Chapter Four- Overnight II

51 2 0
                                    

Niza's POV

"Tagal mo naman Bes." si Marie.

"Na-traffic kasi ako." sabi ko.

"Tara na." seryosong sabi ni Eizel.

Seryoso akong naka tingin kay Eizel at kay Marie. Marami silang pagkakaibang dalawa,si Marie masayahin at palaging nakangiti. Habang si Eizel naman seryoso at laging poker face.

Pero kahit ganyan sila mahal ko parin sila.

"Bes,tulala ka nanaman." si Marie habang kumakain ng chips.

Nandito na kami sa covered court ng school,halos lahat ng mga classmate ko nandito. Pero may isang tao ang wala, si Kart. Psh,bakit ko nga ba siya hinahanap.

"Good Evening students of Vintage High. Tonight we're doing an activity. So were having an overnight here in our school to help the Bantay Bata. So yung binayad nyo sa Entrance ticket ay ido-donate sa Bantay Bata. So feel the activity and enjoy" nagpalakpakan na yung mga tao.

Pssh. Ido-donate lang naman pala eh. Edi sana nagdonate nalang ako mismo hmmmpp. Nagkaroon pa kami ng mga konting exercise at mga palaro. Pagkatapos nun kumain na kami. Parang may kulang, may hinahanap ako eh.

"Psst. May hinahanap ka?" tanong sakin ni Marie. Napatingin naman si Eizel sakin na nakakunot ang noo.

"Wala no! Nago-observe lang ako" Di ko nga din alam kung sino ang hinahanap ko eh.

"Tsss. K" Marie. Hinayaan ko nalang siya. "CR muna ako ah" mukang di nila ako narinig. Kaya umalis nalang ako

Pagdating ko ng CR ay nagsalamin ako at napapaisip. Crazy Stranger. Bakit kaya crazy? Matino naman ako eh. Hmmmp bakit ko nga ba yun iniisip. Pumasok ako sa cubicle sa dulo.

Habang busy ako sa pagmu-muni muni narinig kong may pumasok sa CR. "Di mo pa ba nakita si Kart?" tanong ni girl1. "Di ko pa sya napansin eh. It's like di na sya dumating here sa overnight" sabi naman ni girl2 na maypagka-conyo. Nagulat ako sa pinag-uusapan nila si Kart? Naiintriga ako kaya pumatong ako sa toilet bowl tapos kumapit ako sa pinto naka-tiptoe ako kasi medyo malayo yung pinto.

Si Kate at si Claire yung nag-uusap. Bat nila pinagu-usapan si Kart? "Kate, di ba you and Kart are on na? You know in a relationship. Because kalat na this in school and they talking about that na" si Claire. Hinihintay ko yung sagot ni Kate.

Napangiti si Kate, mukang alam ko na sagot ah. Sila na nga. Di ko sure pero feeling ko sila na. "Haha. Claire be patient. Malalaman mo din yun. Malapit na" Kate. "Hmmpp, mukang ayaw nyo ipa-alam ni Papa Kart ah? Its ok lang kasi i can wait naman" napaka-conyo kainiszxc.

"May nalaman akong sekreto tungkol kay Kart" naintriga ako sa sinabi ni Kate. Muka namang nagulat si Claire at mukang naexcite "Really? What? Tell me please!".

"Did you know that Kart is----.."

"Ouuuchhhhh" nahulog ako sa toilet. "Sht ang sakit" pabulong kong inda. Ang sakit ng pwet ko.

"Hey!" Sht. May kumakalampag ng pinto. Hindi ako sumagot. "Kung sino kaman lumabas kana dyan. Stop evesdropping!!". Si Kate mukang galit na. "Lumabas ka dyan oh sisipain ko tong pinto" oh ghad oh ghad.

"3..." shemay nagco-countdown ba sya
"2..."

Sign of the cross. God kayo na po bahala sa tita ko at mga kaibigan ko. Sana wag nyo sila pababayaan. Pakisabi nasa mabuting lagay na ako huhuhu.

Malapit na nya bilangin yung 1 pero may nagbukas ng pinto

"Kate. Si Kart nandyan na" boses ng babae. Sino yun? Mukang kaibigan ni Kate. Pero thankyou sa kanya

Sinigurado ko munang umalis sila bago ako lumabas. Naglakad ako ng paika-ika. Huhu ang sakit ng anaconda ko

(Note: Anaconda yung kanta ni Nicki Minaj. May connect kasi sa butt eh. Pagbigyan nyo nako)

Ang hirap maglakad ng ganito.

"Sarah! Ikaw bayan?" Huh? Napalingon naman ako. Naalala ko to ah. Ahh si Peter

"Sarah. Marunong ka palang maghip-hop?"

"Pinagsasabi mo?" Parang baliw to si Peter. "Bat ganyan ka maglakad?". Ay putspa. Napafacepalm nalang ako. "Ewan ko sayo. Bala ka na dyan." Naglakad ako palayo.

"Sarah. Sandali!" Ano bato ang kulit naman. "Kulit mo naman! Tsaka di Sarah pangalan ko. Niza ok!!" Napasigaw na tuloy ako.

Nagpatuloy nako sa paglalakad.

"Piza! Sandali!" Anong Pisa? Muka ba akong tigyawat?? "Hoy anong pisa? Baliw!"

Iniwanan ko na sya pero hinahabol parin nya ako. Takbo ako ng takbo kahit muka na akong Zombie dahil sa lakad ko. Pagtingin ko sa likod medyo malayo sya. Lumiko ako para malito sya tapos nadaanan ko yung Janitors room. Pumasok ako tapos nilock ko to.

"Hayyyyyy......" napa buntong hininga ako sa pagod

Tapos napansin kong biglang nahulog yung mop. May nakita akong figure ng lalake. Oh My! Mumu mumu!

Palapit sya ng palapit.

"Ahhhhgggg-------" sisigaw na sana ako ng takpan nya bibig ko. Infairness ang bango na kamay nya. Amoy baygon

"Wag ka ngang maingay"  wait? Kilala ko tong boses na to ah.

Si si si......

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

AN: So far eto ang pinakamahabang chapter sa ngayon :D. Pagpasensyahan nyo na ang pagiisip ko may sapi ako.

Twitter: @supershaniceee
IG: @supershaniceee

Epic Love Story (updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon