CHAPTER 3

433 4 1
                                    

Sinipat ko ang sarili ko sa salamin ngayong araw na gaganapin ang birtday ng kaibigan ni andrew. Nakasuot ako ng sleeveless na silver  hanggang taas ng aking tuhod, medyo hapit ng konti kaya kitang kita ang kurba ng aking katawan hindi ko na man ikakahiya marami naman nagsabi na maganda ang hubog ng katawan ko. litaw rin ng konti ang aking likod may pag-kabackless ang style nya. Nakalugay ang akin' buhok at kinulot ang dulo nito. nag apply din ako ng make up  light lang naman. hindi ako sanay sa makapal ayaw kong magmukhang clown. Nang makuntento sa ayos ay agad lumabas sa kwarto ko at umupo sa couch hihintayin ko si Elise sabi nya sabay na lang kami pumunta dun. Malay ko ba saang bar gaganapin yung birthday baka maligaw pa ako. Habang hinihintay si Elise binuksan ko ang IG account ko at habang nagscroll bigla ko na lang naalala si jack sinubukan kong hanapin ang pangalan nya ngunit hindi ko pala alam ang surname nya.
Maya-maya ay dumating na si Elise tingnan ko ang ayos nya naka black sleeveless din pero may palda nga lang. hanggang Kalahati ng binti ang pangibaba hilig talaga sa maikling suot.

"Hindi ka kaya masilipan sa suot mo Ely?" tanong ko sa kanya baka pag-upo nya mamaya ay masisilipan sya sa iksi ng suot.

"Don't worry Couz, sanay naman na ko sa ganito at saka nandyan naman si Andrew no!" Sagot nya.

"teka saang bar nga pala gaganapin birthday nung kaibigan ni Andrew?" Tanong ko.

"Sa Mocklin Bar sa may unahan ng diva hotel. well pagmamay-ari rin naman ng isa sa kaibigan nila ang bar na yun."

"Sa exclusive room ba o sa may labas ang party?" Tanong ko ulit.

"Same, but silang magkakabarkada sa exclusive room kasama ang mga ka-date nila but pwede ka rin naman sa labas kung feel mong sumayaw sa dancefloor at wag kang mag-alala lahat ang nandun are invited sa birthday kaya chill ka lang."

Tumango na lang ako maganda na rin ito para maka-unwind din ako. agad kaming lumabas sa apartment. naiilang pa ako dahil habang papalabas pinagtitinginan kami. Paglabas namin natanaw na namin si Andrew sa labas ng sasakyan nito. nakasandal at busy sa kanyang cellphone kaya hindi nya napansin nakalapit na kami.

Jack's Heaven RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon