4: these guy

42 3 0
                                    

AYAV 4…

“Kristan at Maica, you two will be in-charge of the house renovation of Miss Ecnaj. Special request iyon ng ating CEO,”paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga sinabi ni PM Jul sa conference room.

Ano na gagawin ko? Sa tuwing makita ko ang lalaking iyon umeepal agad ang wet dream ko na iyon. Katarungan naman para kay Maica oh!! Sinampal-sampal ko na nga lang ang sarili ko habang nakatingin sa salamin dito sa cr.

“Oh Maica totoo bang magkasama kayo ni Kristan sa special project?”napalingon naman ako sa pag-eksena ni Bitchena at kasama pa niya si Malandisha. Ang dalawang officemate namin na takot maubusan ng lalaki. “Ahhh, napakswerte mo naman at kasama mo siya.”

“Paano mo nagawa ‘yun? Did you beg Architect Jul?”napatigil ako ng panghuhugas ng kamay ko sa sinabi ng Malandishang ito. “Paniguradong nagpaparty na ang puso mo sa galak.”

“Of course girls!”nagpapalakpak pa ako ng aking basang kamay kaya natatalsik sa kanila. “Once in my life makakasama ko ang hottie ng company natin. I’m planning to celebrate later with a bang!”hiyaw ko saka umexit na.

Hay naku! Bakit naman ako magmamakaawa makatrabaho ang lalaking iyon?! He’s so out of my league, ayoko sa lalaking marami nang experience nuh. Well, I like his body, paniguradong may abs siya.

“Ay abs mong masarap!”napasapo naman ako sa aking noo dahil may nakabangga lang naman ako. Ang bango niya, inamoy ko pa talaga at napapikit pa ako.

“Ehem!”napadilat naman ako sa biglang tumikhim at taena!

Maica ang malanding isip mo talaga hindi mo nialagay sa tamang lugar. Napaatras na nga lang ako at tumungo na sa aking cubicle saka inuntog ang ulo ko sa table ko. God save me!!!

“Maica aalis na tayo?”napaayos naman ako ng aking sarili at tumingin sa kanya.

“Sige,”pilit naman akong ngumiti at kinuha ko na nga ang backpack ko.

Tutungo kami ngayon sa isang project namin para magsite-visit at para na rin ipakilala sa mga tauhan si Markue. Ginamit na namin ang company car para tumungo roon.

“Magandang hapon Architect, boyfriend niyo po?”napapaypay naman ako ng aking sarili sa showbiz question ni manong foreman sa akin.

“Ano ba kayo Manong, siya po ang bagong junior architect natin,”pabebe ko namang sagot. Heyeen niyo ne, mensenen lang naman.

“Ay sorry po Architect,”pagsosorry naman nito at ngumiti na lang ako.

Niyaya ko nga si Markue pumasok sa site at pinakilala ko naman siya. Naglibot-libot pa kami sa loob. Nadatnan nga namin si Lenz sa 3rd floor na nag-iinspection.

“Oh Maic, kinakareer mo na ang pagiging close kay Markue na,”biro  naman nito at inismidan ko naman siya.
“Ang bunganga mo Lenz. Siya aalis na muna kami ni Markue, titignan lang namin ang gawa nila sa penthouse,”pananaway ko naman sa kanya.
“Wooow, ang ganda naman dito Maic,”mukhang naamaze nga talaga siya sa kanyang nakikita sa penthouse.

Hindi pa naman tapos ang floor na ito. Isang zen architecture inspired ang floor na ito kung saan makikita mo simplicity at naturalness ng lugar. Idinesenyo namin ang lugar na ito bilang pagtugon sa gusto ng may-ari na mafefeel ang ambiance ng nature at marelieve ang kanyang stress inspite na nasa busy area ito ng lungsod.

“I never regret joining this company,”sabi nito at ngumiti naman sa akin.
“Paniguradong you’ll enjoy here,”kumento ko naman sa kanya at ngumiti rin sa kanya.

Pagkatapos namin maglibot sa buong floor umalis na rin kami at bumalik sa opisina.

Few days after…

“Bakit hindi mo ako ininform ulan na babagsak ka ngayon? Nasira pa naman ang payong ko,”kinakausap ko lang ang aking sarili dito sa labas ng apartel namin.

Ang init-init naman kahapon diba? Bakit biglang umulan ngayon?! May pasok pa naman ngayon si Dreya kaya hindi ko mahihiram ang payong niya. Anong oras na kasi, baka malate pa ako nito. Ahh,bahala na!! Sinuot ko na nga lang ang hood ng jacket ko at nagsimula na ngang maglakad.

“May balak magkasakit?”napatigil naman ako sa paglakad, tumingin sa biglang tumabi sa akin at pumayong na din.

Alam niyo iyong sa K-drama lang nag-eexist? Lovestory in the rain?Iyong every woman dream na mangyari man lang sa totoong buhay? Ito rin ba ang nangyayari sa akin? Napahigpit ang kapit ko sa hoodie ko lalo pa nang ngumiti siya sa akin!! F-to-K na pusong ito ayaw kumalma!!

“Tara?”at tanging tango lang ang sagot ko sa kanya.

Nagsimula na nga kaming maglakad patungo sa office namin. Salamat  malapit lang ang office namin at hindi na lumakas pa ang ulan. Feeling ko talaga sobrang namumua na ako ngayon sa kilig sa lalaking ito.

“Mabuti na lang naabutan kita ate. Kung hindi sana basang sisiw ka ngayon,”ang concern ng batang ito.

“Nasira kasi ang payong kaya no choice ako,”sabi ko naman at mahinahong tumawa para hindi awkward.

“Iisang apartel lang naman tayo kaya huwag ka nang mag-aalala may payong na tayo,”gusto nang mahulog ng panty ay este ng puso ko sa kindat nito at ngumiti pa.

“Ano ka ba makakaabala pa ako,”napatingin ako sa café sa kabilang kalsada and I’m thinking to treat him. “Bilang pagthank you, libre kita ng latte,”sabi ko at ngumiti sa kanya.

“Wait!!”nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw niya. Sa bilis ng galaw nito, nakita ko na lang na nasa harap ko na siya at nakayakap sa akin.

Anong nangyayari? Can someone explain to me what’s happening? Bakit nakayakap na siya sa akin at bakit nabibingi na ako sa pintig ng aking puso?

“Sorry ate,”pagsosorry nito nang kumalas na siya sa pagyakap.

“Oh shit!! Hala, sorry…”niligtas niya pala ako sa pagtalsik ng tubig sa daan ng dumaan ang isang sasakyan. Pagtingin ko ng hoodie niya basa na ito. “Paano na ‘yan? Dumaan na muna tayo ng laundry shop,” hindi ko na nga mapigilan ang pagkagat ng aking daliri.

“Okay lang, may inner shirt naman ako, hubarin ko na lang sa café ang jacket ko,” sagot naman nito. “Ikaw, hindi ka ba nadumihan?”

“Hindi, nasalo mo na ata lahat. Dami ko nang utang sayo sa isang araw lang huh,”sagot ko naman.

Tumawid na nga kami at tumungo sa café. Umurder na ako at siya naman ay tumungo na muna ng banyo. Paglabas niya, bakit ang hot pa rin ng nilalang na ito kahit nakawhite shirt lang?! Umiwas na ako ng tingin ng lumapit siya sa table kung saan ko siya hinihintay. Umalis na rin kami agad dahil late na kami ng 15 minutes at ayoko masuspend sa dami na ng late ko. Quota na ako…

“Akala niyo ba isang K-drama ito at nagshoshoot kayo ng scene?”napatigil naman kami sa pagkwekwentuhan sa biglang umeksina sa likuran namin.

“R.I.P. sa atin,”sabi ko at napakagat sa straw ng latte ko.

ARE YOU A VIRGIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon