Crush Life - Prologue

25 2 2
                                    

Prologue

Paghanga o crush sa English...

Isang damdaming nararamdaman ng mga tao, kadalasan ng mga kabataan.

Iba yan sa pag-ibig o love sa English.

Kasi ang crush, nagustuhan mo lang ang isang tao pwedeng dahil sa physical features niya, sa kahusayan niya sa isa o maraming bagay, o sa kaugalian niya. 'Paghanga' nga lang talaga. Ano pa nga ba?

Pero paano kapag dumating na sa point na "baliw na baliw" ka na sa kanya? Yung tipong nagiging secret agent ka na nag-re-research o mas tamang sabihing nag-i-stalk ka na sa Facebook, Twitter, o Instagram niya.

I-d-download LAHAT ng pictures na kasama siya, kahit kamay niya lang ang nakuhaan i-d-download mo pa rin. Minsan nga hangga't maaari i-ka-crop mo yung mga pictures na may iba siyang kasama para sumaya ka lang ehh.

Tapos sinusumpa mo lahat ng opposite sex niya na ka-close niya, o kaya maiinggit ka na lang sa kanila dahil ka-close nila si Crush. Yung tipong sa sobrang inggit mo sa kanila ehh naiprito mo na sila nang buhay sa kumukulong mantika, pero malas nga lang, sa isip mo lang yun naggagawa. Yung 'inggit' na term pwede ring palitan ng 'selos', 'di ba?

Eto pa, nag-d-daydream ka na mag-boyfriend-girlfriend o mag-asawa kayo to the point na nadadala mo pa yun sa panaginip mo. 'Wag ka mag-alala, hanggang sa isip mo lang yan.

Ehh paano kapag nalaman mong may ibang gusto, may nililigawan, may boyfriend o may girlfriend na si Crush?

"Oo. Okay lang ako."
"Oh? Talaga? Ang saya naman..."
"Grabe! Bagay pala sila."
"Haha! Magsama sila! *smile*"
"Ako kaya yun *fake LOL*"

Kaninong mga linya yun?
A. Bitter
B. bitter
C. BITTER
D. All of the above

Kung mali ako, paki-correct na lang.

Pero tingin niyo, normal bang maging ganoon ang isang tao sa so-called Crush nila? May nagsabi kasi sa akin na ibang level na raw yun. Wareber~

Kayo na'ng humusga para masaya. :)

-

Uwaaaaahhhh~ my very first story in Watty :D. Sensya, nagpi-feeling writer XD.

Amateur lamang~ please criticize to help my work get better ^____^.

This story is composed of scenes created by the author's crazy imagination. All rights reserved.

Please do support. Thank you! ^____^

-AteVal ü

Crush Life ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon