1 Fatty Kiarah

27 0 0
                                    

"Baboy! hahaha... ang taba taba mo naman pwede ba mag diet ka naman para makuhaan naman kahit isang kilo yang taba mo hahaha" sigaw ng isang batang babae sa nakaupong bata na nakayuko habang hawak ang ice cream na tunaw na.

hindi sya nagsasalita, panay lamang ang yuko nya habang pinakikinggan ang mga batang nang aasar sa kanya.

"oh ano? edi umiyak ka bleeee wala kaming pake baboy hahaha" tawa ng tawa ang isa pang batang babae at gayun din ang mga kasama nito.

walang nagawa ang batang babae kundi ang yumuko at umiyak nalang. hindi nya alam ang gagawin dahil wala syang kasama at maraming bata ang umaaway sa kanya.

"Hahaha umiiyak na si baboy

"hahaha...

" lechon baboy hahaha ....

"baboy baboy haha bab--.....


" hey! you shut up... umalis kayo sa dadaanan ko! "

Napatigil ang lahat sa biglang pagsigaw ng batang lalaki. napaangat naman ng tingin ang batang babae at tiningnan ang batang sumigaw.

"eh baket sayo lang ba tong daan? ha!" sigaw ng isang batang lalaki.

hindi nagsalita ang batang lalaki pero cool itong humakbang palapit sa kanya.

nagulat ang batang lalaki at ang kasama nito ng biglang maglabas ng isang baril barilan ang lalaki at tinutok ito sa kanya.

nakasunod lamang ang mga taga silbi ng batang lalaki ngunit wala silang ginawa upang pigilan ang batang lalaki.

" i already put 5 bullet on this gun, and im not afraid to waste it on your body bro, and yeah its not my property but if i want this property to be mine, then my daddy will surely buy it for me" cool nitong pagkakasabi sa bata na ngayon ay tila takot na sa kanya.

napangiti ang batang babae sa batang lalaki. feeling nya ay pinagtatanggol sya nito sa mga nang aaway sa kanya kaya ganon nalang ang ngiti nya ng sumulyap sa kanya ang batang lalaki. pero nagulat sya ng isnaban lang sya nito.

" i said get loss ! " sumigaw ang batang lalaki sa mga bata kaya agad itong kumaripas ng takbo habang takot na takot. hindi alam ng batang babae kung bakit natakot ang mga bata dito pero maging siya ay takot rin sa paraan ng pagkilos at hitsura ng batang lalaki.

nang makaalis na ang mga batang nang bully sa kanya. agad syang ngumiti ng pagkatamis tamis sa batang lalaki. lalapitan na sana nya ito ng bigla itong tumalikod at humakbang palayo.
naiwan syang hindi man lang nakapagpa salamat ngunit ganun na nga ang gulat nya ng bigla itong huminto sa paglalakad at unti unting lumingon sa kanya.
inihagis nito ang dalang baril barilan at sakto naman itong nasalo ng batang babae.

" keep that gun so you can defend your self to those trash bullies" yon lang ang sinabi ng batang lalaki pagkatapos ay dire diretso ng umalis.

naiwang gulat ang batang babae. tiningnan nya ang laruang baril at napangiti sya ng may nakitang nakaukit na pangalan sa hawakan nito.
"MASTER HIRO" napangiti ang batang babae.
"Salamat hiro " yon lang ang nasambit nya at umalis na rin sa lugar na todo ang ngiti sa labi.
tinatak nya sa isip nya ang pangalang iyon at lagi nyang dinadasal na sana ay magkita silang muli.

mula sa araw na iyon, nasabi ng batang babae sa sarili na kapag lumaki na sya, hahanapin nya ang batang lalaking iyon at ang lalaking iyon ang gusto nyang pakasalan at makasama habang buhay. tinanim nya ang lahat ng iyon sa kanyang utak at puso hanggang sa dumating ang punto na magdalaga na sya.

Si Khiara Bless Hernandez.

I Fell inlove with a Rule BreakerWhere stories live. Discover now