hindi ko alam kung tama ba tong pinaggagagawa ko. aaah. basta, kaya ko tong lusutan, para saan pa't naging 'writer-kuno' ako hindi ba? hehehehe.
warning: magulo po ito. promise. lame to. nyahahaha
Everyone, Yes. Tama kayo ng hula. ito ay isa sa Favorite kong story, bakit? Find out soon :))
VOTE.LIKE.POSTC COMMENTS.
-sassyabhie05
******************************************************************************
[CZARINA’S POV]
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, kulay puti. Kulay puting kisame ang nabungaran ng mga mata ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko. Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid, walang tao. Dumako ang mata ko sa may kamay ko, may dextrose na nakakabit sa akin. “Nasa Ospital ako... pero bakit ako nandito?”
Tatanggalin ko na dapat ang nakakabit sa aking dextrose ng biglang bumukas ang pintuan. Nagulat ako sa pumasok sa silid ko na ito.
“Mi-Mirko? B-bakit? B-bakit ka nandito?” nag-kakandautal-utal ako sa pagsasalita habang nasa harap ko siya. Hindi niyo ako masisisi, alam naman nating lahat na gustong gusto ko si Mirko at isang napakalaking himala ang Makita ko siyang nandito sa silid ko.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin bago sumagot, “B-bumili lang ako ng makakain, sabi kasi ni Carmela Lu, ayaw mo daw ng mga pagkain dito.” Carmela Lu?? =_= anong karumaldumal na naman ang ginawa ni Carmela Lu, wag niyang sabihing inilaglag niya na ako kay Mirko? Anak ng teteng naman oo, humanda talaga sa akin iyang bruhildang iyan, gaganutin ko ang buhok niya makalabas lang ako dito.
“A-ah. Maraming salamat hah, pero ano bang ginagawa ko dito?” clueless na tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at saka tumingin sa akin, weird. Well, alam ko na yon, alam ko na na weird si Mirko, eeeeh?? Bakit ganun siya makatingin sakin? At higit sa lahat, BAKIT SIYA NANDITO? “May sakit ba ako?” hirit ko ulit na tanong sa kanya, sinipat ko ang sarili kong noo. Wala naman eh? Normal naman ako. Ay? Teka? Hindi kaya nananaginip lang ako? Kinurot ko ang sarili ko. “Awww.” Hindi nga panaginip to =_= nasa hospital nga ako at nasa harap ko nga si Mirko. Hahahaha, sa isang banda, kung ano mang kadahilanan at bakit kami nandito, dapat siguro ay magpasalamat ako, dahil andito ngayon si Mirko at kasama ko.
“Hindi mo talaga naaalala?” nabaling ang atensyon ko sa kanya, bakas sa mukha niya ang pagtataka.
“Ano ba kasing dapat kong----” napatigil ako sa pagsasalita ng parang biglang may mga eksenang nagbalik sa isipan ko.
“Hala ka Czarina, patay na ata si Prince, panigurado papatawan ka ng death penalty ng Hanguk Empire, Lagot ka! Pinatay mo Prinsipe nila.”
[“Czarina, anong ginawa mo?? Kasalanan mo to... kasalanan mo...”]
“K-kaizer...”
[“Mommy...”]
. “Kaizer?? Bakit hindi ka nahinga?”
[“Mommy? Mommy? Open your eyes Mommy, open your eyes please...”]
“nagbibeat pa naman yung pulso mo.”
[“Check her pulse, her vital signs...”]
“Oh? Natibok pa naman puso mo. Bakit hindi ka na nahinga??”
BINABASA MO ANG
She's Dating The Crown Prince!!~
Teen Fiction"I'm willing to take off my crown and step down from my throne, just please stay by my side and be with me forever. I love you Czai" -- Prince Kaizer Lee.