Kath's POV
"Oh, eto yung susuotin mo. As you can see naiiba yung sayo, kase iaassign kita dun sa mismong buffet. Okay?", sbi ni Sir Philip sabay abot sakin ng damit.
Hmm not bad. Engrande talaga ata yung SMB (star magic ball) ngayong taon, ganda ng damit namin ehh. Yung parang sa palasyo nagtatrabho yung maid, ganon damit namin.
Bukas ng gabi yung ball, kelangan kong matulog ng maaga para mapaghandaan yun.
Bago ako sumalampak sa kama, tumingin muna ko sa salamin.
sshhhhhrrrriiinnnnggggkkkk (salamin yan )
TAENA! Tao pa ba ko? Mukha na kong tae eh. Ang itim ko na pala. Tapos yung buhok ko? Parang may nakatirang manok sa sobrang gulo. Tsk
Nakakawalang gana!
Ayy shett! SMB yun diba? Edi, maraming artista! Wahhhh andaming gwapo dun. Ahhhh ang swerte ko namn pala. Makikita ko sila lahat sa isang gabi. All in one!
============================
Andito na kami sa venue. Kanina pa kami ehh, kakaayos lang ng mga pagkain dito sa area ko. Isa isa na ring nagsisidatingan yung mga artista! Shet! Ang gaganda ng damit nila !
Nagsastart na yung mismong event, andito lang ako sa area ko at minsan nagseserve. Nagtatawanan naman yung mga tao dahil ata sa joke ni Martin Nievera.
Sa kalagitnaan ng event may pumasok sa mismong entrance at tinahak ang red carpet, ang angas ng dating neto at pucha, may pa slowmo effect pa syang nalalaman! NAKAKAIRITA! Ang bastos! Late na nga ang kupad pa! Paimporatante?
Pinalibutan naman yung lalake ng mga reporters at photographers.
Tinulungan naman syang makaalis dun ng mga guards. Nang masulyapan ko yung mukha nya, nakangisi pa ang hayop! Sino ba yan?
"Ladies and Gentlemen, Let us all welcome, our Teen King,Mr. Daniel Padilla"
Mas lalong uminit yung ulo ko nang may special mention pa sya! Ganon ba sya ka special at kelangan pa nun?
Wag kayong ano ha! Ako kase yung klase ng taong ayaw makakita ng taong "attention seeker" nakakairita lang diba? Masyadong papansin,masyadong paimportantante feeling tuloy nila nakatataas sila! (Nako, madami nyan sa school)
Bumalik na ko sa mismong trabaho ko. Pinagsilbihan ko nalang sila at sinulit yung chance na makalapit sa kanila. Ang babango nila!
Tae! NAKAKAKILIG! nahawakan ni enchong dee yung kamay ko! Kinuha nya kase sakin yung wine at naglapat ang aming mga kamay! WAHHH
Bigla ko namang naalala si kiray. Hindi kase sya naassign dito ehh. Dun sya sa loob. sayang, crush nya pa naman si enchong, di bale iingitin ko nalang sya! Mwahahaha
Papunta na sana ko ng cr nang makita ko si Richard Gomez! Ahhhh
May naisip namn akong bright idea! Kunwari mababangga ko sya tapos tutulungan nya ko! Ahh damoves.
"Richard!"
Nang mababangga ko na sana sya, bigla syang lumingon dun sa tumawag sa kanya, kaya lang huli na nang matalisod ako. Iba tuloy yung nabangga ko, yung kasama nya.
Nakaupo ako ngayon sa sahig, umaasa ako na tutulungan ako ng nabunggo ko kaya lang ang tagal, wala atang balak eh
Tumingala ako at nakakita ako ng isang hayop! Kaya namn pala hindi ako matulungan eh, si mr. VIP pala to. Nakakabwisit! Tumayo agad ako at sesermonan sana to.
Kaya lang nung makatayo na ko, saka naman sya naglakad paalis!
BWISET!
Hinabol ko siya hanggang parking lot. Tarantadong yun, di man lang magsorry.
nang di ko na sya maabutan at papasok na sya ng kotse nya, tinanggal ko yung sapatos kong may heels at tinapon sakanya at... SAPUL! Mwahahahaha
Lumingon sya sakin at
"Anong kashitan yun? Kanina ka pa ha! Napakapapansin mo naman! Ganyan mo na ba ko kamahal at nagawa mo pang magkunwaring natapilok ka? Tapos ngayon sinusundan mo ko hanggang dito. Para ano? Maihatid kita sainyo kase natapilok ka? Tss miss, style mo bulok! Umuwi ka na nga! Nakakasuka na pagmukha mo! At sorry hindi kita papatulan" Siya, sabay tingin sakin from head to toe at sabay smirk.
Siguro kung maputi lang ako sobrang namumula na siguro ako SA GALIT!
"TAE! Nakakasuka? Mukha ko? Ang Kupal mo pala eh! Mas nakakasuka pa nga ugali mo kesa sa pagmumukha ko! Atska ako papansin?sayo? NAKO! WAG NALANG! WAG KANG ASSUMING HINDI IKAW YUNG BINALAK KONG BANGGAIN! FEELINGERO! SI RICHARD GOMEZ! OKAY? siya yung dapat kong babanggain! BWISIT KA!EPAL KA EH! Chance ko na yun"
" alam mo kase miss, ayos lang naman umamin eh. Bat di mo nalang aminin na ako talaga yung habol mo. Nandadamay ka pa ng ibang tao eh!" Nagsmirk uli sya.
"Huh? Alam mo rin kase mister pakibawas bawasan mo rin yung pagiging assuming mo! Daig mo pa babae kung magexpect! And FYI, HINDI KA KAGWAPUHAN! Mas malaki pa eyebags mo kesa sa mata mo---" naputol yung sasabihin ko kase may sumabat.
"Gosh! You both look good together!", naputol yung sasabihin ko nang may sumabat!
Twitter: @annachandria
BINABASA MO ANG
Teen King
FanfictionTeen King, The Daniel Padilla. Every King needs a Queen. Wanted: A Teen Queen