Chapter 2

10 1 0
                                    

Keanna's POV

"Paanong nangyaring ikaw?" Tanong ko kay Yohan. "Hindi ko exactly nakikita ang mangyayari. Pero alam ko exactly ang natitirang oras ng isang tao. Kailangan ng direct eye contact para magawa ko iyong makita. At sa nakikita ko. You still have so many years bago ang end mo. But... hindi tayo dapat makampante. Dahil pwede pa iyang magbago. So if we'll team up, pwede tayong makapagligtas ng madaming tao."

Hindi. Hindi pwede. Hangga't maaari ay dapat ko'ng iiwas ang sarili ko sa kahit na sino.

"Pasensya na, pero hindi kita pwedeng samahan sa binabalak mo." Nakayuko kong sambit. "Pero bakit?" Nagtataka naman nitong tanong.

"Hindi mo ba naisip na baka mas malala ang maging kapalit ng pagliligtas natin sa kanila?!" Hindi ko maiwasang itaas ang boses ko kaya nagulat siya. "Pero hindi mo pa naman nasusubukan, hindi ba? Wala namang masama doon." Pangungumbinsi nito.

"Ewan ko. Nalilito na rin ako. Unang-una, buong buhay ko ay inakala kong ako lang ang binigyan ng ganitong kakayahan. Masyado pa akong nalilito sa mga nangyayari." Paliwanag ko.

"Subukan lang natin. Trust me. Sa ngayon, sabihin mo muna sa akin ang nakita mo doon sa kaklase natin kanina." Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kaniya pero sa huli ay kinuwento ko rin naman.

"Puntahan natin siya. Pwede nating sabihin ang mangyayari at ang oras kung kailan iyon mangyayari. Para maiwasan niya yun." Sabi niya.

"Hindi. Hindi pwede. Iisipin lang nila na nababaliw na tayo. Napakaimposible nun." Wika ko. Napaisip naman siya at sumang-ayon.

"Edi tayo na lang dalawa ang gumawa ng paraan para hindi siya makasakay sa bus na yun without telling him what will happen." Suhestiyon ni Yohan. "Pero paano? Hindi kami close ni Perry. Ikaw pa lang nga ata ang nakaka-usap ko ng ganito katagal."

"Well, I think, kailangan natin siyang kaibiganin." Ano? Nahihibang na ba siya? Paano namin yun gagawin?

"But we only have a short period of time. How could we possibly do that?" I asked. "Hindi ganun kadali yun. Mailap ako sa tao while mahiyain ka naman." I continued.

"I'm not really a shy type. It's just my other side lalo na at baguhan ako dito. Baka may makaaway ako. Umiiwas lang ako sa gulo." What the- so all this time, mali ang iniisip ko? Then it might be easy for him to ask Perry with anything. Besides, they're both guys.

"Okay then, ikaw na bahala sa kaniya. Ako naman ang gagawa ng paraan para hindi matuloy yung bus papunta doon sa cafe. Subukan din dapat natin na iligtas ang iba pang pasahero nung bus." Suhestiyon ko. "Yeah. That's a good idea. Pero sa ngayon, balik na muna tayo sa room. Malapit na magtime." Wika niya at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman ako agad.

Pagdating namin sa room ay umupo kami agad sa sarili naming upuan. Buti na lang at wala pa ang teacher namin. Tinignan ko naman ang pwesto ni Perry. Nakaub-ob ang ulo niya sa sariling lamesa. Bakit kaya siya lumapit sa akin kanina?

Hindi ko napigilan ang kyuryosidad ko kaya nilapitan ko ito at kinalabit. Agad naman siyang nag-angat ng tingin at bumakas ang pagtataka sa kaniyang mga mata nang makita ako.

"Uhm. Perry. Gusto ko lang sana itanong kung bakit mo ako pinuntahan kanina sa upuan ko." Sabi ko habang naka-iwas ang tingin sa kaniyang mga mata. Natatakot akong baka may makita na naman ako.

"Ah, yun ba? Itatanong ko lang sana kung may time ka sa Wednesday ng hapon. May project kasi tayo, remember? Unless hindi mo narinig kanina." Paliwanag nito. "Ah, oo. Tama. Naaalala ko na. English literature yun, tama ba?" Tanong ko at tumango lang siya. Mukhang pwede ko itong gamitin para na rin mapalapit agad sa kaniya si Yohan. "Pwede ako sa Wednesday. Mga anong oras ba at saan?"

"Ah. Doon lang sa Reo's Cafe. Mga 4pm dapat nandoon ka na." Nagulat ako sa sinagot niya. Hindi maaari. Bakit ngayon ko lang naalala? Sa Wednesday nga pala mangyayari ang accident since Monday ngayon. So kaya pala siya pumunta doon sa cafe ay dahil sa project. Now I know. Ibig-sabihin ay mas malaki ang chance namin ni Yohan na mapigilan siya sa pagpunta doon.

"Okay, cge. That's a call." Sang-ayon ko sa kaniya at pumunta na sa upuan ko. "Hey. Anong pinag-usapan niyo ni Perry?" Biglang tanong ni Yohan mula sa aking likuran. "Ah. Tinanong ko lang siya kung bakit niya ako pinuntahan dito kanina. Nga pala, alam ko na kung bakit siya pupunta doon sa cafe this Wednesday." Sabi ko.

"Ano? Bakit raw?" Tanong niya ulit. "May project kasi tayo, di ba? So doon pala ang meeting place namin. Kagrupo niya kasi ako." Paliwanag ko. "Pero paano mo nalaman na sa Wednesday nga mangyayari?" Naguguluhan niyang tanong.

"It's the purpose of DEATH FLAME.  Kapag kulay asul na ito, ibig sabihin ay mangyayari na ang kaniyang pagkamatay sa loob lang ng ilang minuto o segundo. Kapag kulay berde naman ay meron pang dalawang araw bago mangyari ang pagkamatay. At kapag dilaw na may pagkapula naman, ibig sabihin ay safe. But I think pwede din magbago ang kulay ng death flame gaya ng kakayahan mo." Napatango naman siya agad.

"So sisimulan ko na siyang kaibiganin mamaya. At mukhang mas mapapadali iyon dahil magkagrupo kayo. You can introduce me to him." He suggested. Yeah. That's what I'm thinking also. Tumango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon since dumating na ang teacher namin.

Nang mag-uwian ay hinintay namin sa labas ng school si Perry. At nung makita namin siya na malapit na sa amin ay agad ko siyang tinawag.

"Hey! Perry." Bati ko nang makalapit siya. "Hey. Ano meron?" Tanong naman nito. "Gusto ka lang kaibiganin ni Yohan. Nahihiya daw kasi siya sa room." Wika ko. "Yohan, this is Perry. Perry, si Yohan." Dagdag ko pa.

Matapos nun ay nagkasundo naman agad ang dalawa. Napakadali nga lang talaga para kay Yohan na makisama.

"Hey, doon ka pa rin ba dadaan?" Tanong ni Yohan pertaining the way I used kaninang umaga. Naglalakad kami ngayon pauwi. "Oo. Ikaw?" Pabalik kong tanong sa kaniya. "Doon din. Hehe." Sagot naman nito.

"Nga pala. Paano ka nagkaroon ng reaper eyes?" Nagtataka kong tanong. "Let's just say na dahil yun sa isang lalaking naka-meet ko dati nung bata pa ako." Sagot niya. "Eh, ikaw. Paano ka nagkaroon ng reaper eyes?" Tanong niya naman sa akin.

"Well, it just happened one night. I'm dreaming of a guy. At first, hindi ko iyon pinansin, but then, habang nakatitig ako sa mga mata niya noon, nagliwanag ito. Yung parang makikita mo sa mga mata niya ang tatlong kulay ng apoy. Yun na pala ang death flames. Hindi ko pa nakikita ang pagkamatay ng isang tao dati, pero napanaginipan ko siya ulit. In that dream, hinawakan niya lang ang mga mata niya at tinuro ako. When I woke up, I can see someone's death using eye and skin contact at the same time." Paliwanag ko.

"Woah. That was cool. Your ability is really helpful." Namamangha pa nitong sambit pero napailing lang ako.

"Nope. Because of this ability, I think that I'm a curse. Every night, I always have nightmares. Those nightmares are the death of those people which I shared an eye and a skin contact. I hate thes ability. I hate myself." Nakayuko kong sabi. Nagulat ako ng bigla na lang akong yakapin ni Yohan.

"He-hey. What are you doing?" Naiilang kong tanong. "Hugging you. Please stop thinking that you're a curse. Cause you're a blessing. Not just a blessing but a special one." Nakangiti nitong sabi. At some point, I do felt special with his words and deed.

Matapos nun ay nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa sarili naming tinitirhan. Nasa kabilang kanto lang ang bahay na tinitirhan ni Yohan.

Pagdating na pagdating ko sa kwarto ko ay agad akong naligo at nagbihis ng pantulog. Sinuklay ko muna ang buhok ko hanggang sa matuyo ito at saka ako natulog. I think, magbabago talaga ang buhay ko. Not just because of my ability but also because of Yohan. He's such a good friend.

#####

A/N: Chapter 2 is done! Kung nagtataka kayo kung bakit ngayon ko lang in-update toh, eh sinabi ko kahapon na gagawin ko din agad. Well, let me remind you. What I said yesterday was, "Ngayon ko din agad gagawin ang chapter 2." I didn't said na iu-update ko kaagad. So ayun lang naman. Hehe. Thank you sa magbabasa. Please comment and vote. :)

Reaper EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon