Pagmulat ng mata ko ay agad akong bumangon para maghanda sa pagpasok sa school.
Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga......
Habang tumatagal mas nagiging nakakatamad ang buhay.....ganito ako araw-araw ,pinipilit gawin ang mga bagay na hindi ko naman alam kung bakit patuloy ko pang ginagawa.
Pumapasok ako sa school,para saan?para kanino? Hindi ko rin alam...Wala na akong parents,wala naman akong kapatid o kaibigan manlang......
FLASHBACK........
"Neli bakit kailangan mong umalis?Wag mo naman kaming iwan..."pagmamakaawa ni papa pero patuloy ang paglalakad ni mama patungo saa taxing nakaparada sa harap ng gate namin...
"Kailangan kong magtrabaho dahil hindi mo kayang suportahan kami ng anak mo..."sabi ni mama bago pumasok sa taxi......
Tumutulo ang luha ko habang pinapanood si papa na nagmamakaawa at ang taxi na palayo.Nagtatago ako sa likod ng pinto.Walang lakas ng loob na patahanin si papa o habulin manlang si mama.........
Mula noon nagbago ang lahat.Naging lasinggero si papa,pabaya.Araw-araw nya akong pinapagalitan .Hindi ko alam kung bakit pero ako ang sinisisi nya sa pang-iiwan ni mama...
Lagi na syang nasasangkot sa gulo hanggang isang araw............
Umuwi si papa ng lasing at dumeretso sa kwarto nya.Nakita kong kinuha nya ang baril sa loob cabinet nya .Kinabahan ako kaya sinundan ko sya...
-----------
Nagtago ako sa poste habang pinapanood syang lumapit sa isang lalaki...
Tinawag nya ito at saka binaril.....
BANG!
Dumagundong sa pandinig ko ang putok ng baril......Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagbagsak nung lalaki sa lupa........
Bakit papa?Yun ang malaking tanong na nasa isip ko.Pano nya nagawang pumatay?
Sumaklolo ang ilang kalalakihan at pinagtulungan nilang hulihin ang papa ko...
Nakulong si papa...........
"Papa...."lumuluha ako habang pinagmamasdan ang kaawa-awang kalagayan nya sa loob ng kulungan.
"Lumayas ka sa harap ko!Ikaw ang salot sa buhay ko!"parang halimaw ang expresion nya habang pinagtatabuyan ako......
----------
Isang araw natagpuan ng mga kasama nya sa selda si papa na duguan sa banyo at wala nang buhay..
Sa isang iglap nawala sa akin ang lahat.....masayang pamilya.......maging mga kaibigan ko ay lumayo .Anak ng kriminal.........yun ang naging tawag sakin ng karamihan,pinanginilagan at nilalayuan...
Ano bang nagawa ko sa mundo?Naging masama ba akong tao?Bakit nangyayari sakin ang lahat ng kamalasang ito?
END OF FLASHBACK....
Di ko napansin na umiiyak na pala ako.......
---------------
Hindi ko alam kung bakit ba ipinagpapatuloy ko pa ang buhay .Ang totoo gusto ko nang mawala.Ilang beses ko nang sinubukang magpakamatay pero sadyang galit yata talaga sakin ang tadhana dahil isa man dun ay walang nagsuccess.........Gusto yata talaga akong pahirapan ng mas matagal...........
PEEEEEEEPPPPPP!!!!!!!!!!!Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang busina ng isan kotse.....
Naging mabilis ang mga pangyayari.
Sa isang iglap ay nagdilim ang lahat............
~~~~
Pasensya na masyado yatang madrama........but don't worry it is still the first chapter........
ResurrectedPrincess...........