Chapter 3

14 0 0
                                    

Keanna's POV

Nakakapagod din ang ganito. Magpanggap na normal ang takbo ng buhay mo kahit na ibang-iba ito sa takbo ng buhay ng normal na tao.

Nasa hallway kami ngayon nila Yohan at Perry. Madami kaming nakukuhang atensiyon mula sa kapwa naming estudyante dahil sa lakas ng tawa ni Perry. Nakakapagtaka rin para sa iba dahil may kasama ako ngayon. Kilala ako dito bilang isang weirdo at ilag sa mga tao.

Tss. Pakialam ko sa kanila? Nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad. Wednesday na nga pala ngayon. Ang unang pagkakataon na babaguhin ko ang kapalaran ng isang tao. Will it work? I'm afraid na baka pumalpak kami. Just be positive Keanna. Kakayanin niyo ni Yohan toh. Oh dear God. Please help us mamaya.

Kinakabahan talaga ako. It's still 1 in the afternoon kaya medyo matagal pa bago namin gawin ang plano. Kailangan ko lang sabihin kay Perry na sasabay ako sa kaniya mamaya papunta sa cafe at magpapalate ako para hindi siya makasakay doon sa bus. Habang si Yohan naman ang pipigil sa bus sa pamamagitan ng paglalagay ng signage sa kalsada na hindi ito pwede dumaan doon.

In that way, hindi kami masiyadong mahihirapan ni Yohan.

"Hey, Perry. Hindi ba pwede na may kulang na member sa grupo natin mamaya?" Tanong ko. "Hindi eh. Kailangan kasi lahat ng members doon sa project. Saka mas magandang nandoon din lahat para pagipe-present na ang project, ay alam na ang gagawin." Hmm. Sabagay. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa room pero agad akong napahinto ng may mapansin akong kahina-hinalang tao sa isang bakanteng room na nadaanan namin.

Naka-coat ito ng black at nakatungo. Na-curious ako kaya nagpasiya akong puntahan ito.

"Ah, guys. Mauna na pala kayo. May dadaanan lang ako." Hindi pa man sila nakakasagot ay tumakbo na agad ako pabalik sa bakanteng silid. Sinilip ko ang loob pero wala namang tao. Namamalikmata lang ba ako kanina? Sinubukan ko ulit sumilip pero medyo nahirapan na akong tignan ang pinakagilid. Sinubukan ko din na buksan ang pinto at hindi iyon nakalock nung pinihit ko.

Pinasok ko ang loob ng room at iniwang nakabukas ng konti ang pinto. Medyo madilim dito. Maalikabok na rin ang mga gamit pati ang sahig. Inilibot ko ang aking paningin dahil nagbabakasakali akong nandito pa din yung nakita ko kaninang naka-coat pero wala akong nakita. Tss. Ano bang pinaggagagawa ko?
"Hallucination ko lang siguro yun."

Aalis na sana ako nung maramdaman ko na lang bigla na hindi ako makagalaw. Kahit ang mga daliri ko ay tila ba naparalisa. Anong nangyayari? Bigla na lamang nanlamig ang katawan ko nang may marinig ako bumubulong sa tenga ko mula sa aking likuran.

"Itinakdang kapalaran
ay hindi pwedeng baguhin,
Malaking pagkakamali
Ang binabalak mong gawin
Sa bawat pagkumpas
At paglipas ng oras
Malaking kabayaran
Ang iyong maaangkin"

Matapos iyon ay bigla siyang pumunta sa harap ko ng napakabilis. Tumitig siya sa mata ko kaya kitang-kita ko ang mga mata niya. May takip ang ibabang bahagi ng mukha niya na naging dahilan kung bakit mata niya lang ang nakikita ko. Hinawakan niya ako sa kamay na mas nakapagpadagdag ng kabang nararamdaman ko. Ayaw kong may makita na namang senaryo. Hinihintay ko na lang ang pagdating ng mga senaryo pero walang nangyari. Pero bakit? Paano nangyari iyon?

Napansin kong medyo kakaiba ang mga mata niya. May mali dito. Iba ang kutob ko dito.

"Huwag mong susubukang baguhin ang dapat na mangyari. Sigurado akong pagsisisihan mo ang magiging kapalit." Nanindig ang balahibo ko nang muli siyang bumulong sa akin. Nanlalamig ang mga kamay ko at tumatagaktak ang pawis ko. Sigurado akong lalaki 'to base na rin sa paraan niya ng pagtindig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reaper EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon