Wish Six

42 3 2
                                    

*Yeng yeng yeng yeng yeng*

Ahhh!! Putek na alarm yan... Ang engay wala namang pasok eh!!

"Good morning... "

"Aaaaaaahhhhh!!!!! " nalaglag ako sa hinihigaan ko.... Pano ba naman kasi... Pagkaharap ko... Waaaaahhh!! Nakakahiya!!! Si Bryan nandito sa kwarto ko... Nakashorts at tanks pa naman ako..... Wait!!

Teka lang.... So nakatank and shorts lang ako... At nandito sya sa kwarto ko? Waaaahhh... Huhuhuh!!

"Waaaahh!!! Bastos ka... Bakit mo ginawa yon?! Bakit? Asan ang hustisya!! Para sa mahal ko yun tapos kukunin mo lang?!!!! Asan ang hustisya?! Nasa gitara mo ba? Nasa gitara mo ba?!!! " waaahhh... Wala na ang pinakaiingat-ingatan ko!!

"Haha... Alam mo nakakatuwa ka.... "

"So ganon gawin akong clown? "

"Wala naman akong ginagawa sayo eh... Pinapagising ka lang sakin ng kuya mo.. Pupunta daw tayo sa resort nila Kitty... Naunahan ka pa nga gumayak nung kaibigan mo eh... " ang gwapo ng boses nya.... Lalo syang gumagwapo... Ang sarap mahalin este pakinggan...

"Sunod ka na lang ha.... Bilisan mo na anggulo pa ng buhok mo... " tae... Ang insulto nun ah... Grabe lang...

Hinanda ko na yung damit ko... Teka resort daba? Anong gagawin dun? Ah ewan sasama na lang ako...

Pagkababa ko lahat sila lugmok kahihintay ata sakin..

"Peste... Via ilang tabo ba ang naibuhos mo sa katawan mo at antagal mo maligo? " tanong ni syempre sino pa ba? Si Star yan...

"Oh tara na.... Nu pang henehentay... "

**************************************

"Wwooooohhh!! Boys around the world!! " ang ingay ni Star... Nagpapansin kasi kay kuya Nel.... Ayun si kuya nakaupo sa may pool area....

Hahahahaha.... Andaming artista dito... Resort ng mga artista ata to eh...

Naglalakad ako sa may tabi ng pool... Wala namang nagsiswimming.... Wala na din si kuya Nel kasi nakain na daw sila eh... Busog pa ako...

"Via kain na kasi... "

Nilingon ko si Star at sinabing...

"Busog pa nga ako!! "

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon