PEKSMAN MAMATAY MAN

26 0 0
                                    

-PEKSMAN-

'Hoy! Anong ginagawa mo d'yan?!' sigaw ko sa babaeng nakatayo sa may gilid ng water tank sa rooftop ng IT Building. Napakadelikado para sa isang babae ang tumayo sa lugar na iyon. Humarap siya sa akin. Si Riza, ang classmate ko sa Biology.

'Tatalon! Magpapakamatay! Bakit ka ba nangengelam?' sumbat niya.

'Engot ka ba?! Huwag diyan, pwesto ko 'yan e! Doon ka sa kabila!' Hinila ko si Riza pababa. Umupo ako sa may water tank at sinimulang tugtugin ang bitbit kong gitara.

Ilang minuto pa ay bumalik sa pwesto ko ang babae. 'Excuse me?' pasintabi niya.

'Oh bakit buhay ka pa?' biro ko. 'Sabagay dump site ang babagsakan mo kaya turn off sa libing. Maganda ang view dito kaya di ka pwedeng tumalon dito. Hindi na ko makakabalik dito kung magmumulto ka.'

'Magrerequest sana ako. Galing mo kasi maggitara.'

Umiling ako. Abnormal yata ang taong ito. Gusto pa may music habang nahuhulog. Hihigitan pa yata ang MTV ng 'how can i fall' ni Jed Madela. Ok na yung compliment niya e pero di naman pangpatay ang tinututog ko. 'Tahimik sa lugar na 'to kaya dito ako nag-eenjoy maggitara. Pero parang di ko maenjoy ngayon.'

'Pinapatamaan mo ba ako? Problemado na nga ako, kinukonsensya mo pa,' sambit niya habang nakasimagot. Parang ginusot na papel ang ang itsura niya. Sa tingin ko naman hindi siya baliw. Siguro nga may problema lang siya. Masyadong masakit kaya magsusuicuide siya, mas masakit pa siguro sa pagbubunot ng kanyang kilay.

'Ten minutes na lang pala uwian na. Halika samahan mo na lang ako!' Hinila ko na uli siya. Bumaba kami ng IT building. Wala naman akong pakialam kung magpakamatay siya. Takot lang talaga ako sa multo. Kung umattend pala ako ng klase, katropa na niya si casper. 'Bukas mo na lang ituloy ang pagpapakamatay mo.'

'Joriel. Dahan dahan..' Engot. Takot madapa pero di takot mamatay.

'Bakit ka ba tatalon dun?'

'Bakit ba interesado ka? At san tayo pupunta?'

'Hindi naman ako interesado sa dahilan. Ok i-rephrase ko. Bakit dito pa sa school mo naisipang magkalat ng spare parts mo?' Napangiti ang payatot na babae. 'Inabala mo ang paggigitara ko kaya dapat mo akong samahan, bawal na magtanong.'

Sumakay kami ng bus at tahimik lang siya sumunod. Sa may bintana ako umupo para kita ko ang view ng daan. Pero mas madalas kong tingnan ang reflection niya sa salamin. Baka kasi biglang maglaslas madumihan pa ang polo ko. Masesermunan ako ni ermat kapag nagkamantsa ang damit ko. Gusto kong alamin ang problema niya pero parang ayaw naman niya ishare. Bakas pa nga din sa mukha niya na wala siya sarili. Kung pitikin ko kaya ang ilong bumalik kaya ang ulirat nito?

'San ba talaga tayo pupunta?' basag niya sa katahimikang matagal na namamagitan sa aming dalawa. Ganda ng boses parang gusto kong magpahele at matulog sa byahe hanggang tumulo ang aking laway.

'Sa Tagaytay,' ngiti ko. Ipinakita ko sa kanya ang bilog na bilog kong dimples. Pero di niya napansin. Kaya itinago ko na ulit.

'Anong gagawin mo dun?' usisa niya. Dami niyang tanong daig pa ang teacher ko sa values education.

'Kakain ng ice cream,' biro ko.''Oh yan!' inabot ko sa kanya ang isang pirasong papel at ballpen.

'Para san 'to?'

'Gumawa ka ng suicide note. Maganda ang view sa Tagaytay kung maisipan mo tumalon at least may evidence na di kita itinulak. Pakipirmahan ng maayos ha.'

'Gusto mo na ba talaga akong mamatay?'

'Dami mo naman tanong. Sinusuportahan lang kita sa desisyon mo. Pero kung sakaling magbago ang isip mo mas ok.'

Habang daan, nagkwento na siya. Masyadong mahaba kaya ipinasummary ko noong nakatapos siya. Inulit naman niya. Nagulat ako sa pagtitiwala niya. Binabastos daw siya ng step father niya. Muntik na nga daw siyang magahasa kagabi kaya pumasok sa isip niya ang suicide. Napayakap siya sa akin. Lumuha. Todo comfort naman ako. Peksman! Walang malisya.

Nasa Italy naman ang Mommy niya, minsang sinubukan na daw niya magsumbong pero di siya pinaniwalaan. Wala akong maipayo sa kanya dahil di ko naman siya pwedeng ampunin. Dati nga nag-uwi ako ng pusa, hayun binuntal ako ni ermat nung kinain ang isdang binili niya sa bayan. Isda pa nga lang yung kinain binuntal na ako, eh kung isasama ko si Riza for sure kakain siya ng kanin.

Nang makarating kami sa Tagaytay, inilibot ko siya para mabawasan ang lungkot niya. Ibinili ko siya ng ice cream para marefresh ang utak niya pero iyong mura lang baka kasi kulangin ang allowance ko. Naglakad-lakad kami minsan sumasakay din naman ng jeep. Iniiiwas ko siya sa bangin baka kasi biglang topakin at tumalon, isama pa ako. Sayang naman ang magandang lahi ko.

Tinuruan ko siyang maggitara dahil iyon lang naman ang talent ko. Kumakanta siya ng 'you first believed' ni Hoku habang tinitipa ang kwerdas. Napakaganda ng boses pwede kong pagkakitaan kung isasali ko siya ng singing contest. Naaliw ako. Hindi ko namamalayan, nakatitig na pala ako sa kanya. Sa bawat pagtama ng aming mata ay napapangiti ako. Unti-unti, sumabay na ako ng pagkanta. Bumuhos ang ulan. Pero napawi naman ang madilim na ulap sa puso at isip ni Riza.

Naisipan ni Riza na tumira muna siya sa apartment, kasama ang iba naming kaklase. Nagtrabaho siya para suportahan ang sarili. Bumalik na ang dating Riza. Paminsan-minsan na lang kami magkita dahil tamad naman akong pumasok sa subject na magkaklase kami. Kadalasan, umaakyat siya sa rooftop para puntahan ako. Minsan nga, di ko namalayan may drawing na ako sa mukha. Tapos may nakasulat na malaking THANK YOU!.. Kumakanta pa din kami pero itinitigil ko na bago pa umulan.

'Joriel, thanks for saving my life.'

'Nasave ko ba? Hindi nga kita pinigilan e.'

'Kahit na. Kung di mo ako nakita malamang wala ako dito ngayon,' seryosong sagot ng payatot.

'Nandito ka na din lang.. Wag na pala.'

'Ano iyon.? Huwag na kasing bitinin.'

'Alam mo sa sandaling pagkakaibigan natin nahulog na ang loob ko sa'yo. Mahal na kita. Mahal kita Riza.'

'Pwede bang mag-isip muna ako?'

'Hindi mo naman kailangan mag-isip dahil hindi naman ako humihingi ng sagot.' Hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko iyon.

Naglakad ako palayo sa kanya. Umakyat ako may gilid ng water tank kung saan dating nakapwesto si Riza.

'Wait~!' Inextend ko ang kamay ko sa may tangke sa may pinakadelikadong parte. 'Oo na. Oo na! Mahal din kita! Please umalis ka na diyan. Hindi ko kayang mawala ka. Delikado diyan!'

Napangiti ako. Bumaba ako bitbit ang kumpol ng lobo na ilang araw ko ng itinago sa likod ng tangke. Bawat lobo may bulaklak sa dulo.

Pinakawalan ko ang lobo sa harap niya. 'Peksman? Mamatay man?!' paninigurado ko sa babaeng kaharap ko. Sa taong mahal ko.

Tumango siya ng maraming beses, mabilis pa sa spaceship. She hugged me. Sana lang di kami makita ng principal.

sad love storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon