-Karileign Pov-
"Ikaw?" Agad akong napatayo nang makita kong si sungit pala ang sumalo sakin.
"Tsk. Clumsy brat." rinig kong bulong niya.
"Leign ok ka lang? Hindi ka naman nabalian diba?" Tanong sakin ni Nyco na galing sa likuran ni sungit
"Ok lang ako wag kang OA." Sabi ko sa kaniya.
"Miss Fermin I think we should go." Masungit na sabi niya.
"Ay oo nga pala. Nyco una na kami ha bye!" Sabi ko kay Nyco. Bakit kaya ganun yung mukha niya? Ang seryoso niya ata. Kung magkatinginan sila ni sungit parang magpapatayan.
Mabilis lang ang naging biyahe namin dahil hindi naman traffic. Kung hindi niyo kasi naitatanong malayo ang bahay namin sa Vienir University kaya talagang late na akong pumasok kaninang first class ko.
Sinasabi ko nga kay gramps na sa condo nalang ako para di hassle bumiyahe ayaw naman niya dahil wala daw siyang kasama at baka may mangyari daw na masama sakin.
"Miss Fermin we're here." Plain na sabi ng katabi ko at nauna na siyang bumaba.
Di man lang ako pinagbuksan ng pinto. Napaka gentle man ha tsk.
"Where's gramps manang?" Tanong ko kay manang Elsa pagkapasok namin ni sungit sa bahay.
"Nasa kusina po siya kasama ng bisita niya Lady Karileign." Sagot ni manang sakin. Dumiretso lang ako sa kwarto upang magpalit nang mapansin kong sumunod pala tong sungit na to sakin.
"What do you think you're doing?" Taas kilay kong tanong sa kaniya sabay crossarms.
Tinignan niya lang ako sabay taas din ng kilay niya niya. . Bakla ba 'to? Taray makataas ng kilay ha, mas mahinhin pa ngang kumilos to eh.
"Ahm excuse me? Ang sabi ko anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Ulit kong tanong sa kaniya.
"I don't know where is your kitchen." Sabi niya na parang nahihiya.
Aba kung makasigaw sakin to kaninang umaga wagas, tapos ngayon nahihiya siya.
"Tss." Bahala siya diyan noh.
Crop top at maong short lang ang sinuot ko dahil nasa bahay lang naman ako. Nagpabango lang ako at lumabas na.
"Bakit andito ka pa? Tsk." Sabi ko sa kaniya at naunang maglakad pababa sa hagdan at nakita ko namang sumunod siya.
"Oh Karileign apo andito na pala kayo. Umupo na kayo para makakain na tayo." Sabi ni Gramps sakin.
Umupo na ako sa tabi ni Gramps at sa kasamaang palad ay katapat ko si sungit.
"May problema ba ija? Bakit lukot na lukot yang mukha mo?" Tanong sa akin ni Don Eduardo. Paanong hindi malulukot ang mukha ko kung mukha ng sungit na'to ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
I Love You Since 1999
Teen FictionAll Rights Reserved I Love You Since 1999 ©eirmiexx