Destined

23 1 0
                                    


Addison's POV

"Gumuguhit para mailarawan ang nararamdaman. Nararamdamang hindi mailabas."

Aking pinipinta ang isang mukha. Mukha ng labis na sinisinta.

"Siya na naman yung pinipinta mo." napatigil ako sa ginagawa ko at napalingon sa kaklase ko. "Sino ba yan? Crush mo?" napaiwas ako ng tingin nang sabihin niya yun.

"Hindi. Wala lang." sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya.

"Sigurado ka? Sige sabi mo eh. Kunwari naniniwala ako. Ang mysterious mo talaga." sabi niya at umalis sa harap ko.

Bumalik ang tingin ko sa pinipinta ko, at tinuloy ito. Pumikit ako.

"Makikita pa kita diba? Babalik ka pa. Babalikan mo pa ako." sabi ko sa sarili ko.

****

Pinipinta ko muli ang mukha ng taong aking hinahanap at hinihintay kung babalik pa. Ilang taon na, ilang taon na kong naghihintay sa kanyang pagbabalik ngunit wala pa rin siya.

"Sabi mo babalik ka." sabi ko ng matapos ko ang painting.

Tinignan ko ang painting at napangiti ako. Ilang taon na ang nakalipas pero alam ko pa din ang bawat feature ng mukha niya. Mapulang labi, Magagandang mata at matangos na ilong.

Tumayo ako at nilagay sa collection ko ang ginawang painting. Puro mukha niya ang painting sa collection ko na yun.

Lumabas ako at pumunta ng kotse dahil pupunta ako ng grocery.

Pagkasakay ko sa kotse nakita ko ang picture namin na dalawa. Ansaya saya namin dito.

Nang makarating ako sa grocery ay nagsimula na ko hanapin ang nasa checklist ko. Naghahanap ako nang biglang may makabunggo ako.

"Sorry." sabi ko at napalingon sa taong nabangga ko, napatigil ako nang makita ko ang mukha niya.

"Sorry - Addison?" gulat na sabi niya. "Ikaw ba yan?" pagkasabi niya yun hindi ko na napigilan na yumakap sa kanya.

"Blake." banggit ko sa pangalan niya. "Nakita na kita, antagal kitang hinanap." sabi ko habang naiiyak na.

"Hinahanap din kita Addison. Namiss kita." sabi niya at humiwalay sa yakap.

Naggrocery kami nang magkasama at inaya ko siya na pumunta sa bahay para magkapagcatch up.

Pagkarating namin sa bahay ay nagluto ako habang naguusap kami at dun na siya kumain.

****

"Addison." sabi ni Blake kaya napatingin ako. It's been 2 years nang makita ko ulit siya.

"Bakit?" tanong ko at ngumiti siya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at nakatitig siya sa mga mata ko nang diretsyo.

"It's been a year since I started courting you, Do you think that is enough? I love you Addison, I really do. Can you be my girlfriend?" tanong niya at ngumiti.

Napangiti ako. "Yes." sabi ko niyakap niya ako at ganun din ang ginawa ko.

****

Nagdaan ang mga araw, linggo at buwan na naging masaya at maayos ang pagsasama namin ni Blake.

Nabuhay at nagsama kami ng kuntento sa isa't isa. Worth it lahat ng pagod at hirap tuwing kasama ko siya.

Ilang buwan na lang ga-graduate na kami at ilang buwan na lang din ay anniversary na namin.

DestinedWhere stories live. Discover now