Chapter Three

7 0 0
                                    

Chapter Three

Eto ako ngayon sa harap ng computer, nanonood sa Youtube ng mga funny videos ng mga aso. Kaso wa-epek pa rin, 'di pa rin ako natutuwa~ TT^TT

Isang linggo na ang nakakaraan simula nung in-interview ako ni Alyssa the news writer of A.U. At three days lang after ng interview na yun, na-print kaagad yung official newspaper ng school nila, which is kasama dun yung interview sa akin. Nakakainis lang, kasi dahil na-feature rin ang school namin sa dyaryo nila, binigyan nila ang school ng copies na syempre para sa lahat ng estudyante ng P.A.

Yup. COPIES. As in copy in plural form.

At noong nabasa na ng buong sangkatauhan ng school namin yung article ng interview ko, instant usapin ako ng madla.

Dahil din sa dyaryong yun, madalas na akong asarin ng mga tropa ni Darryl, at syempre kasama si Darryl.

Nakakakilig? No, no, no, no. Hindi siya nakakatuwa.

Bakit? Kasi naman, nung kinabukasan ding yun nang pagdi-distribute ng dyaryong yun sa lahat, after ng morning ceremony namin sa may school grounds, special mention ako ng tropa nila Darryl. With matching tulak pa ng mga tao sa akin sa stage palapit kay Darryl.

Swear, hindi nakakatuwa.

Yung tipo kasing maririnig mo nga ang mga "yieee" ng tao sa paligid, kaso yung susundan ng tawanan, damang-dama ko na... napahiya ako.

Iba kasi, iba yung feeling. Hindi butterflies in my stomach, walang spark. Para akong nakakakita ng mga dinosaur sa paligid ko at unti-unti nila akong tinatapakan. Para rin silang mga bangaw at bubuyog na nagtatanong at nagdadaldalan about dun na sobrang nakakairita talaga.

Nakakainisss!! Nakakayamooot!! NAKAKAHIYAAA!! TT^TT

Sana kasi 'di na lang ako nagpadala sa shock. Sana 'di ako pumayag magpa-interview. Sana 'di ako nagpadala sa tingin ni Thalia. Sana 'di ako nag-cheer para kay Darryl. Sana 'di ako nanood ng basketball game. Sana 'di ako pumunta sa Armstrong University. Sana 'di ako nagka-crush kay Darryl James Ferrer.

Nasa huli nga naman ang pagsisisi...

*toktoktok*

"Anak," si Mama pala.

"Bukas po yan." Sabi ko.

Binuksan ni Mama ang pinto at pumasok siya. May dala siyang tray ng pagkain.

"Ohh, mag-merienda ka muna ng lugaw." Pinatong niya yung tray sa study table ko.

"Thank you, Ma." Sabi ko kay Mama.

"Okay ka na ba?" Tanong niya tapos pinatong niya yung likod ng kamay niya sa noo ko. Umiling-iling ako, body language... di ako okay. Napabuntong hininga na lang si Mama sabay alis nung kamay niya sa noo ko.

"Nga pala, tumawag si Thalia. Kinakamusta ka." Kinuha ko yung lugaw at kinain yun. "Di mo pa ba siya kakausapin?" Umiling ako.

"Bahala ka. Ubusin mo yan ha. Bababa na ako." Sabi ni Mama at lumabas na siya ng kwarto ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush Life ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon