Yokai!?
Ba't siya pumasok? Diba may sakit siya? Eh bakit naman ako concern!? Ano bang pake ko sa kanya!? Tsk!
“ Oh? Miss Greenwell? Bakit ka pa pumasok? ” takang tanong ni Tito na napatingin pa sa right leg ni Yokai. “ K-kaya ko naman po Mister Zou. ” tugon niya. Nang nakita ko siyang naglakad papasok ng room ay pilay-pilay siyang naglakad. Nanlaki ang mga mata namin at napanganga kaming lahat nang bigla siyang na out of balance. Pero mas nabigla ako nang may biglang humawak sa braso niya dahilan para di siya matumba. Tumingin ako sa mismong mukha ng lalaki at nakita ko si Jazz na wala paring pagbabago, still handsome and hot. Like me. Hehe.
“ Okay ka lang? Let me help you. ” Pati boses wala ding pinagbago. Inangat naman ni Yokai ang tingin kay Jazz. “ Saan ba table mo? ” nakangiting tanong pa ni Jazz sa kanya at itinuro niya naman yung table na kinaroroonan ni Blue.
“ Ah? Katabi mo si Blue? ” tango-tangong dagdag pa ni Jazz na nakangiti paring tinitingnan si Yokai. “ Ne. (Yes) ” tugon ni Yokai. Hinatid naman ni Jazz si Yokai sa table nila Blue. Feeling close!
“ Thank you. ” — Yokai. Nginitian lang siya ni Jazz. Pumunta naman si Jazz sa tabi ni Tito.
“ Okay class, siya si Mickojazz Nhaves. I think kilala nyo na siya dahil dito siya nag-aral last year. Na-late lang siya ng pasok dahil delayed ang flight nila. ” pagpapaliwanag ni Tito.
“ He looks handsome talaga. ” sabi ng isa naming kaklaseng babae. “ Oo nga, at gentleman pa. ” dagdag ng isa.
“ Hi guys! ” bati niya sa amin sabay kaway sa aming lahat.
“ Ahm, Mister Nhaves doon ka na sa tabi ni Miss Chua. ” sabi ni tito sabay turo sa table na uupuan niya. Nag-bow naman si Jazz bilang pagtugon. Naglakad naman si Jazz papunta doon. Nginitian niya naman ako at ngumiti naman ako pabalik.
“ Okay class, let's start. ” Nag-umpisang nagturo si Tito about sa solving equation. Nagsusulat naman ako ng techniques kung pano mag solve. Napatigil naman ako nang bigla akong sinipa ni Gax mula sa likuran. Salubong ang mga kilay na tiningnan ko siya.
“ Ano? ” mahinang tanong ko.
“ Concern ka kay Ranz no? ”
“ A-ano!? Tanga ka ba!? ” Talagang nakakainis tong si Gax. Ang sarap ihampas sa pader!
“ Tss. Huwag mo nang ipagkaila Dre. Kung makatingin ka kanina sa kanya, kulang nalang umiyak ka ng dugo. ” Nang-iinis ba siya!? O gusto niya akong patayin? Tsk!
