Prologue

62 11 0
                                    

DISCLAIMER:

This story is work of fiction. Names, Character , places and Events are fictitious,  unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.

----------------------

PLAGIARISM is the "Wrongful approapriation" and purloining and publication" of another author's "Language, thoughts, ideas or Expressions," and the representation of them as one's own original work. The idea remains problematic with unclear definitions and unclear rules. Plagiarism is considered academic dishonesty and a breach of journalistic ethics. It is subject to sanctions like expulsion.

Plagiarism is not a crime per se but in academia and industry it is a serious ethical offense and cases of plagiarism can constitute copyright infringement.

--------------

This story is written by a amateur. please excuse the foul words and typographical errors. Any names of a person or establishments are only made by author and does not reflect reality.

-------------

Year 1886

First Person POV

Malalim na ang gabi, Madilim na ang kalangitan ngunit naglalakad sya sa walang katapusan na daanan. Tutungo sa isang lugar na hindi alam ng sino mang nabubuhay.

May nakita syang isang bahay - Tuluyan at doon muna nanatili.

"buenas tardes (Good Eve) " bati sa kanya ng isaag matanda. Ngiti lamang ang tugon nya dito

"Estaba buscando el hotel Del Royal (I was looking for the Del Royal hotel) " saad nito sa matanda.

"Isa kang matalinong babae binibini. Naiintindihan mo ang salitang espanyol "

"Tinuruan ako ng aking ama ng iba't ibang wika simula noong bata pa ako"

"Ganun ba? Saan ka nagmula binibini? sa aking pananaw ay hindi ka taga rito. "saad ng isang matandang babae.

"Sa isang malayong lugar" saad nito.

Pinagmasdan ng matandang babae ang kanyang buong kasuotan. Marumi ito at halos magkapunit-punit na at meron itong espada na nasa tagiliran.

"Isa ka siguro sa mga nag-aalsa laban sa mga espanyol. " Saad ng matanda sa kanya

Tinutukan nya ito sa leeg ng dalang espada ngunit hindi mo makikita ang takot sa mata ng matanda.

"Alam mo ba binibini na bihira lang ang mayroong espada dito sa pilipinas. Nakakasigurado ako na ang armas na hawak mo ay galing pa sa ibang bansa."

"Tumahimik ka Ginang o puputulin ko ang iyong dila" May diin na saad nito sa ginang

"Hahahahaha hindi mo magagawa iyan binibini. Dahil alam ko kung saan matatagpuan ang hinahanap mong lugar." Saad ng matanda.

"Ano Ang ibig mong sabihin?" Tanong nya dito.

"Ikaw mismo ang makakaalam ng sagot sa iyong katanungan."

Tinutok nya dito ang espada na hawak dahilan para magkaron ng sugat ang leeg ng matanda.

"Kailangan mong sabihin sakin kung saan ko matatagpuan ang lugar na iyon"

"Hindi iyon makikita ng buhay na tao na katulad mo. Tanging sila lang ang makakakita at makakapunta roon dahil para lamang iyon sa mga patay." saad ng matanda na pinalilibot ang tingin sa buong paligid.

Hotel Del RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon