Chapter Three- Overnight

63 2 0
                                    

Niza's POV

"Okay class, may sasabihin akong importante." napahinto ang mga classmate ko ng marinig nila si Sir.

"What's that Sir?" tanong ni Marie.

"May overnight dito sa school sa darating na Sabado,gusto ko lahat kayo sumama okay ba? Plus point din ito sa subject ko." naghiyawan naman ang mga classmate ko ng marinig nila.

Overnight? Owww.

"After class pumunta kayo sa office ko para malista ang mga pangalan ng pupunta. Okay, class dismiss." Yess sa wakas recess na

-*-*-*-*-

Sa canteen. Umorder lang ako ng pagkain ko tapos pumuwesto na ako sa bandang dulo ng canteen. Busy ako sa pagkain tapos biglang tumabi sakin yung dalawa kong kaibigan.

Si Marie at si Eizel. Si Marie buhat-buhat yung tray ng pagkain nya, at si Eizel as usual seryoso at chips lang ang dala.

"Uy girl, sama ka sa overnight ah?" Tanong sakin ni Marie.

"Di nga dapat ako sasama eh. Kung di lang talaga sa plus point ni Sir." Totoo naman eh. Dagdag gastos naman talaga.

"Dapat lang na sumama ka" si Eizel.  Wow. Nagsalita din for the first time.

"Uy nagsalita na sya. Yieehhh" si Marie. Habang may nakaklokang ngite.

Dadag-dag pa sana ako sa pang-aasar ni Marie, kaso biglang pumasok ng canteen si Ice King. Usual gwapo parin sya. Oo gwapo sya kahit sino namang babae magwa-gwapuhan sa kanya maliban lang kung Man hater ka. Sikat sya dito sa school. Pero ang cold nya, oo sobrang cold nya kaya tinawag ko sya ng Ice King. Kanina nainis ako sa kanya dahil ang yabang nya, nakakainis sya.

Pero ngayon may kakaiba, kasama nya si Kate. Kate Lianne Andola. Campus crush, dahil maganda siya, sexy, cute, sikat at mayaman. Halos na sa kanya na nga lahat eh. Naka-hook pa yung kamay nya kay Ice King. Habang si Ice King wala man lang emosyon. Muka ngang walang pake eh.

"Ang gwapo ni Papa Kart noh? Grabe ang hot nya pa" sabi ni Marie. Kulang na lang mag-heart yung mata nya eh.

"Tss, lahat naman gwapo sayo. Pati nga ata si Mang Boboy na guard ng school gwapo parin sayo" sabi ni Eizel na may halong sarcasm. Pfft hahahaha. Pag nagsasalita talaga to laging may point xD.

"Hoy grabe ka ah! Magsasalita ka na nga lang ulit kasinungalingan pa pinagsasabi mo!" Hahaha. Wala na mag-aaway na yan :D.

Habang nag-aaway sila tinititigan ko lang si Ice King. Ang gwapo nya talaga. Habang kinakausap sya ni Kate o parang flirt na ang nangyayari, wala parin syang pakialam tuloy parin sya sa pagkain. Tinititigan ko lahat ng features ng muka nya. Mula sa mata nya, sa matangos nyang ilong at ang mapi-pink nyang labi. Perfection.

"Gwapo ni Kart" sht. Tinakpan ko yung bunganga ko. Bakit ba ang daldal ko. Tsaka bat ko pa sya pinupuri eh mag-kaaway nga kami. Lahat ng sinabi ko tungkol sa kanya. Erase erase.

At mukang di ako nakaligtas sa dalawa. Sinamaan nila ako ng tingin. Tapos sabay pa talaga silang sumigaw ng "Yieeeeehhhhhhhh!!!!!" Grabe ang lakas ng boses nila. Lahat sa canteen nakatingin samin. Pati si Ice King napatingin sakin, mukang ngayon lang nya ako napansin.

Nakipagti-tigan sya sakin ng mga 1min tapos umiwas na ulit sya ng tingin at bumalik na sa pagkain nya. Walang pake. Kainis.

"H-huy! Ang ingay nyo wag nga kayong ganyan. Tara na nga mag-paregister sa office ni Sir!"

"Hahaha iwas topic" Eizel.

"Hahaha oo nga. Pero tara na sa office ni Sir. Mamaya mahaba na pila dun" Marie

Tumayo na kami at aalis na. For the last time tinignan ko ulit si Ice King. Nagulat ako nung napatingin din sya sakin. Ngayon ako naman ang umiwas. Tssk kala nya ah.

Pagkatapos namin magparegister. Ay umuwi na ako sa bahay. Inayos ko na yung dadalhin ko. Konting damit, undergarments, kumot at iba pa. Dinala ko na yung entrance ticket. Dahil di ka makakasali hangga't wala ka neto, binayaran ko din ng 100. Kaya sinabi kong magastos. Buti nalang may extra money ako.

Pagkatapos kong mag-ayos ng bag nahiga na ako sa kama ko at nagpahinga.

"Sana naman bukas walang mangyaring EPIC."

Epic Love Story (updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon