Kabanata 2

12 3 0
                                    

Nagising ako nung niyugyug ako ni Zyra. "Andito na tayo sa tapat ng bayay nyo, baba na."

"Oo eto na." Nag-inat ako ng katawan nang makababa sa sasakyan. Humarap din agad ako sa kanila't nagpaalam na.

"Ingat kayo! Hanggang sa muli!" Alam kong iba-ibang eskwelahan yung papasukan namin sa darating na Agosto.

Sa tuwing naiisip ko na pasukin na, nakakawalang gana talaga. Hay nako!

Pinindot ko na ang doorbell ng bahay namin. "Oh Lea, nakauwi ka na pala, pasok." Sambit ni Aleng Lessy, isa sa aming pinagkakatiwalaang kasambahay.

"Sila mama po ba andito?" Sagot ko habang tinatanggal ang aking sapin sa paa.

"Ay nako, wala pa Lea e. Marami raw silang inaasikaso sa opisina kay baka gabihin na raw sila." Tumango na lamang ako at dumiretso na sa aking silid.

Kainis tong sarili ko, wala naman akong ginagawa pero lagi akong pagod. Jusko.

——

'Di ko namalayan na katulog pala ako. Napatingin ako sa bintana at napansing gabi na pala. Napahaba tulog ko ah. Kumukulo na tiyan ko, makababa nga.

Nang makababa nako ay napansin kong tahimik ang buong bahay. Asan ba si Aleng Lessy? Si mama at papa kaya di pa ba nakakauwi?

"Hello? Aleng Lessy, andyan ba kayo? Ma? Pa?" Ngunit tanging boses ko lamang ang dumaungdong bawat sulok ng bahay namin.

Ang weird, napakatahimik. May nangyari ba?

"Anak."

"Ay bilat sa kambing!!"

Jusko, wala akong sakit sa puso pero parang aatakihin ako dahil kay papa. Galing sya sa kanyang opisina dito sa bahay.

"Papa naman e! Tinakot nyo naman ako, si mama pala?"

"Nasa loob, pumasok ka't may pag-uusapan tayo." Seryosong saad nito. Napakunot noo na lamang ako sa kanyang inasta.

Pagpasok na pagpasok namin ay binungad agad ako ng ngiti ni mama. Umupo ako sa kanyang tabi ay pareho naming hinarap si papa.

"Asan pala si Aleng Lessy pa? Gutom na pa naman ako."

"Pina-uwi ko na muna sa kanila. Magpapadeliver na lamang tayo ng ating hapunan."

Tumango na lamang ako tsaka naman lumabas si mama. Saan pupunta yun? Baka sya magpapadeliver.

"May plano ka na ba kung saang paaralan ka papasok anak?"

"Wala pa, papa." Simpleng tugon ko sa kanya.

"Hmm, mabuti naman. Pina-enroll ka na namin ng mama mo sa isang prestihiyosong paaralan."

Saka sya may nilahad sa akin.

'KLAMIR UNIVERSITY'

Dear Mr. and Mrs. Peligres,

Thank you for having your lovely daughter get enrolled on our prestigious school. And also for trusting us with the care of you child for the whole school year.

Students of Klamir University provides a nurturing environment, good communication and being approachable. Knowledge is enhanced in all aspect. We promise you to provide a best learnings for your child.

Here are some basic rules inside the school premises;

• Be punctual. If the student arrives in the classroom late will receive a tardy slip. And will face the consequences after the class.

• Weapon, cellphones, radio or any form of electronic device are strictly prohibited.

• KU is a dormitory school. You can only go outside if needed or with the permission of your teacher or the head.

And lastly;

No dejes que tu curiosidad te supere. Curiousity kills a cat.

Aleckson Honckerberg,
Head Master

"Dito ako mag-aaral pa? Dormitory to ah. Sigurado po kayo?" Sa pagkaka-alam ko kasi ay ayaw nila na papasok ako sa isang school na dormitories.

"Oo,maayos ang pasilidad diyan at nasisigurado akong marami kang matutunan. Bukas ka na pala pupunta doon, ihahatid kita." Nagulat ako tae.

"Bukas? Agad-agad? May dalawang linggo pa ah."

"Maaga ang simula nila ng klase anak, sa susunod na lunes na." Ano pa bang magagawa ko? Kapag si papa ns ang nagdesisyon wala ng makakontra.

Biglang pumasok si mama, "Tapos na ba kayo? Halina sa baba't kakain na tayo." Sabay-sabay kaming nagtungo sa hapagkainan.

Tahimik lamang kaming kumakain at ako nama'y okyupado ang isipan. Iniisip ko yung huling rules sa sulat. Hindi ko iyon maintindihan pero alam kong hango iyon sa lenggwaheng espanyol. Weird, ba't kailangang ibang lenggwahe pa ang gagamitin?

"Akyat nako ma,pa." Paalam ko at humalik sa kanilang pisngi.

Itutulog ko na lang lahat ng to. Tae,hindi talaga ako makapaniwala. Isipin nyo, imbis na magliwaliw ako sa natitirang dalawang linggo kong bakasyon ay maaga akong papasok. Dormitory pa! Paano ko makikita ang mga kaibigan ko kung ganun? Hays.

Sa kakaisip ko'y nilamon na pala ako ng antok.

ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon