Kabanata 4

3 1 0
                                    

Narating na namin ang opisina ng headmaster. Walang anu-ano ay binuksan ni Kuya Ben short for Benjamin ang pinto.

"Pumasok na ho kayo binibini."

At dahil masunurin akong bata ay pumasok ako. Nadatnan ko ang isang simpleng opisina, may table na gawa sa marble. Sa kabila naman ay may couch.

Napatigil ako nung may nagsalita sa aking likuran.

"Ikaw na ba ang anak nila Mr. and Mrs. Peligres?" Hinarap ko sya at napanganga ako sa angkin nitong kakisigan. Omg, nasa langit na ba ako?

Napabalik ako sa ulirat ng pinitik nya ang noo ko. "A-ah,o-opo sir hehe."

Jusko,santaysima patawarin nyo po ako hahahahhaha. Ang gwapo naman kasi.

Tinawan nya pa'ko sa aking inasta. Shet. Maintain your posture Lea, nakakahiya ka.

"Maupo ka Leanna. Maligauang pagdating nga pala rito sa aking paaralan. Nabasa mo na naman siguro ang sulat na aking ipinadala?" Tumango na lamang ako bilang tugon.
"May nakalimutan kasi akong ilagay roon sa rules." Kamot batok nitong saad.

"Ah,ano po ba 'yon?" Takhang tanong ko naman.

"Dahil ang paaralang ito ay dormitoryo, tuwing pagsapit ng ika-sampu ng gabi ay ipinagbabawal na ang mga estudyanteng magpagala-gala sa labas ng kanilang dormitoryo. May mga bahagi rin dito sa loob ng paaralan na bawal pasukin ng mga estudyante kung walang pahintulot galing sakin. Nagkakaliwanagan ba tayo Ms. Leanna?" Mahaba at seryosong lintanya nito.

Nakakatakot naman 'tong magseryoso.

"Opo sir-"

"Alec, yun na lamang ang itawag mo sa'kin."

"Sige po sir Alec. Maaari ko na po bang malaman at makuha ang susi ng aking dormitoryo? Pati na rin po yung uniform." May inilahad syang susi sa akin at tinanggap ko naman iyon.

"Nasa kwarto na ang iyong uniform pati na rin ang schedule ng iyong klase sa darating na lunes. Enjoy your stay." Nakangiti nyang sambit, ang bilis magbago ng mood nito. Daig pa'ko.

Yumuko na lamang ako bilang paggalang at tsaka sya tinalukuran upang lisanin ang kanyang opisina.

O-oh. Sa laki ba naman ng paaralang to saan ang dormitoryo? Tanga mo Lea! Ah! May mapa nga palang inilagay si mama sa bag ko.

Kinuha ko naman iyon at nagsimula ng maglakad patungo sa girls' dormitory. Magkaiba kasi ang building ng girls at boys dito. Alangan namang iisa diba? Awkward yun no.

Walang anu-ano'y narating ko na rin ito. May gate pa,sosyalan pala itey. Bigla na lamang 'yong bumukas nung tumapat ako rito. Automatic din, advance talaga ng technology nila dito, nakakamangha.

Pagpasok ko ay may nakikita akong iilang mga estudyante na sa tingin ko ay kakadating lang din dahil sa bitbit nilang mga bag at maleta. May pila pa sa loob, sa palagay ko ay kailangang irehistro ng bawat babaeng naririto.

Makalipas ang halos dalwang oras ay natapos rin! Nakarating nako sa aking kwarto at handa na sanang humiga sa aking kama ngunit biglang marahas na bumukas ang pinto. Siya na ata ang kashare ko dito. Two person per room kasi.

"Alohaaaaa!! Salamat naman at maganda din yung karoommate ko! Hiii,ako nga pala si Elia." Masigla nitong pakilala sabay lahad ng kanyang kamay.

Ang hype nito, araw-araw atang mababasag eardrums ko.

Ngumiti muna ako bago magsalita at tinanggap ang kanyang kamay. "Leanna"

"Taray mo te, haba nun ah. Appreciate ko talaga." Sarkastika naman nyang sabi hahaha.

Ba't ba? Tinatamad akong magsalita tsaka isa pa, pangalan lamang ang kanyang tinatanong. Me'kelangan pa ba akong sabihin? Like duh.

Pareho na naming inayos ang aming gamit sa di kalakihang cabinet pero sapat na para paglagyan ng mga damit. Doon ko rin nakita ang uniform at schedule ko.

Hindi ko pa maibahagi ang itsura ng uniform kasi maayos itong nakapaloob sa lalagyan. Hindi ko pa naman din sya susuotin kaya di ko muna tatanggalin.

"Oy! Anong class ka?" Tanong nung kasama ko dito sa kwarto.

"Ah, 11- Einstein" Napatakip naman ako ng tenga ng bigla syang tumili. Nakalunok ba to ng megaphone?

"Magkaklase tayoooo yeyyyy! Hindi ako maa-out of place doon. Salamat naman. Sandali ichecheck ko lang yung refrigerator natin kung may lsman." At umalis na sya.

Tinungo ko naman ang aking kana na malapit sa veranda. May veranda kasi dito which is good, nakakarelaxing.

"Gusto mo ba kumain Leanna?!" Sigaw nito mula sa kusina. Lupet talaga ng bunganga nun.

"Paglulutuan mo ko? Sige lang." Hindi na sya kumibo kaya ipinikit ko muna ang mga mata ko.

Iba talaga pakiramdam ko dito sa paaralang to. Tsaka, saan kaya nag-aaral yung mga walang kwenta kong kaibigan, char. Namimiss ko na sila,hays.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon