MARGA
nagising ako ng maaga dahil balak kong pumasok ng magisa ayokong may makasabay sa kanila ni isa...pagkapasok ko sa school umakyat na ako sa classroom namin at nilapag ang bag ko sa upuan ko tapos bumaba muna ako at umupo sa may bleachers ng may sumisitsit sakin..
tangina wala ba akong pangalan??..
hinanap ko gamit ang mata ko yung sumisitsit sakin at nalaman kong si matthew lang pala tumakbo sya papunta sa gawi ko tinignan ko sya habang papalapit sya sakin pero wala talaga pinilit ko na yung isip ko na may maramdaman sa kanya pero wala...
"hi babe aga mo ah" bati sakin ni matt
"hello" malamig kong sabi kay matthew
"may problema ka ba sabihan mo lang ako" sabi ni matthew
tiningnan ko sya sa mga mata di ko sya mabasa..
"wala pumunta ka na sa building nyo baka hanapin ka na ng mga teachers" pagsaway ko sa kanya.
"ano muna problema mo??" pagpupumilit nya
tinitigan ko muna sya sa mata nya habang nakangiti syang nakatingin sakin..
"sino ka ba talaga matthew??" sabi ko
nawala ang ngiti sa mukha ni matthew nung tinanong ko sa kanya yun, napaiwas sya ng tingin napalitan ang expression ng mukha nya ng gulat at lungkot..
"babalik na ako sa classroom namin" sabi ni matthew sabay alis bigla..
maya maya pa dumating narin yung iba pang estudyante kumpleto na kami at nakatambay nalang sa bleachers habang naghihintay na paakyatin kami sa classroom. nanatili lang akong tahimik habang yung iba abala pa sa mga hindi nila ginawang assignment sa bahay..
"ayos ka lang ba marga??" tanong sakin ni angel habang napatingin sakin sina thea..
"oo naman" sabi ko at bumalik na sila sa ginagawa nila..
nakatulala lang ako ng biglang may bumagsak na libro sa harapan ko..
"hoyy galaw galaw baka pumanaw umagang umagang tulala ka" pangaasar sakin ni jardi
"bakit anong problema? nagaway kayo ni matthew anong ginawa sayo nun???" sabi ni jardi
"ay hindi, hindi pa nga kami naguusap mula kaninang umaga" sabi ko
"as in hindi pa kayo naguusap??" tanong pabalik ni jardi. "yung matinong paguusap pinabalik ko kase sya agad sa building nila" sabi ko.
MATTHEW
hindi nawala sa isip ko yung pagtatanong ni marga tungkol sakin bakit bigla nya sakin tinanong kung sino ba talaga ako??..matthew sino ka ba talaga??..
naghihinala na kaya sya?? hindi pa namin alam kung anong gagawin kapag nalaman nya yung totoo, di pa ako ready na kamuhian ng babaeng mahal ko..
alam kong mabilis pero hindi mahirap mahalin si marga the way she laugh the way she talk everything about her bobo nlang talaga kung sino yung hindi mahalin si marga..
buong araw wala ako sa sarili ko dahil sa buong araw ko din naman iniisip yung sinabi ni marga..
what does she mean??..
nakatayo na ako ngayon sa labas ng gate namin para hintayin sila. nung paparating na sila nagtama ang mga mata namin. ni marga pero agad akong umiwas..
"matt pupunta tayo sa bahay ni vicjardi" pagaya ni angel sakin.
"sige okay lang" yan lang ang tangi kong naisagot sa kanila.

BINABASA MO ANG
MY ONLY GURL
FanfictionBook 2 of "When I'm with You" tinutuloy ang storyang naiwan nina marga at vicjardi...... likha ni fatallo win DISCLAIMER: kung may hindi nagustuhan sa istoryang ito wag magalit kay author sumulat lang sya ng storya at kayo ang pumili para basahin a...