAPTER 2
ELEMENTO
(ELEMENTALS)Ang mga elemento ay may kakaibang katangian. Kung gugustuhin nilang makihalubilo, pwede silang magbalatkayo sa paraan na hindi sila mapapansin.
Ang mga elemental ay mapaglaro pero ang laro nila kung minsan ay nakakasakit para sa ating mga normal na tao. Karamihan sa mga ginagawa ng mga elemental ay hindi man nila sinasadya, ito ay mapanganib para sa atin. May mga sarili man silang dahilan, iyon ay naaayon pa din sa sirkulo ng kabuuan ng mundo.
Marami ang naniniwala na may ibang lugar ang mga elemental bagamat nandito din sa ating kinatatayuan. Maaring magkaiba ang dimensyon na ating ginagalawan. At may mga bagay ka na makikita mo sa lugar nila na hindi mo na makikita sa atin. Sa pamamagitan ng kanilang mahika ay nakakatawid sila sa pagitan ng dalawang dimensyon. Portal o gateway ang tawag sa pintuan na naghahati sa dalawang mundo.
May mga naniniwala sa mga uri na ito, subalit ng pasukin at baguhin ng simbahan ang paniniwala ng mga tao, marami sa mga tao ang hindi na naniniwala sa mga ito. Sa katotohanang mahirap naman talaga na ito ay paniwalaan. Kagaya ng mga dwende, kapre, tikbalang, diwata at aswang. Sa ngayon, ang mga tao ay naniniwala lamang sa mga bagay na nakikita lang nila. Pero marami ang mga hindi nakikita ng iyong mga mata.
Sabi nga ni Paracelsus, isang Medical Scientist, isang doctor na naniniwala sa faith healing. Maraming mga sakit ang hindi mo kayang ipaliwanag o ng syensya. Bukod sa pag aaral ng medisina ay inalam din nya ang klase ng pagpapagaling na ginagawa ng mga albularyo. Naniniwala sya na may mga sakit na hindi kayang magamot ng isang doctor. Katulad na lang ng mga sakit na ang nag-dulot ay ang mga elemental.
Sabi ni Paracelsus:
Ang mga elemental ay hindi espiritu dahil sila ay may laman, dugo at buto. Namumuhay sa mga kakahuyan. Kumakain at nakikipag-usap, kumikilos at natutulog. Sila na naninirahan sa gitna ng mundo ng espiritu at tao.TIKTIK / MANANANGGAL / ASWANG
Ito ang manananggal, nahahati ang katawan nito: ang mga paa hanggang bewang nito ay naiiwan kung saan at ang itaas na bahagi naman ng katawan nito ay nagkakaroon ng pakpak na syang lumilipad para maghanap ng paborito nitong pagkain tulad ng sanggol sa tyan at galang mga bata..
Kagaya ng tiktik o aswang, ito rin ang tipo nilang kainin. Kagaya ng mga bampira, may mga pangil ang mga ito at nag-iiba ng itsura, makikita sa mga bubong ng bahay, may humahabang dila na kadalasang hinahabol ng mga barangay officials sa mga tagalog movies.DWENDE
Nakatira ang mga ito sa mga puno o tumpok ng lupa. Madalas silang maglaro at magsaya. Karaniwan na din nilang mapag tripan ang mga tao. Kapag may nagustuhan sila na tao ay nagpapakita at nakikipag-kaibigan sila sa mga ito. Kalaunan ay isasama nila ito sa kanilang lugar at hindi na ito makakabalik sa tunay niyang mundo.
KAPRE
Makikita ito sa malalaking puno. Isang higanteng tao na laging may hawak na tabako. Malimit nyang mapaglaruan ang mga taong napapadayo sa nasasakupan nya.
TIKBALANG
Isang malaking nilalang na ang ulo ay tulad sa isang kabayo at ang matipuno nitong katawan na parang sa tao. Nakapwesto ito sa mga puno na nagsisilbing daan sa pagitan ng dalawang dimension, sa tao at sa elemental. Madalas nyang iligaw ang mga tao na napapadaan sa kanyang lugar.
TIYANAK
Isang sanggol na maamo kapag itsurang tao pero halimaw kapag nagalit. Isang baby na biktima daw ng abortion o pagpapalaglag.
BABAENG ENGKANTO
Ang kambal na si Kim at Ken ay may nakahiwalay na kwarto sa labas ng bahay. Alas-tres na ng madaling-araw ng may kumatok sa kanilang pintuan. Nag-alangan silang magbukas dahil sa oras, pero hindi tumitigil ang pagkatok kaya napilitan silang silipin kung sino ang nasa labas.
BABAE: "Hi, pwedeng makausap si Catrina."
Si Catrina na tinutukoy nito ay si Giting, pinsan namin na bago lamang sa aming lugar, sa Gumaca, Quezon ito naninirahan. Nagtataka man ay lumabas pa din si Kim para tingnan si Giting sa kabilang bahay.
KIM: "Sandali titingnan ko. Hindi kasi sya dito
nakatira, malamang tulog na yun."
Habang naglalakad sa looban si Kim ay nag-iisip sya dahil wala sa kanila ang tumatawag ng Catrina kay Giting. Marahil ay bagong kaibigan niya ang babae kaya ganoon. May kakaiba kasi sa itsura ng babae, wala itong guhit o kanal sa ibaba ng ilong. Ang weirdo tuloy nyang tingnan. Gayunpaman ay tinawag nya pa din si Giting at si Emman ang lumabas, kapatid nito. Sinilip nya ulit ang babae na nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto nya. Nakatingin lang ito sa kanya.
EMMAN: "Tulog na sya bakit?"
KIM: "May naghahanap sa kanya."
Nagsimula na silang maglakad papunta sa kanyang kwarto kung saan nandoon ang babae ngunit wala na ito sa kung saan nya ito iniwan.
Noon nya lang naisip ang sinabi ng kanyang ina tungkol sa mga engkantong nagpapanggap na tao. Wala ang mga ito ng kanal sa ilalim ng ilong.
YOU ARE READING
Kababalaghan Sa Looban
ParanormálníMga kwento ng kababalaghan na naganap sa isang compound. Ang mga sumusunod na kwento ay base sa mga totoong nangyari sa lugar. Ang mga kwento ay binubuo ng istorya tungkol sa mga espiritu, panaginip, at mga elemento.