Chapter 2

11 0 0
                                    

Nakatapos na din kami sa paglilinis ng mga room galing niya no? siya pa yung nagsabi sa guidance counselor kung ano yung gagawin namin. Pumayag naman sila ang unfair lang diba. Hapon na nung matapos kami mga mag 3:00 na inakbayan ako ni Axe at naglakad na kami "So ano tara? date na tayo babe!" masayang masaya siya, napailing nalang ako doon "Oo na tara libre mo ha" tumango siya at kinurot ang pisnge ko. "Gutom na ako babe kain na tayo please?" hinawakan ko ang tiyan ko at hinimas papayag kase yan pag nakikita niyang gutom na gutom na talaga ako "Ang aga pa ah? pero sige na nga mahal naman kita" dinala niya ako sa paborito naming kainan sa tokyo tokyo! Ang sasarap kaya ng mga pagkain don kaso pagdating namin puno at wala na atang bakanteng upuan.

"Yaan mo hahanap tayo ng mauupuan" ngumiti siya sakin ibinalik ko din yung ngiti niya. Nakaisip ako ng bright idea kaya hinila ko agad siya "Mamaya nalang yan! nood muna tayo ng movie tapos laro tayo sa tom's world edi pag balik natin may bakanteng upuan na" natawa siya sa sinabi ko kaya napakunot ang noo ko sakanya "Bakit?" hinampas ko siya ng malakas sa braso "Eh diba sabi mo gutom ka na? tapos nung makita mo kung anong showing parang umurong yung pagkagutom mo hahaha" nakita niya yon?! "Hindi kaya! bahala ka diyan basta ako manonood ako" pumunta na agad ako sa escalator at iniwan ko siya pagkataas palang dumiretso na ako sa sinehan tiningnan ko kung anong oras ang simula at yes! 4:30 pa at 6:45 naman yung tapos. Mukhang malelate kami nito bukas ah. Nagbayad na ako ng ticket oo ticket isa lang kase ang binili ko bahala siyang bumili ng kanya mayaman naman siya eh.

Tumingin tingin ako pero walang sumunod sakin asan na kaya yun? baka nambababae na! maghanda lang talaga siya pag nahuli ko sila. Pero habang wala pa siya bibili muna ako ng popcorn at soft drinks. Patalikod na sana ako nang may nakabangga sakin "Shit" naginit ang dugo ko sisigawan ko na sana siya pero nung pagkatingin ko sa mukha niya nagulat ako anong ginagawa niya dito? "Max anong ginagawa mo dito?" kahit na mas matanda siya sakin parang mas nakababatang kapatid parin ang turing ko sakanya. "Tatanga tanga ka kase! tingnan mo yung damit ko" tiningnan ko yung damit niya at natapunan ko ata ng soft drinks ko, galit na galit siya sinigawan pa nga niya ako eh kaya madaming tao ang nagsitinginan samin "Hindi ko naman sinasadya eh" hindi ko siya mapatulan kase kapatid siya ng boyfriend ko.

"Kung hindi ka sana tanga edi sana nagiingat ka! Uhhhh" nanlalagkit ang damit niya hindi ko alam ang gagawin ko pinagtitinginan na kami yumuko nalang ako nakakahiya na talaga to "Ano na naman ba Max? tigilan mo na nga ang girlfriend ko" biglang may nagsalita paglingon ko nakita ko si Axe na galit na galit ang sama ng tingin niya sa kapatid niya. "Tss whatever" naglakad na siya pero bago siya makalampas sakin binulungan muna niya ako "At ikaw wag ka kasing tatanga tanga sa susunod okay? sinuwerte ka lang kase nandyan si kuya" dumiretso na siya sa paglalakad hindi ko alam kung bakit sakanya lang ako nasasaktan. Minsan kase sobra na yung sinasabi niya sakin babae rin naman ako may pakiramdam. Hindi purket lalake ako umasta hindi na ako babae, hindi na ako nasasaktan.

"Hayaan mo na yun pagsasabihan ko nalang mamaya pagsasabihan ko okay ka lang ba?" hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tiningnan ako ng diretso sa mga mata "Oo naman ako pa tara na nga bahala ka ako may ticket na iwan ka! haha" tinakbuhan ko na ulit siya "Oy saglit teka! ate pabili ng ticket! tabi ako muna!" tinabig niya yung mga taong nasa unahan niya nakakatawa siya tumigil ako sa may entrance baka kase mawala na naman siya eh. "Bilisan mo patapos na ang tagal mo" pumasok na kami sa loob at umupo na kami sa pinakamataas na seat. Alam niyo kung anong pinapanood namin? samurai x! as in gosh what the fuck diba?! masyado kaming excited kaya halos kami palang yung tao sa loob. "Bobby m-may gusto s-sana akong ibigay s-sayo" nangangatog siya nung sinabi niya yun hindi rin siya makatingin ng maayos sakin "Ano naman yun? pag yan lang--" pinutol niya yung sasabihin ko "Hindi promise"

Ang cute niya pag kinakabahan "Ano ba kase yun?" nagkatinginan lang kami hanggang sa magsimula na yung movie "Mamaya na nga lang wooh" naglabas siya ng hininga sa sobrang kaba niya. Hahaha nakakatawa hindi ko nalang siya pinansin at nanood nalang ako. Nakita kong nagaabang yung kamay niya nakapatong lang sa may patungan ko at parang hinihintay ang kamay ko na lumapat sakanya. Napangiti nalang ako sa ginawa niya kase kinuha niya bigla yung kamay ko, napatingin ako sakanya pero hindi siya tumitingin sakin "Manood ka nalang" ngiting ngiti akong nanood "Oo na chancing mo eh" pinanlakihan niya ako ng mata "Hindi kaya boyfriend mo ko kaya may karapatan ako" hindi nalang ako umimik at nanood nalang ang dami kaseng sinasabi.

The great pretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon