Chapter Two

9 0 0
                                    

Chaper Two

Tahimik pa rin sila.

Napatingin ako kay Darryl. Nakatingin pa rin siya. Shemsss >//////<

P-pero t-teka? Nakangiti siya?? O////O

O nagpipigil ng tawa?? -_-

Maya-maya lang...

"WOOOOOOHHHHHHHH!!!"
"DARRYL! DARRYL! DARRYL!"
"YEAAAAAHHHHHH! WOOOOOHHHHHH!!"

Biglang cheer ng mga schoolmate ko sa iba't ibang paraan. Pumapalakpak naman yung kabilang school. Napangiti na lang ako. Nakakatuwa, kasi kahit talo sila sa championship, sport pa rin sila. Mayroon pa ngang sumigaw ng "Congratulations" sa kanila.

Pero dahil naaalala ko pa rin ang kahihiyang maaaring magmarka sa history ng basketball, medyo nakatungo ako habang pumapalakpak. May mga tumitingin din kasi sa akin ehh. >____<

~

Lumabas na kami ng court. Nga pala, dayo lang kami sa university na 'to. Bale pumunta lang talaga kami dito para sa sports. So meaning hindi lang basketball game ang laban dito.

"ANDREEEEIIIIII~~!!!!!" Tawag ni Thalia sa akin habang tumatakbo. Gumawa rin siya ng eksena, magkaibigan nga kami. Teka, parang puro sigaw yata mga lines ng characters sa istoryang 'to? Anmeron??

Para maiba, kumaway lang ako kay Thalia.  'Di lang para maiba, naiisip ko rin kasi yung eksena sa basketball court kanina, at hindi ko ma-take na madagdagan pa ang kahihiyan ko sa buhay.

Sinalubong ako ni Thalia ng yakap nung malapit na siya.

"Grabe Andrei! Na-miss kitaaa~" sabi ng madramang si Thalia. Yes, 'di na pasigaw. Medyo na lang.

"OA naman neto. Para..." tumingin ako sa wrist watch ko at binilang yung oras, "...para five hours pa lang ang nakakaraan." Sabi ko.

Bumitaw siya sa yakap tapos nag-pout siya. Dahil nakakaawa ang bata, nginitian ko na lang siya tapos nag-peace sign.

"Uyy! Ano, kamusta yung game niyo?" Sabi ko. Volleyball player kasi siya. Bale yun yung dahilan kung bakit wala akong ibang kasama kanina nung nanood ako ng basketball game. Alam niya naman kung bakit mas pinanood ko yun kaysa sa game niya. Actually, siya yung namilit na panoorin ko yung basketball kaysa volleyball, at sana hindi na ako nagpapilit. -____-

"As usual." Sabi niya with kindat pa. Naglalakad na kami.

"Sus. Lumalaki na naman utak mo ha. Tusukin ko yan ng karayom." Sabi ko. Namutla naman siya.

"Che! Tigilan mo nga ako jan!" Ngumiwi siya. "Grabe, tingnan mo ohh." Sabi niya sabay pakita ng kinikilabutan niyang braso.

Tumawa ako ng mahina. "Sorry na." Sabi ko sabay peace sign. Inirapan niya ako tapos pinupunas niya yung palad niya sa mga braso niya. Yung inaalis yung kilabot ng balahibo niya sa braso. Haha! XD

Aichmophobic kasi siya. Takot siya sa mga matutulis na bagay. Since birth daw yun ganun na siya. Ewan.

Naglalakad na kami ngayon papuntang cafeteria. Habang naglalakad kami kinukwento niya sa akin yung tungkol sa isang "cute" na lalaki na nakilala niya raw sa may volleyball court. Adrian daw name nung "cute". May pahampas-hampas effect pa siya sa akin habang nagkukwento. Kesyo mabait raw, sweet daw, masarap daw kasama... basta. Ang alam ko lang nasasaktan na ako sa ginagawa niyang panghahampas sa akin. Hindi ko na napigilan ang kamay ko at kusa na itong lumanding sa ulo niya para mamatok.

"ARAAAYYY~!" Daing niya. "Ba't mo ako binatukan??!"

"Ganyan kita kamahal, Thalia. Love you. Hahaha!" Tawa ko pa. Nag-pout lang siya.

Nung nasa may cafeteria na kami, nagulat ako nung may humarang sa amin na taga-Armstrong University.

"Hi! Ohh.. ikaw nga yun! Yung babaeng nag-cheer, or should I say sumigaw dun sa basketball team ng P.A.! Hi! I'm Alyssa," naglahad siya ng palad, "news writer dito sa A.U. Pwede ba kitang ma-interview?" Tuluy-tuloy na sabi ng babae sa amin. Bigla akong nilamig na nainitan na ewan.

Lumingon ako kay Thalia na kasalukuyang nakangiti ng nakakaloko. "Kaya pala ahh..." bulong niya. Nakipag-handshake siya sa kaharap namin. "Ako nga pala si Nathalia, siya si Andrea. Kaibigan niya ako at syempre pwede mo siyang ma-interview. 'Diba Andrea?" Nginitian niya ako na parang sinasabi niyang 'wag ako tatanggi.

"Ahh... ehh... si-sige..." sabi ko habang pilit na ngumingiti. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong nakaharap kay Alyssa na nagtatanong sa akin.

I'm doomed.

-

A/N:

Sensya sa matagal na update. Masyadong busy ang buhay estudyante TT-TT.

Sensya rin sa lame update. Trying hard lang sa paggawa ng story. Kkkkk~ ^___^v

Thanks for reading! :* Love lotsss! ♥

-AteVal

Crush Life ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon