[CZARINA’S POV]
“pakikamot nga iyong likod ko Cza, ang kati eh. Gamitin mo tong kamay na kahoy, baka gasgasan mo kasi ang makinis at magandang balat ko.” Tapos ibinibigay niya sa akin iyong pangkamot na sinasabi niya.
Naningkit ang mata ko. This is too much. Sumosobra na siya sa pang-aalila sa akin. Hindi na makatarungan ang pinaggagagawa niya hah. Ansama ng ugali ng prinsipeng ‘to.
“Ayoko!” tumayo ako mula sa pagkakaupo. Andito kami, as usual, sa rooftop, nakaupo siya patalikod sa akin dahil nagpapakamot nga siya ng likod sa akin. “At pwede ba, wala nga tayong kapalan ng mukha dito, baka gusto mong ipukpok ko sayo yang pangkamot mo.” Dugtong ko pa sa sinasabi ko at inirapan siya. Umagang umaga, umiinit ang ulo ko.
Ang aga nya akong alilain, pinapasok ako ng maaga para lang pabilihin ng umagahan at papuntahin dito, tapos, ngayon, papagkamutin niya ako ng likod niya. >_______<
“Oy, ganyan ka na namang magsalita sa akin hah. Baka nakakalimutan mo---”
“Damn you!” tapos pagalit kong kinuha iyong pangkamot, umupo sa may likudan niya at ikinuskos ng madiin sa likod niya.
“Aray naman! Dahan dahan. Saka teka lang, paano mo makakamot ng mabuti yan kung may damit ako?” sabi niya habang pinipigilan ako sa ginagawa kong pagkakamot sa peste nyang likod.
=_=?? “maghuhubad ka?” tanong ko sa kanya habang kunot na kunot ang noo ko.
“Excited? Teka lang.” Nakangising sagot niya sa akin.
Ipinukpok ko yung pangkamot na hawak ko sa ulo niya.
“ARAY!” reklamo niya.
“ang kapal hah. Excited your face, para namang may makikita akong maganda kapag naghubad ka. At teka nga, eskandalo yang gagawin mo, maghuhubad ka, nandito ako, pervert ka din eh no?”
“OA lang Cza.”
“Czarina. Wag mo kong tawaging Cza, hindi tayo close.”
Sa gulat ko, bigla siyang dumikit sa akin. As in sobrang dikit. Yu-yung tipong, 1inch nlang ang pagitan ng mga mukha namin. Nanlaki ang mga mata ko. >/////////<
“A-ano-anong---”
“oh ayan hah, close na tayo. CZA!” titig na titig siya sa mga mata ko tapos ngumiti siya, at umisod na paatras, kinuha na niya iyong pangkamot at tumayo na.
“akin na nga, niloloko lang kita, ayoko ngang ipakita sayo katawan ko, mawili ka pa, rape-in mo ko dito. Hahahahaha”
BINABASA MO ANG
She's Dating The Crown Prince!!~
Teen Fiction"I'm willing to take off my crown and step down from my throne, just please stay by my side and be with me forever. I love you Czai" -- Prince Kaizer Lee.