Title: My Missing Husband
Author: Kryptolight
Genre: Romance-Drama
Wattpad Link:
REPLY BOX POLICY
T E A S E R
"Gusto ko nang bumalik ka" sambit ko habang hinahaplos ang nagiisang bagay na nagpapaalala sakin sa asawa ko, Ang singsing namin.Hindi ko alam kung ilang taon na ang lumipas pero hindi ko magawang kalimutan nalang nang ganon ganon lang ang asawa ko kahit pa ba apat na araw palang kaming kasal noon.
Hindi ko nagawang masabi sa kaniya na mahal ko siya dahil hindi naman pagmamahal ang nararamdaman ko noon.
Naiinis ako sa tuwing nakikita niya ako ay parang bato lang ako na nakaharang sa daan niya na kailangang tumabi. Hindi ko naman ginusto ang kasal na'to noon.
Pero kung alam ko lang na ganito na lang ang mararamdaman ko'ng pagka- miserable nung nawala siya, sana nilubos lubos ko na.
"Ang lalim yata nang iniisip mo" Nilingon ko ang ka-trabaho kong si Dr. Gallego.
Iniabot niya sa'kin ang bote nang tubig na hawak niya.
"Ikaw pala." Pagkatapos ko yung inuman, sinagot ko ang tanong niya.
" May iniisip lang, Ikaw,Bakit nandito ka?"
Sumimsim na rin ito nang tubig at tumingin nang diretso sa mata ko na parang nagtatanong.
"Siya pa rin ba?"
" Sino'ng siya parin?
"Huwag ka nang magsinungaling sakin. Nagkakaganyan ka lang naman kapag naiisip mo siya.. Yung asawa mo."
Kahit ayokong pagusapan kailangan ko parin namang sagutin ang tanong niya. Ayokong maging bastos sa harapan niya.
"Walang araw naman na hindi ko siya naisip. Palagi siyang laman nang isip ko. Naging masama ba akong asawa kaya iniwan niya 'ko?" Tanong ko sa kaniya.
Hindi ko talaga alam ang sagot at gusto ko nang kumalma. Kahit alam kong hindi namn na 'yon masasagot.
"Hindi ka masamang asawa,I guess. Mabait ka sa'kin at sa mga ka-trabaho natin. Sa tingin ko isa kang mabuting asawa." Ngumiti siya na parang sigurado siya sa sagot niya.
Nasundan pa ulit yun nang isa pa niyang tanong.
"Mahal mo ba talaga siya? Ayaw mo ba siyang palitan. I mean sabi mo ilang araw lang kayong kinasal. Siguro hindi pa naman ganon kalalim ang pagmamahal mo sa kaniya."
Tumayo ako at hinarap siya. Kailangan ko nang bumalik sa loob nang hospital dahil marami pa akong pasyente na nakaabang.
"Mahal ko siya. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal. "
May pinalidad na sambit ko habang paunti unti nang lumalayo sa kaniya.
"Pero iniwan ka niya Jazz"
pagbalik ko nang tingin ay nakatayo na rin ito at nasa bulsa na nang kanyang damit pangdoktor ang kanyang mga braso.
"Hindi niya 'ko iniwan --"
"Oo nga pala. Kinalimutan ka pala niya."
Nilagpasan niya ako na para bang wala lang sa kaniya ang sinabi niya. Na parang hindi ako nainsulto sa sinabi niya kani kanina lang.
Sumabay nakong lumakad sa kanya. Habang naglalakad nagtanong siya ulit para putulin ang katahimikan. Sana 'wag niya na lang ungkatin pa. Kinabig niya ako sa aking braso kaya napahinto ako.
"Kung mahal ka niya bakit ka niya kakalimutan? "
Parang may bahid nang galit at pagsusumamo ang tinig niya. Pero hinarap ko siya, inalis ang kamay niya sa braso ko at tiningnan nang diretso sa mata.
" Bakit mo nga ba ako kinalimutan?"
Tuluyan na'kong lumayo sa kinaroroonan niya at tumungo agad sa opisina ko. Dapat hindi ko na sinabi yon e.
Ako si Hyadi Jazz Fuenco-Gallego at siya si Krien Izzi Gallego.
Ang aking Missing husband.
A/N: Sana maapruba po itong istorya na ito. Icomment niyo po ang reaksyon niyo.
YOU ARE READING
Independent Series
RomanceCasts: Colt Taber Monreal & Noomi Cloe Villaven | Show me how | Theodore Emmeron Cullen & Cattleya Sollete Ortaleza | Mandatory Marriage | Lukas Niego Selledy & Psalm Castel Bienna | Second Time Around | Heuke Kylle Buenadien & Philadelpia Swed...