Chapter 1 : His Birthday Gift

40 10 0
                                    

Year 2000

First Person POV

May mag-amang na tinitignan ang magandang tanawin sa taal volcano. Tila napaka ganda nito tuwing gabi.

"Pasensya ka na anak, Hindi man lang kita mabilhan ng regalo sa iyong kaarawan." Saad ng kanyang ama.

"Ayos lang po iyon sakin Papa. Ang mahalaga po ay magkasama tayo ngayong birthday ko" masiglang sabi ng kanyang nag-iisang anak na lalaki.

Umupo sila sa isang upuan. Maya-maya ay nahulog ng isang babae ang kanyang wallet. Dahan-Dahan naman ito kinuha ng kanyang ama.

"Pa!"

"Pwede na natin tong ipambili ng pagkain mo ngayong kaarawan mo"sagot ng ama sa kanya

"Pero Papa hindi po atin yang pera. Masama po ang kumuha ng hindi atin diba. "

"Pero anak--"

"Kahit isang bulaklak lang ay ayos na sakin Pa. "

"Kian"

Akin na po yan at ibabalik ko sa May-Ari" Saad ng bata at ibinalik ito sa babaeng nakahulog nito. Maya-Maya ay may lumapit sa kanilang isang ale.

"Napakabait mo namang bata. Gusto mo ba ito? "saad ng isang ale na nagtitinda ng mga bulaklak.

"Pasensya kayo pero Hindi po namin yan kailangan" singit ng kanyang ama.

"Napaka mura lamang nito" saad ng matanda.

"Umalis na kayo. Hindi kami bibili" sabi ng kanyang ama.

Umalis na ang Matanda at maya-maya ay umuwi na rin sila. Magnanakaw ang trabaho ng kanyang Ama, Ang pagnanakaw ng mga gamit ang bumuhay sa kanila ng kanyang nag-iisang anak na si kian.

Habang nasa bahay ang kanyang anak ay Umalis sya at nagnakaw sa isang convience store. Ngunit sa kasamaang palad ay nakita sya ng mga pulis at hinabol.

Tumakbo sya ng mabilis at dahil sa pagmamadali ay aksidente syang nahulog sa hagdanan ng isang overpass. Nabagok ang kanyang ulo dahil sa lakas ng impact ng kanyang pagbagsak.

"Muntikan na ako dun ah" sabi nya sabay kinuha ang kaunting pera na nanakaw nya sa convience store.

Narinig nya ang pito ng pulis na humahabol sa kanya kaya agad syang tumakbo paalis dun.

Nakita nya ang Isang hotel kaya pumasok sya doon para hindi sya makita ng pulis na humahabol sa kanya.

Hotel na parang spanish era ang dating. May nakalagay din na sign na 'Hotel Del Royal' at isang medium size na pinto.

"May bayad kaya dito? Hay! bahala na"

Wala ang receptionist kaya agad syang pumunta sa elevator. Tumigil ang elevator sa floor 23.

"Wow" saad nya sa sarili

Naglibot libot sya sa buong lugar hanggang sa mapatigil sya at  mapaupo sa isang pang-isahan na sofa. May Isang babae din dun na basang-basa ang buong katawan.

'Naligo kaya ito? Bakit kaya basang-basa sya?'

"Mahal ba ang bayad dito?" Tanong nya sa babae.

"Hindi ko alam. Ngayon pa lang ako nakapunta sa lugar na ito"saad nito

-----------

Luna POV

"Miss Nandito na ang wine na gusto nyo"

"Ilapag mo na lang dyan. And One more thing wag muna kayong tumanggap ng bisita ngayon.Understood?"

Hotel Del RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon