Chapter 3

9 0 0
                                    

May nabangga sino kaya yon?! si Axe ba yon?! Hindi pwede mangyari to! Bilis bilis akong lumabas ng bahay, kinakabahan na ako na baka si Axe nga yung nabangga sabi kase niya pupunta siya dito diba?! Hinawi ko agad lahat ng tao at nakita kong si Axe nga! "Axe! gising! *sob sob* Axe!" duguan siya sino ba yung gagong nakabangga sakanya? "Tulungan niyo ko! Baka maubusan siya ng dugo!" hirap na hirap na akong huminga pero wala paring natulong sakin nababaliw na ba sila? biglang dumating na yung ambulansya binuhat nila si Axe at dinala sa loob. Sasama ako wala na akong pakielam kung nakapambahay pa ako. "Axe naman eh! AXE!" inaalog alog ko siya pero wala parin siyang malay.

May kung anong ginagawa sakanya yung mga nurse. Wag naman sana siyang mawala sakin masyado pang maaga hindi pa siya pwedeng mamatay. "AXE GISING! WALANGHIYA NAMAN AXE OH! AXE!" nagwawala na ako ng biglang "AXE!!!" sumigaw na ako bigla ko nalang naramdaman na may umaalog sakin.

"Bobby! Bobby! gising!" minulat ko agad yung mga mata ko. Panaginip lang pala yon akala ko totoo na. Umiyak agad ako at niyakap ko si kuya Alec. Humagulgol ako sa dibdib niya habang hinahagod niya ang likod ko. Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa hirap akong huminga "Kuya napanaginipan ko si Axe *sob sob* nabangga daw siya" iyak parin ako ng iyak "Sssh hindi yon totoo, hindi ko na nga siya pinatuloy na pumunta dito eh" kinuha ko agad yung cellphone ko at may 3 messages na galing sakanya.

From: Axe <3 :*
'Baby hindi na ako tumuloy sainyo :) bukas nalang daw sabi ng kuya mo'

From: Axe <3 :*
'Babe tulog ka na ba? sleepwell baby ko! sana mapanaginipan mo ko! :')'

From: Axe <3 :*
'Babe susunduin kita bukas okay? :) dapat 6:00 ready ka na ;) sige sweet dreams'

Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Pagkatapos non natulog nalang ulit ako kasama ni kuya wag na si ate tulog mantika pa yon eh.

----

"Bobby! gising na! 5:00 na malelate tayo nan" huh? parang pamilyar yong boses na yon ah

'You got a boyfriend and he's a total

Loser all your friends tell you that he's

Got no future but unlike me just

Saying! he better takes you out when

He does he's late'

May natawag sakin sino ba to? agang aga nambubulabog agad. "Hello?!" sinigawan ko yung kausap ko wala na akong pakielam kung sino siya nakakairita biruin mo ba naman agang aga 5:00 palang oh "Chill! ako lang to haha may nalaman akong chika!" si Michie sabi na nga ba eh sino pa bang luka lukang tatawag sakin ng gantong kaaga? "Ang aga pa Michie pwede bang mamaya nalang yan?" medyo mahina pa yung pagkakasabi ko dahil tinatamad pa akong gumising "Hindi! alam mo bang trending yang boyfriend mo sa twitter?? ideal boyfriend ng lahat!" nagulat ako sa sinabi niya kaya medyo nagising ako "Oh baka naman si Max yon"

"Hindi! si Axe yon nakalagay dito oh" kung si Axe yon paano naman nangyari yon eh halos 500 lang naman yung followers niya "Eh pano nangyari yon? Impossible yon! baka naman si Jack lang yan" bigla nalang siyang tumawa ng malakas "HAHAHAHA oo nga no! si Jack nga mali pala sorry besh tulog ka na ulit mwa" binabaan niya agad ako ng phone bastos, hindi pa ako nakakasagot "Bobby! hoy! gising na! malelate nga sabi tayo" si Axe ba yon? Binuksan ko yung pinto ko at pagtingin ko sa baba si Axe nga. Ano namang ginagawa nan dito sobrang aga pa kaya "Hoy Michael anong ginagawa mo dito? ang aga aga nandito ka na agad" nginitian niya lang ako "Syempre boyfriend mo ko tama lang na ipinagluluto ka sa umaga"

Nakaapron pa siya ang nakakatawa pa don ay apron ko pa haha yung kulay pink! my little pony pa. "Baka naman hindi masarap yan" lumapit ako sakanya at tiningnan ko kung anong niluluto niya. Natawa ako pagkatingin ko, itlog at hotdog lang pala. Haha typical Axe. "Masarap to! expert kaya ako sa pagluluto ng eggs and hotdog" inilagay na niya sa plato yung mga niluto niya at kumain na kami. Pagtingin ko sa orasan 5:30 na pala!

"Bakit hindi mo sinabi?! malelate na tayo hindi pa ako nakakaligo" kumuha ako ng mga damit ko sa drawer "Kahit wag na mabango ka parin naman" kinindatan niya ako. Uhhh nilalandi na naman ako, kinikilig ako. "Magtigil ka nga, hintayin mo ko diyan ha" umupo siya sa sofa namin at tumango.

Naligo ako ng mga 20 minutes kaya paglabas ko nakatulog na pala si gago. Lumapit ako at tinabihan ko siya "Axe" ginigising ko siya pero hindi magising eh "Axe, malelate na tayo tara na" ayaw mo parin ha. "Axe may iba na ako" pagkasabi na pagkasabi ko non nagising na agad siya "Ha?! Ano?!" nanlaki ang mga mata niya. Sabi na nga bat magigising to eh, natatawa naman ako sa reaksyon niya "Wala wala, sabi ko malelate na tayo" tumayo na ako sa sofa at kinuha yung bag ko. Paalis na sana kami pero may sinasabi na naman si Axe "May nakalimutan ka" kanina pa niya sinasabi yon "Ano nga kase?"

"Isipin mo. Basta may nakalimutan ka" maiinis na ako kanina pa kaya kami dito nagtatalo. Wala naman kase akong nakalimutan "Ano ba kase yon? magagalit na ako tamo" nagpout siya at tumingin sa mga mata ko "Yung kwintas mo" napangiti ako sa sinabi niya. Yun lang pala kaya ayaw pa niyang umalis "Nasakin kase oh" napangiti siya nung nilabas ko yung kwintas na binigay niya. Nilabas din niya yung kanya "Ayan, para alam ng lahat na akin ka at sayo ako. Pero may nakakalimutan ka pa talaga eh" nagpout na naman siya "Ano?"

"Yung puso ko" tas umakto siyang parang tumitibok nga talaga yung puso niya. "Ehh ang corny mo" hinawakan niya yung kamay ko at naglakad na kami papuntang school.

"Dito ka sa tabi ko, baka mapaginitan ka na naman ni Max haha" tiningnan ko si Max at ang sama parin ng aura. Hindi na ngumiti yan, as in ever! hindi ko pa yan nakikitang ngumiti. "Sige, bakit ba ganan yang kapatid mo?" tinaasan niya ako ng kilay at umiling iling. Hindi na niya sinagot yung tanong ko "Pupuyudan nalang ulit kita gusto mo?" ngiting ngiti niyang sabi sakin. Ang cute niya lang talaga pag ganan siya kakulit. "Braid gusto ko" ngumiti din ako at binigay ko sakanya yung ipit ko.

Pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin, lalo na si Axe. Hindi nila akalain na ang gago eh nagbraid ng buhok ng girlfriend niya! Nakatitig samin si Nicole, at ang sama ng tingin sakin. Pagtingin ko naman kay Max ganon din, yung tingin na parang nandidiri.

Sus mga inggit lang kayo, kase kami may love life! kase may boyfriend akong ganto kasweet. "Pag ako nabading sa mga pag gaganto ko sayo baka pagsisihan mo pa" kapal ng mukha kahit kailan "Hindi ah haha dami pang lalake diyan" nagpout siya "Talaga? ako lang! makinig kayong lahat! Ako lang ang pwedeng hawakan siya ha? at ako lang ang boyfriend niya! kung sinong maglakas loob mang agaw babasagin ko ang mukha" inannounce niya sa buong section at lahat natakot sa sinabi niya.

Mine. Yun lang naman yung pinaparating niya eh. Nagsmirk siya pagkatapos "See? wala na sakin ka lang" tigas eh no?

"Sinong may sabi? baka gusto mong agawin ko yan sayo eh"

Huh? sino yun?

-----

Hi guys ;) super late update I'm sorry haha hope you like it :* give me favorites!!! Hahaha

I really want to be a good writer (: so please support me

Comment

Vote

Follow

(c) Luke

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The great pretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon