/LETTING YOU GO/
Chapter 1Written by: sasheshiii
JIAN
"LATE KANA." Panimula ko pagkatapos nyang sagutin ang tawag ko.
'Hinintay nya pa talagang maka pitong tawag ako sa kanya bago sagutin.'
Tumingin ako sa aking relo at tinignan ang oras.
9:46 AM.
One hour and fourty-six minutes na syang late.
"Jian, wala talaga akong balak makipagkita sa iyo." Halata ang iritasyon mula sa boses nya na napapakinggan ko.
'Chill ka lang, Jian. Kaya mo ito.'
"Hindi pa tayo nagbibreak Sammy." I whisper through the phone. I saw the waiter coming on my direction but I motioned him a just-wait-he's-coming look.
'Nakakailan ng punta sa akin ang waiter na iyon. Baguhan ata. Pero, okay lang sa akin na mapahiya ako. Si Sam naman ang hinihintay ko eh.'
"Ako, nakipagbreak na sa iyo. Ikaw lang itong ayaw." I was then back in reality when he said those words.
'Heto na naman tayo.'
"May iba kana ba ha?" Tanong ko. Napakapit ang aking kaliwang kamay sa laylayan ng dress na suot ko ngayon. Parang gusto na ding bumigay ng kanang kamay ko sa pagkakahawak ng cellphone.
"Wala. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala nga akong iba." Buti naman.
"Eh bakit nakikipagbreak ka sa akin ng walang dahilan ha? Akala mo naman papayag ako. Tse! Umayos ka nga! Matagal na tayo no. Hindi ko sasayangin iyon." Napalingon ako sa paligid ko dahil medyo napalakas ang aking pagkakasabi noon pero mabuti nalang at walang nakapansin sa akin.
Mga busy sa pakikipagusap sa kani-kanilang mga kasama. Samantalang ako, kanina pa ditong namumuti na ang mga mata sa kahihintay. Na wala naman ata talagang balak na sumipot.
"Bahala ka na nga sa buhay mo." Sam said. Ang sakit. Hindi nya nasasabi sa akin dati ang mga salitang iyon, pero ngayon, palagi nyang bukambibig sa tuwing nagkakausap kami.
'Bahala ka na sa buhay mo.'
'Bahala ka na sa buhay mo.'
'Bahala ka na sa buhay mo.'
Natuloy na ang paglabas ng mga luha ko na naging dahilan ng pagkabasa ng aking pisngi.
Anong nangyayari sa iyo, Sam?
Anong nangyayari na sa atin?
Tinatanong kita kung anong dahilan kung bakit naging ganito ang pakikitungo mo sa akin pero wala kang malinaw na paliwanag.
Naramdaman ko mula sa cellphone na hawak ko ang paglabas ng malalim na buntong-hininga ng nasa kabilang linya.
'Kausap ko pa nga pala si Sam!'
Dagli kong pinunasan ang nabasa kong pisngi at pinakalma ang sarili.
"Hey, I'm still here inside the swēte. I love you." I said.
Seconds passed but I'm still not having any response from him.
I checked the screen and saw that his name is still there. He's not yet hanging up the call.
Baka nag bibihis na sya at pupuntahan na nya ako dito sa 'swēte'. Ang paborito naming tambayan since they are offering sweet delicacies all over the world. Favorite namin pareho ni Sam ang sweet desserts.
Napatingin nalang ako sa hangin. Ayokong patayin ang tawag.
"Hindi na nga ako makikipagkita sa iyo. Ang kulit kulit mo talaga!" Natauhan ako bigla dahil sa sinagot nya.
Akala ko pupuntahan na nya ako dito. Hays.
"Kahit anong sabihin mo, aantayin pa rin kita dito." Sagot ko. Ngumiti pa rin ako. Ayokong makita nya na nagagalit ako sa kanya. Ayokong magalit sa kanya. Ayokong nagagalit sa kanya.
"Don't assume na pupunta ako Jian. I have better things to do than having a meet up with you."
Tinapos na nya ang tawag. Gusto ko ulit syang tawagan pero bigla akong napanghinaan ng loob. Tinitigan ko nalang phone ko.
I went to my gallery and scrolls down until I saw our pictures together.
Ini-reserve ko pa naman ang pwestong ito para sa date namin ngayon dahil ito ang paborito naming spot. I checked all the photos we had here in this snack bar until I took a glance on my watch and saw the time.
10:27 AM.
Mukhang wala talaga syang balak puntahan ako dito.
Instead of having rants here, I push myself to smile.
'Everything will be alright. Babalik din ang lahat sa dati.' Sabi ko sa sarili ko.
I still spent hours of waiting for him. But no Sammy showed up.
Nakakahiya dahil kanina pa ko binabalik-balikan ng waiter dito. Pero, wala ng hiya-hiya.
Nagtingin-tingin ako sa mga sasakyang nakaparada sa labas.
K-kay Sam na sasakyan iyon ah!
Medyo malayo ang pulang kotse kaya hindi ko malaman kung tama nga ba ang hinala ko.
Pero hindi naman pupunta si Sam dito eh. Sya na din ang nagsabi na may gagawing syang MAS importante kaysa sa pakikipagkita sa akin. Malabo na sa kanya ang sasakyang iyo at mas lalong malabo kung pupunta nga sya dito.
1:26 PM.
Tumayo na ako bago pa man ako ulit balikan ng waiter. I went downstairs and catch some air to refresh my mind.
'I love you Sam. Kahit minsan naiinis na ako sa pagsuyo sa iyo.'
"Haaaayssttt! Gusto kong isampal sa mukha mo ang mga panahong mahal natin ang isa't isa. Baka naman matauhan ka." Nasipa ko ang isang bote ng mountain dew na nasa harapan ko. Tumama ito sa pader at bumalik ulit sa pwesto ko.
'Sana all bumabalik.'
"O-okay ka lang, Ma'am?" Nagulat ako dahil may nagsalita sa likuran ko.
'May tao pala.'
Sya ang waiter na kanina pa lumalapit sa akin sa table kanina. Mukhang tapos na ang kanyang trabaho dahil nakabihis na sya ng disente. Kung hindi ko lang sya namukhaan na waiter kanina ay mapagkakamalan syang may-ari nitong snack bar.
"A-ay sorry. May tao pala jan. Yep. I'm okay. Dont mind me." Sagot ko.
Nauna na akong sumakay sa sasakyan na nakaparada sa di kalayuan. Medyo nahiya lang ako sa ginawa ko kanina.
"Okay, Ma'am. Have a good day po!" He said while waving his hands.
__________
To be continued...
YOU ARE READING
LETTING YOU GO
RomanceShe loves him so much. Very much. He loves her back. He can't live without her 'cause she's like his oxygen. But, why is it he began to change? He's pushing her away. He wants her get out of his sight. But, all things have an ending. Will she start...