Change

27 1 0
                                    

Simula ng grade 8 ko bigla nalang nawala si John saakin pero dati talaga ok kami ano kaya ang nang yari saamin.

Di nakami ok ni John ngayon kapag lalapit ako lalayo sya kapag magka group kami bigla nalang syang magpapalit ng group, group kung saan nandoon si Anna feeling ko mas close pa sila kaysa saamin.

Ano nga naman magagawa ko di ko naman hawak ang feelings nya, pero mahal ko parin sya kahit ganon sya parin ang first love ko sya parin ang nagpaintindi saakin kung ano ang LOVE kaya kahit anong mangyari sya lang ang loves ko.

Isang araw noong naglalakad ako sa hallway bigla akong hinila ni john ang kamay ko at gulat na gulat ako sa ginawa nya,"John masakit yun ha!"

"Sorry pero kailangan lang talaga kitang kausapin,"walang reaksyon nyang sinabi, at kinilig naman ako

"Ano ba ang gusto mong sabihin?"tanong ko sakan nya

"Kasi may tatanong lang ako sayo,"sabi nya

"Ano ba yun?"tanong ko sakan nya

"Kasi bakit mo ba ako iniiwasan?"

nagulat ako sa tanong nya at muntikan na akong di makasagot pero sabi ko nalang,"ikaw nga di namamansin dian eh,"

"Anong ako gumaya lang po ako noh!"sagot nya saakin

"Wait lang, galit kaba o natutuwa?"tanong ko

At tumawa nalang sya nang tumawa,"hay natutuwa lang ako, tara doon muna tayo sa place ko,"

"O sige na nga kwento ka ha, tungkol sa summer break natin,"sabi ko.

Ilang araw ang lumipas at naging close ulit kami at naging crush ko sya ulit.

Isang araw tinanong ako ni Gemma,"Jeane, sino crush mo?"

Nagblush muna ako syempre tapos sumagot ako,"sino paba edi si John,"

"Ayieee si John ulit ha!"sabi ni Gemma at narinig din ni Ton yun

"Jeane ha ikaw sasabihin ko nga yan kay John!"sabi ni Ton

"Ton wag!"sabi ko kay Ton, pero pinuntahan nya ang service ni John pero hinabol namin sya at dinatuloy ang sinasabi nya at tumakbo kami papalayo sa service ni John.

Kina bukasan

"Good morning everyone!"masayang masaya kong sinabi

"Hi good morning din sayo Jeane,"sabi ni Nicole saakin

"Masayang masaya ka ngayon ha what's up?"tanong ni Gemma

"Wala lang may nangyayari lang na sobrang ikinatutuwa ko sobrang nakakatuwa talaga yun,"sabi ko sakanila

"Si John yan noh,"bulong saakin ni Gemma, nagblush talaga ako sa binulong nya

"Paano mo naman nalaman,"tanong ko kay Gemma

"Wala lang, ano nga ba ang ngyari?"tanong nya saakin

"Eh kasi si John nakita ko ngayon sa hallway, sobrang blooming nya ngayon talagang blooming sya kaya yan dapat blooming din ako,"bolong ko kay Gemma

"Jeane ha love na ata ya,"bolong na sagot ni Gemma

bigla namang dumating ang teacher so nagklase na kami at habang klase tingin ako ng tingin sakan nya.

A High School RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon