Inis ko siyang tiningnan.
“ Huy dre, kanina pa kita kinakausap. ” natinag naman ako ng biglang hinawi ni Gax ang titigan namin ng babaeng iyon. Alam kong may sinasabi siya pero walang pumapasok sa utak ko.
“ H-huh? ”
“ Lutang ka ata? At...sino naman yang tinitingnan mo? ” sabi nito na napatingin din sa tinitingnan ko. Umiwas naman ako ng tingin. “ Yon ba? ” turo ni Gax don sa babaeng muntik kong masagasaan.
“ A-ano? ” tanging naiusal ko.
“ Anong ano? Tinatanong ko kung yon yung tinitingnan mo. ” seryosong sabat nito na itinuro pa ulit yung babae. “ H-hindi. ” tugon ko.
“ Anong hindi? Eh don ka nakatingin eh? Pero, ang ganda niya no? Dre? ”
“ A-ah oo! ” nabigla ako sa isinagot ko. Anong oo? Hayst! Bobo ka talaga Lanzukiro! “ Eh di umamin din! ” nakangiting sabi nito.
“ Tumigil ka nga! Nabigla lang ako, okay? ” inis na sabi ko na napahawak pa sa balikat niya.
“ At isa pa dre, yan yung babaeng tinakasan ako at yan yung babaeng nang-uto don sa doctor. Tss. ” dagdag ko pa at nanlaki naman ang mga mata niya.
“ Really!? ”
“ Oo! ” mahinang tugon ko na tinapik pa ang balikat niya.
“ Ang ganda niya talaga, dre. Tama ka nga. Hehe. ” Sabing wala akong sinabing ‘MAGANDA ’ siya! Wala, wala, wala!
“ Mr. Wu and Mr. Kang, why are you blocking the way? ” napalingon kaming dalawa ni Gax sa likuran namin at nakita namin si Miss Yool na taas kilay na nakatingin sa amin. Sh*t! Nakaharang pala kami sa pintuan! Agad naman kaming umalis sa lugar na iyon at magsiupo sa sari-sarili naming upuan. Malapit lang sa akin si Yokai mga tatlong hakbang lang. Nasa mismong gilid siya katabi si Blue.
“ Okay class, so, lahat tayo ay pupunta sa taekwondo club. Be ready sa taekwondo shirts ninyo dahil mag-eensayo tayo ngayon. ” paliwanag ni Miss Yool. Yeah! That's what I like! This is my favourite time, ang mag-taekwondo. Alam mo bang wala pang nakakatalo sa akin sa taekwondo? Lahat ng nakakalaban ko ay tumba! A hu! Nice diba?
