Chapter 3

0 0 0
                                    

I hope you are enjoying reading this. Lovelots!

"We have to talk about something important."

Okay here it comes,Akala mo naman talaga seryoso. Wala naman ibang gagawin kundi manumbat nang manumbat.

"Tungkol saan naman?"

Bumuntong hininga ito at naupo na rin sa silyang hindi gaanong kalayuan sakin.

"Narinig ko kayo. Ano ba talagang plano mo?"

"Plano? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na aalis rin ako rito kung 'yon ang pinoproblema mo. Hindi mo na ako kailangan na sumbatan pa rito."

Nakita ko kung paano nag iba nalang nang bigla ang reaksyon nang mukha niya. Mas lalong tumalim at parang kaya na niya akong saktan.

"Hindi ko gusto ang tono nang pananalita mo at hindi ko gustong masaktan ang lola ko kaya umalis kana. Bukod doon ayoko rin naman na nandito ka kasama ko sa iisang bahay."

Aray. parang may biglang kumurot sa puso ko. Napakasama na nang pagtrato niya sa'kin. Pakiramdam ko parang ako pa ang may kasalanan na nandito ako.

Magsasalita na sana ako nang bigla nalang may kumatok sa pintuan. Mula doon, nakita kong sumilip si lilo sa pinto.

"Ah tito.." Tumingin ito sa akin nang pasaglit na parang nagaalangan ituloy ang sasabihin. Anong meron?

"Si Ate Veron nandito sa sala. kakausapin ka daw po tungkol sa nangyari kagabi."

Okaaay. Wala akong alam sa nangyari kagabi. At sino si Veron? May kapalit na ba ako kaagad?

Tumango siya at walang paapaalam na lumabas nang kwarto at linabas kung sino man ang taong nagaantay sa kaniya na Veron ang pangalan.

Hindi naman sa pagiging chismosa pero binitbit ako nang paa ko sa harapan nang pinto at unti unting sumilip sa siwang sa pinto para malaman kung ano ang nangyayari.

Kitang kita ko kung papaano humawak si Drecko sa babaeng katabi niya. Pero hindi ko makita yung mukha e. Puro katawan lang makita ko.

Sinubukan kong lumabas nang kwarto nang wala man lang ginagawang ingay para hindi nila ako mapansin.

Paglabas ko, tumambad sa'kin ang babaeng 'yon. Anong ginagawa niya rito.

"Maleng?" Halos sumabog ang puso ko sa kaba nang may marinig akong boses na nangangahulugan lang na may nakakita sa akin rito sa labas.

Kahit na anong tago ang ginawa ko nahuli pa rin ako. Dahan dahan akong humarap at sumalubong sa akin ang tatay niya.

"Ikaw nga ba talaga yan? Kailan ka pa bumalik at papaanong andito ka?"

Naghahagilap palang ako nang sasabihin at itinatago ang kamay konh nanginginig sa takot nang sumingit si Drecko nang pagsasalita.

"Aalis din daw siya, magiimpake na nga 'yan mamaya." Sagot nito na walang kabuhay buhay.

Tiningnan ako ni tito na parang nangungumpirma kung totoo ba talaga ang sinabi ng anak nito ngayon ngayon lang.

"O-opo. Paalis na nga po ako kaya lang kasi napansin ko po na dumating. Kayo lang po pala."

Hinawakan ako nito sa braso at ginalaw yun na parang pinapakalma ako.

"Hindi lang naman ako ang dumating. Narito rin ang nobya ni Drecko na si Veronica."

Nagpanting ang tenga ko at parang bumalik lahat nang sakit sakin nang marinig ko ang sinabi ni tito. Parang ambigat bigat nang mata ko at parang may naiipon doon na luha na hindi ko magawang ibagsak. Hindi ko alam kung saan ako kukuha nang lakas para tanggapin yung mga bagay na karirinig ko lang.

Kaya pala pinapaalis na niya ako at gustong gusto niya na akong mawala kasi may nobya na siya. Hindi ko naman kasi kasalanan na andito ako e. Wala naman akong balak mag stay rito. Bakit kailangan ngayon ko lahat to malaman nang sabay sabay!

"Tito sino po yang kausap niyo?"

Hindi pa ako nakakabawi sa nararamdaman ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Kilala ko 'yon. Pero impossible.

Humarap ako at nakita ko yung babaeng naging rason nang pagalis ko. Mukha man na nagulat, mabilis niyang pinawi 'yon sa mata niya at nginitian ako nang napakaplastik na ngiti.

Please don't tell me na siya ang pumalit sa'kin. Parang awa mo na lord wag naman.

"Maleng. Ito nga pala si Veronica, Nobya ni Drecko."

Pagpapakilala ni tito sa babaeng ito na nasa harap ko. Paanong hindi ko siya makikilala. Tandang tanda ko ang mukha niya. Hinding hindi ko yan makakalimutan.

"Veron. Ito naman si Maleng. Dating nobya nang nobyo mo."

Ngumiti ito sa akin at nag offer nang kamay. Ano bang palabas 'to?

"It's nice meeting the woman that I need to give thanks kasi kung hindi dahil sa'yo. Hindi mapupunta si Drecko sa akin. Thank you"

Gayunpaman hindi ko tinanggap ang inaalok niyang kamay. Nakakadiri 'yon tingnan. Hayop siya.

Nang mapansin nito na wala akong balak na tanggapin ang kamay niya. Dahan dahan niya 'yong tiniklop at ngumiti.

"Tingin ko ganyan talaga siguro kapag hindi pa kayo nagkakakilala. Since this is the first time na nakita ko siya."

What the f*ck? Pinapalabas niya ba na hindi kami magkakilala. Tang*na kilalang kilala niya ako! Alam niya kung sino at aware na aware siya kung anong ginawa niya noon!

Ibinalik  ko na ang baso na kinuha ko mula sa kusina at handa nang talikuran silang dalawa nang marinig ko nanaman na magsalita ang babaeng iyon.

Hinawakan niya ako sa braso na parang kinokompormiso niya ako at inaamo. Humarap ako sa kaniya at nakita ko ang pekeng nagpapaawa na mukha.

"Please wag kang magalit sa'kin. Gusto ko lang naman na maging mabait sa'yo lalo na at naging bahagi ka nang buhay nang nobyo ko. Alam kong hindi pa tayo gaanong magkakilala pero sana naman 'wag mo akong pakitaaan nang sama nang loob. Na parang ayaw mo sa'kin. Hindi naman kita inaano."

Aba sumusobra kana ah!

Tinabig ko ang kamay nito pero hindi pa rin ito bumibitaw. Ano ba ang balak mong ipalabas? Na ako ang masama rito. Pwes edi ganon na ang ipapalabas ko.

"Bitawan mo'ko. Dahil unang una hindi tayo close at kagaya nang sabi nang 'nobyo' mo aalis rin naman ako rito at wala akong balak makipagkaibigan sa'yo. At kung iniisip mo na masama na ang ginawa ko dahil hindi ko tinanggap ang inaalok mong shake hands kanina. Pwes nagkakamali ka. At walang dahilan para makipagkaibigan ka sa'kin dahil EX ako nang nobyo mo."

Dahan dahan ay inilapit ko ang bibig ko sa tenga nito at may ibinulong.

"At wala rin akong plano na makipagplastikan sayo. Kilala kita. At alam ko na kilala moko kaya wag mokong bilugin. Kung nagawa mo silang maloko sa pinagsasabi mo sa kanila. Pwes ako hindi. Demonyo ka."

Nang mailayo ko na ang bibig ko sa tenga niya tsaka lang ako nagsalita nang malakas at maririnig nilang lahat.

"Now that I finally met you. Okay na ba? Pwede na akong umalis? By the way. It's not nice to meet you. Excuse me."

Pagkatapos kong masabi 'yon. Nakita ko si lilo mula sa kusina na nagpeace bomb sa hangin.

Hindi ako plastik. Sorry ka nalang.

A/N: So ayuun. Hindi ko mapigilan na mag update kaya nag update na ako. I hope magaan pa rin ang pakiramdam niyo after reading this. Ang bigat nang pakiramdam ko haha skl.




By chanceWhere stories live. Discover now