AYAV5:

23 2 0
                                    

"I have my car, iyon na lang gagamitin natin,"sabi nito habang naglalakad kami papuntang sasakyan niya.

Imbes na sumagot sumunod na lang ako sa kanya. Naiinis lang kasi ako dahil inisturbo niya once in a life time kdrama scene ng buhay ko. Oo, tama pagkabasa niyo! Siya 'yung umukray sa amin kanina ni Markue, kainis. Umeksina ba naman, akala mo pasan ang mundo.

"Papasok ka ba o ipapasok pa kita?"napatigil naman ako sa paglakad at napatingin sa kanya. Nasa tapat na pala kami ng kotse niya. At napakagentleman niya, grabe! Kusa kong binuksan ang pintuan ng kotse niya!

Pumasok na nga lang ako sa loob at hinubad ang backpack saka ito inilapag sa aking paanan. Itinuon ko na ang tingin ko sa daan ngunit nakadama ako ng awkwardness kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin naman sa akin. Taena! Mukhang malalaglag ang panty ko sa titig nito, anong trip ba meron ito?

"Are you imagining a romantic scene?"seryosong tanong nito sa akin.

"Ha?"parang tanga na ewan ko na tanong naman sa kanya.

"Fasten your seatbelt, 'yan napapala niyo kakapanood ng drama,"sagot naman niya at pinaandar na ang sasakyan.

Napaismid na lang ako habang nagseseatbelt. Problema ba ng lalaking ito sa Kdrama? Hindi naman siya inaano ah! Hotness lang talaga mayroon ang lalaking ito, walang kasweetness sa katawan.

Imbes na patulan ko pa ang nilalang na ito itinuon ko na lang aking atensyon sa dinadaanan namin. At halos 1 oras din kasi ang biyahe namin papunta sa bahay nina Ms.Ecnaj. Siya lang naman ang CEO namin, nasa late 40's na siya nito pero wala pa siyang asawa. Mukhang masyadong naenjoy niya ang buhay dalaga. Nakarating na nga kami ng bahay nila and woow! Simple lang ang bahay pero mapapawow ka sa ganda ng hardin nila at alagang-alaga talaga. Pumasok na kami sa loob ng sinalubong kami ng Mama ni Ms.Ecnaj. Inikot ko ang aking paningin at masasabi kong inaral talaga ang pagkaayos ng bahay. Mula sa proper ventilation ng bahay at lahat ng area may usage talaga, wala silang may sinayang na parti.

Nag-uusap na kami ngayon sa loob ng study area at so far ang bait naman ng kanyang ina.

"My granddaughter really love kpop so probably you should put it into consideration," napangiti naman ako sa sinabi ni Mrs. Ecnaj. Ito na ang chance ko! "She'll be here next week. I'll set an appointment for you to meet her,"dugtong pa nito.

"Okay Maam, we will do our best to meet her needs. Ms.Clarin is a Korean fanatic for sure we will meet your granddaughter expectation,"ani Kristan pero bakit parang napressure ako dun?

Pagkatapos ng mahabang kwentuhan namin kumuha na muna kami ng mga litrato at measurement ng area. Pero parang may mga sariling mundo kami, walang imikan. Ako na pinakuha niya ng litrato at siya naman ang sumukat.

Inilagay ko na muna ang mga gamit ko sa bakanteng upuan at nilapitan siya. "Tulungan na kita,"sabi ko.

"Tapos kana?"tanong niya sabay tingin sa akin kaya tumango naman ako. "Itakedown mo na lang ang dimensions, malapit naman akong matapos,"dugtong niya sabay abot sa akin ng clipboard.

"Parang babae naman ang penmanship mo,"pagpupuna ko. Totoo naman eh, parang babae talaga. Mas maganda pa nga kaysa sa akin eh. Pagtingin ko sa kanya patuloy lang ito sa kanyang ginagawa, bingi ata. And let me appreciate first his beauty (hindi sa ano ahh...sadyang magaling lang ako kumilatis ng kapogian.

Hindi ko nga mapigilan na mapansin ang hotness ng nilalang na ito. Kahit namamawis na siya bakit mukhang ang bango pa rin niya? Paniguradong kung kayo rin sa sitwasyon ko malalaway din kayo at gustong punasan ang mga pawis nito, ito 'yung tinatawag na "women hormone".

ARE YOU A VIRGIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon