ZUKIRO'S P.O.V.
" I'm on my way, dre. OTW na ako papuntang school. " I'm driving right now habang kausap si Gax sa kabilang linya. Habang kausap siya ay naka-focus parin ako sa pagda-drive.
( Again? )
" Huwag kang mag-alala, dre. Last na to. Promise. " sabi ko sa kanya and I heard him chukle. " Ilang beses mo na yang sinabi pero walang natutupad. Tss. " inis niyang tugon at napatawa naman ako.
( Alam mo ba kung ano ang tawag sayo, dre? ) Anong trip na naman kaya ito? Hay.....
" Ano? " seryosong tanong ko para naman sa tingin niya naiinis ako. Oh diba? Hehe.
( Isang pawikang pagong na suso! Bwahahaha! ) tugon niya at tumawa siya ng malakas yung nakakabingi, alam mo yon? Yung halos mabasag na yung eardrums mo sa speaker niyang bunganga. Whew! Nice, nice.
" Ha-ha-ha! Funny but.....corny. Bwahahaha! Eh ikaw, alam mo ba kung ano ang dapat na itawag sayo? " pigil tawang sabi ko.
( What? ) Oh? Ba't parang naiinis? Huhuhu!
" Isang madaldal na pandak na kung tawagin ay minion! Bwahahahaha! " tugon ko na nasamahan pa ng malakas na tawa! Napayuko pa ako sa napakalakas kong tawa and the hell! Hindi ko na control yung manibela at bigla ko itong pinatigil nang may nakita akong babae na naglakad na muntikan kong masagasaan. Sh*t!
( Dre? What happened? ) hindi ko na sinagot yung katanungnang iyon and I hunged up. Agad akong bumaba ng kotse at pinagsabihan yung babae. Pagkababa ko ay nakita ko siya na nakatayo lang at nakatingin sa akin.
" Anong itinitingin mo dyan!? " inis na tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin. " Bingi ka ba miss!? " dagdag ko pa at bigla siyang bumagsak buti nalang nasalo ko siya. " Miss? Miss? " ginalaw-galaw ko ang mukha niya pero di parin siya nagkaroon ng malay. A-ano bang ginawa ko!? Hayst! Narinig ko namang nag-ring yung cellphone ko. Binuhat ko yung babae at ipinasok siya sa kotse at pinahiga sa passenger seat.
Gax calling........
" Hello? "
( Anong nangyari sayo? Ba't mo binaba yung linya? )
"Dre, huwag muna ngayon. " I answered then I hunged up. The hell! First day of discussion pa naman ngayon. Nakakainis! Nag-drive ako papuntang ZISH o Zhang International School Hospital.