Prologue

0 0 0
                                    


P R O L O G U E

Flashback
Rinig sa buong bahay ang mga tawanan at kantyaw sa amin nang mga kapamilya niya.

Sanay na silang lagi kaming asarin dahil ako lang 'raw ang ipinakilala nang anak nila sa kanila.

Itinuturing nila akong parang pamilya na nila at parang anak na kahit na hindi pa kami kasal. Bata pa kasi kami noong mga panahon na 'yon.

"Papaano mo ba nakilala 'tong pamangkin ko ha? Nagwapuhan kaba?" Tanong ni tito habang natatawa tawa pa.

Tiningnan ko ang kasintahan ko na ngayon ay namumula mula na ang tenga at pisngi sa hiya.

"Opo. Attractive po kasi siya masiyado." Sagot ko.

Sa kabilang banda nakita kong tumitig siya sa akin na parang hindi niya ini-expect ang magiging sagot ko. Pasaglit kong pinisil ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko para senyasan na ayos lang.

Pagkatapos nang sagot ko ay nas lalong naghiyawan ang nga tao roon at mas lalo pa kaming tinudyo.

"Ilang taon na ba kayong magkasintahan. Baka naman panandalian lang 'yang pagmamahal na 'yan, Hindi uso sa pamilya namin ang 'di pakakasalan ang ipinapakilalang babae sa pamilya." Mahabang sabi nang nanay niya.

"Matagal na kami, Ma. Dalawang taon na kaming magkasintahan." Tumitig siya sa'kin at muling ibinalik ang tingin sa nanay niya.

" At wala na akong balak pakawalan pa siya, Ma. Ang hirap atang manligaw nang isang taon." Mahabang pagpapaliwanag niya sa kaniyang ina.

"Edi kasalan na!" Bulyaw nang mga tao saming dalawa

Pinakatitigan niya ako at nginitian.

"Narinig mo? Kailangan na 'raw kitang pakasalan" natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi kana makakawala,Mal. Magiging Future Mrs. Selerio kana."

"Oo. Payag naman ako. Hindi mo'ko kailangang palaging paalalahanan. Pakakasalan kita kahit saang simbahan pa 'yan."
Hinalikan niya ako sa noo nang dalawang beses.

"Gusto ko sa Molo church tayo magpakasal. Ipapaalam ko sa lahat nang Ilonggo na may asawa na 'ko"

"At para sa lahat nang naghahabol sa 'kin, Sorry nalang sila no? Mahal na mahal kita e." Dagdag niya pa.

Nang nakita niyang wala akong reaksyon ay biglang lumukot ang mukha niya.

"Uy magsalita ka naman. Hindi mo na ba ako mahal?"

Sa loob loob ko gusto ko nang humagalpak nang tawa sa sinabi niya. Kahit na ginawa ko na siyang lalaki, mayroong side parin talaga sa kaniya ang bakla.

At dahil mas naniniwala ako sa "Action speak louder than words." Hinatak ko siya at pinupog nang napakaraming halik ang labi niya.
At sa panghuli yun na ang pinakamatagal.

Pinalalim niya 'yon at mas pinahigpit ang paghawak sa bewang ko.

Kung iniisip niyo na malakas ang loob naming gawin 'to sa harap nang pamilya niya. Mali kayo.

Nasa labas na kami nang dalampasigan.

Nauna siyang bumitaw sa halikang 'yon dahil narin siguro sa kailangan niya nang huminga. Ngunit dinadaplis daplisan niya parin ako nang mga light feathered kisses.

"Alam ko'ng hindi kapa handa kaya maghihintay ako, Mal. Mahal na mahal kita Mallory. Mahal na mahal na mahal."

"Mahal na mahal din kita, Drecko. Kaya nga kita pakakasalan 'di 'ba?"
Niyakap niya at ikinulong sa bisig niya.

"Oo, at gagawa tayo nang maraming anak."Siniko ko naman siya.

"Aray ko naman, Biro lang. Alaala kasi yun dapat." Sipat niya at muli akong pinupog nang halik.

Nung mga panahon 'yon. Ayoko nang matapos ang eksenang 'yon. Dahil yun na ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

F L A S H B A C K E N D
——————————————————
Nagising akong may luhang pumatak sa kanan kong pisngi. Ang sarap balikan nang mga alaalang 'yon. Dahil bukod sa 'pinakagusto kong alaala 'yon. Yon din ang pinakamasakit.

Pagbaba ko nang eroplano sa lugar na pangarap kong puntahan,Ang IloIlo. Dito kami nangarap nang magiging buhay sana namin noon. Na ngayon, wala na.

Paglabas ko sa airport ay nakita ko na ang susundo sa 'kin. May nakalagay na plaka na may nakasulat na...

'Malleeeeeeeeng! We miss you!
~Ilonggos'

Doon palang ay alam ko 'na na yun ang sundo ko. Ang kaibigan kolang naman ang ganon magsulat e.

Pagkatapat na pagkatapat ko sa pwesto nila ay niyakap nila ako nang mahigpit at pinalo palo.

"Walang'ya kang babae ka. Kung 'di pa ako active sa instagram. 'Di ko malalamang uuwi kana pala!" Sabi nito habang may papalo palo pa.

"Ayoko naman kasing istorbohin pa kayo. May mga asawa na kaya kayo."

Niyakap ko na lang ang kaibigan namin ni Drecko noon. Na hanggang ngayon kahit na naghiwalay na kami ay kaibigan pa rin ang turing sakin.

"Kumalma kana, Thasia. Masama 'yan para sa baby mo. Gusto mo bang maging masokista siya?"

" Tigilan mo ko, Maleng ha. May atraso kapa sa'kin. Nangako ka na pag uuwi ka. Ako ang una mong sasabihan e."

"Oo na. Ililibre ko nalang kayo nang magiging inaanak ko ha? Okay ba?" Sabi ko.

"Sige na nga. Nagutom ako papunta rito e." Hindi parin siya nagbabago. Palagi pa rin siyang gutom.

Habang nasa restaurant kami nagkausap kami kung sino ang tatay nang anak niya at marami pang bagay bagay.

"Tigilan mo na ang pagpapaligoy ligoy. Tinatanong kita kung may asawa ka na rin ba?"

Sumimsim muna ako nang tubig at sinagot na siya.

"Wala pa nga. Ang kulit mong buntis ka a."

"Bakit wala pa? Atsaka. Pagkatapos nang 3 taon bakit ngayon kalang bumalik? Andami dami nang nagbago rito."

"Alam ko naman 'yon. Wala naman akong balak magtagal. Babalik rin ako sa manila pagtapos kong tuparin yung pangako ko.

"O siya siya. Tapusin na natin to. Andami mong inorder e." Sabi pa niya.

"Saan kana nakatira ngayon?" Tanong ko. Antagal konang nawala rito e.

"Sa asawa ko na. Pero dito parin. Susunduin niya na 'raw tayo.. Nagtext na siya."

Maya maya pa ay may nakita na nga akong lalaki na papasok nang resto. Maitsura din naman.

"Good noon. Kaibigan ako nang asawa mo."

"Ah ganon ba, Ako si Sev. Nice to meet you. Tara na sa kotse."

Sinundan ko sila papuntang kotse at sumakay na. Habang nasa byahe sobrang tahimik nang lahat.

Nakarating na kami sa bahay nila at paglabas ko sa kotse. Tumambad sakin ang nagmamaneho nang kotse.

Ang lalaking mahal na mahal ko pa rin hanggang ngayon.

"Drecko.."

A/N: Please Understand na Estudiyante ako at minsan lang mag UD.

By chanceWhere stories live. Discover now