Chapter 1

41 1 0
                                    

-Karileign Pov-

~Tok~tok~tok

"Lady Karileign"

~Tok~tok~tok

Ano bayan. Aish, inaantok pa ako eh. Ang aga aga.

"Lady Karileign gumising na daw po kayo sabi ni Don Fausto" rinig kong sabi ni manang Elsa habang kumakatok sa pintuan ko.

"Ten minutes more manang" sigaw ko sa kanya sabay higa ulit at nagtalukbong ng kumot.

"Bumangon na po kayo, baka ako po ang mapagalitan ng lolo niyo" sabi niya

Hindi nalang ako sumagot dahil sobrang antok na antok pa ako. Pagkatapos ng ilang minuto ay biglang tumahimik sa labas. Buti naman at tumigil na sa pagkatok si manang.

~Blaaag~

Napabalikwas nalang ako ng pabalibag na bumukas ang pintuan ko.

"Wake up now young lady! First day of school ngayon tapos malelate ka? Get up and fix yourself!" Sigaw ni lolo na halos tumalsik na lahat ng laway niya pati pustiso sa lakas ng pagsigaw niya.

"Gramps can you just low down your voice? Masisira ang ear drums ko dahil sayo. Anyway, nadeliver na ba yung pina-customize kong chamomile styled necklace?" Tanong ko sa kaniya. Matagal ko na kasing hinihintay yun eh. Pinagawa ko pa yun sa Rome.

"Huwag mong ibahin ang usapan dito Karileign Victoria! Bumangon ka na dahil nakakahiya sa kumpadre ko at kanina pa siya naghihintay sayo sa opisina niya sa skwelahan" sabi ni gramps. Kaibigan niya kase yung matandang hukluban na may ari ng university'ng papasukan ko.

"Fine fine, your so noisy like hell" iritang sagot ko sa kaniya sabay tayo at pumunta sa cr.

I just do my morning routine then boom, I'm so pretty na, as always of course.

Bumaba na ako sa hagdan at dumeretso sa kusina daladala ang Gucci bag ko na binili ko pa sa Paris.

"Morning" tipid kong bati kay gramps sabay subo lang ng isang bread at aalis na sana ako nang magsalita siya.

"Yan lang ang kakainin mo?" Tanong niya saken sabay higop niya sa iniinom niyang kape.

"Yeah, late na ako and I'm on a diet though" sagot ko sakanya

"Diet? Ang payat payat mo na nga tapos Magda diet ka pa? Kumain ka muna" sabi niya saken at ibinaba ang diyaryong binabasa niya.

"I'm really late na so bye for now gramps" sabi ko sakanya at naglakad na ako papunta sa baby Ferrari ko.

After 15 minutes ay nakarating na ako sa Vienir University. Pagkapark ko ng sasakyan ko ay naglakad na ako para hanapin ang opisina ng matandang huklubang kaibigan ni gramps.

As I walk in the hallway may biglang bumangga saken kaya nahulog ang phone ko.

"Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo? Do you know how much my phone is?!" Inis kong sabi sakanya. Ang mahal mahal ng phone ko tapos sisirain lang niya? Like duhh.

"So what? I can afford it." poker face niya sabi sabay walk out.

"Jerk!" Sigaw  ko sakanya.

I Love You Since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon