Juno's Pov
Required ba na kapag bago ka sa school dapat kang pumasok ng maaga?
Hindi ko lang kasi maintindihan kay dad kung bakit niya ako kailangang ihatid dito sa school ng ganito kaaga, na kahit nga canteen sa ibaba hindi pa bukas.
Andito ako ngayon sa 3rd floor kasi tiningnan ko yung map na ibinigay sa akin nung principal kahapon noong i-enroll ako ni dad, at dito ang magiging classroom ko.
Malaki kasi itong school at maraming building kaya paniguradong maliligaw ako kung walang map, pero mas malaki pa din yung dati kong school kung ikukumpara dito.
I'm from US, doon ako dati nag aaral. The main reason kung bakit ako inilipat ni dad dito sa Pilipinas ay dahil ilang beses na akong nakick out sa mga schools doon at wala na ngayon sa aking tumatanggap.
That's why I ended up here.
Tss I don't want to reminisce that past.
Napagdesisyunan kong bumaba muna at magliwaliw.
Paliko na ako sa hagdan ng biglang may bumangga sa akin kaya parehas kaming natumba, and fucking worst nakapatong pa siya sakin.
"Fuck!" napamura ako sa sakit at dahil na rin sa bigat nitong lalaking nakapatong sa akin.
Kaya no choice ako kung hindi ang itinulak ko siya, ang pagkakamali ko lang ay napalakas ng kaunti yung tulak ko sa kanya, kaunti lang naman na naging dahilang kung bakit sya nahulog sa hagdan.
Pero sa unang baitang pa lang naman, kung baga sa langit lupa ay nasa lupa pa lang siya dahil agad siyang nakakapit sa railings.
Tumayo siya at sa di malamang kadahilanan ay bigla na lang nagsitayuan yung mga balahibo ko sa katawan na para bang kinabahan.
"Sino ang nagsabi sayo na pwede mo akong itulak?" sabi niya sa akin habang matiim na nakatitig sa mga mata ko. Pero narealize kong nakahiga pa din ako kaya bilis bilis akong napabangon.
"Sa susunod, umalis ka sa dinaraanan ko" he said with a cold tone.
Hindi ko alam pero parang bigla na lang napunta ang dugo ko sa ulo kaya hindi ko napigilang magsalita kahit pa nakatalikod ako sa kanya.
"Wait, bakit naman ako aalis sa dadaanan mo kung pwede din naman akong dumaan doon? Sa susunod matuto ka ring kumilala ng binabangga mo" I replied at him at kagaya niya ay may panlalamig din ang tono ng boses ko.
Aalis na sana ako nang may humigit ng malakas sa siko ko kaya awtomatiko akong napaharap sa kanya.
"At sino ka para kilalanin ko nagpapatawa ka ba? Hahaha" he laugh sarcastically pero parang siraulong biglang sumeryoso ang mukha nya. "Siguro nga nagpapatawa ako, ayan nga o at tumawa ka" matalim ang titig na sambit ko sa kaniya.
"Huwag ka ngang tanga, atsaka gusto ko lang sabihin sayo.. Na ikaw dapat ang kumilala sa taong binabangga mo" sambit nito habang mariing nakatitis sa mga mata ko na animo'y gustong gusto na niya akong itulak dito sa hagdan para agad malagutan ng hininga.
Naramdaman ko ang paghigpit niya ng hawak sa siko ko bago tuluyang umalis at pabalyang itapon ang braso ko.
Dahil sa nangyari ay nagbago ang isip ko na bumaba dahil nawalan na ako ng gana, bumalik na lang ako sa room dahil bukas naman ito at umupo sa may pinakang dulo sa hulihan.
YOU ARE READING
Code Error
Teen FictionCode Error.. This story is under reconstruction. I suggest for you not to read this for now because it's a little bit messy and complicated. Thank you for understanding.